Chapter 1

1.6K 34 6
                                    

There was a time I packed my dreams away... Living in a shell, hiding from myself... There was a time when I was so afraid... I thought I'd reached the end, baby that was then... But I am made of more than my yesterdays... I had to decide, was I gonna to play it safe?... Or look somewhere deep inside, try to turn the tide... And find the strength to take that step of faith?... This is my now and I am breathing in the moment... My fear's behind me, gone are the shadows and doubt... I've settled for less, but I'm ready for more... Ready for more!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Is that what you really want to do with your life? (Galit na tanong ng kanyang ama) Hindi ka man lang ba nahihiya sa sarili mo na ganyan ang pinaggagagawa mo? Look at yourself. You’re like a whore! For God’s sake naman, kahit konting kahihiyan man lang sana merun ka. (Habang siya naman ay nakikinig lang. Sanay na kasi ito sa mga ganung usapan nila ng kanyang ama) Bat hindi mo gayahin ang Kuya, ang Ate mo. They’re very successful in their chosen career. (Pagkukumpara niya)

Chosen nga ba? (Pabulong nitong tugon)

Wala ka nang dinala sa pamamahay na ‘to kundi problema. For once, pwede isipin mo naman kami. Isipin mo naman yung kahihiyan ng pamilya mo. All my life, wala akong ibang ginawa kundi ingatan yung pangalang merun ka. But for you, it seems na parang wala lang. Parang wala kang pakialam na isa kang Geronimo. (Pagpapatuloy nito)

Mukhang sa apelyido ko lang naman kayo concern ee. (Makahulugang sagot nito)

Anong sinabi mo? (Nangangalaiting tanong nito sa anak na halatang hindi nagustuhan ang pahayag)

Ang sabi ko po, (Emphasizing the word po) concern lang naman ata kayo sa kung anong sasabihin ng ibang tao sa inyo at hindi ang kalagayan ko.

Aba, at sumasagot-sagot ka pa ha! Ikaw na nga ‘tong walang magandang nadudulot sa pamilyang ‘to, ikaw pa may ganang manumbat? (Halata na sa boses ng ama ang galit na nararamdaman nito. Akmang pagbubuhatan ng kamay ang anak ng biglang pigilan siya ni Ryan, ang panganay nitong anak)

Pa tama na. (Pagpigil nito sa ama)

Oh, gusto mo akong sampalin ngayon? Sige gawin mo. (Hamon nito sa ama)

Sarah stop it. (Saway ng kanyang Kuya)

Hindi Kuya. Palagi niyo na lang sinusumbat sakin na wala akong nagagawang matino, na mabuti para sa pamilyang ‘to. Bakit, natanong niyo rin ba ang sarili niyo kung may nagawa kayong mabuti para sakin bilang isang ama? (Hindi na nito napigilang maiyak dahil sa sama ng loob sa kanyang ama na matagal na niyang kinikimkim) Ni minsan ba natanong niyo man lang ba ako kung kumain na ako? Or kung okay lang ba ako? Natanong niyo man lang ba sakin yun? Diba hindi! Kasi wala kayong ibang ginawa kundi asikasuhin ang negosyo niyo. Wala kayong ibang ginawa kundi alagaan yang reputasyon niyo. Nakalimutan mo na nga atang may isa ka pang anak ee.

Para sa inyo rin naman lahat ng ginagawa ko. (Pasigaw na sagot nito)

Siguro sa financial oo. Pero sa pagiging ama hindi. Tuwing may meeting sa school, sino pumupunta? Diba si Nanay. (Nanay ang tawag niya sa kanyang Yaya Luring. Halos siya na kasi ang nag-aruga at nagpalaki kay Sarah. Sa kanya din tumatakbo ang dalaga tuwing may problema at sama ng loob ito sa kanyang ama) Akala nga ng mga classmates ko nun siya yung Mama ko ee. Dahil siya lang yung palaging nanjan para sakin. Pag may family day sa school, asan ka? Sa office mo? May meeting palagi? Kahit nga sa mga graduations ko wala ka.Lalo na nung graduation ko ng college. Super saya ko pa naman nun kasi akala ko magiging proud ka na sakin dahil magna cumlaude ako, pero hindi pala.Inexpect kitang dumating para magsabit ng medal ko pero wala ka. Kahit man lang sana nagpakita ka, kahit saglit lang. Okay na nga sakin yung ganun lang para sana maramdaman ko man lang na may ama rin pala ako. Pero wala ee. Sa 22 years ko nang nakikitira sayo dito, never pa nga kitang nakasabay kumain ee. Ni birthday ko nga ata hindi mo alam. (Habang tuloy-tuloy lang ang patak ng mga luha nito) Palagi mong sinasabi na, para samin lahat yan, na para sa future namin. Pa hindi, hindi ko kailanman naramdaman lahat ng yan. Ni hindi ko nga maramdamang anak niyo ako ee, na parti rin pala ako ng pamilyang sinasabi niyo. Na mahal niyo rin ako tulad ng pagmamahal niyo sa mga kapatid ko. Alam niyo kung bakit?

It's Not about your Scars, It's All about your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon