Chapter 14

412 13 3
                                    

Maybe I've been watching... Too many movies... Maybe I should grow up... And stop pretending... When I saw your face though... Everything was slow-mo... And I started wondering why...What was I expecting?... Did I have a vision... Of a scene that only... Lives in fiction... Now I know that you are... Not gonna be my costar... And I starts to wonder why... Why can't it be... Just a pathway full of roses... Leading to a sunset view... Where the one you've always dreamed of waits... Why can't it be... It was like a movie scene ... The way I felt for you... Only you, didn't fall... Now it's not like the movies at all

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Sarah." Her Ate Kace called her.

"Oh Ate, kanina ka pa ba jan?" Tanong niya rito habang nag-aayos ng mga files na nasa table niya.

"Tulala ka nanaman." Puna nito sa kanya as she sit at the couch inside her office. "Is this have anything to do with Gerald?" 

"Ate hindi ko na alam ang gagawin ko plus may sakit pa si Nanay." Sagot nito sa tanong ng nakakatandang kapatid.

"Nanay is getting better. Don't worry about her. Sige ka, mapapagalitan ka nanaman nun." She joked. "On the serious note, you don't have to do something for him.”

“Huh?”

“Ang kailangan mo lang gawin is tanggapin na hindi ka mahal ni Gerald." She said to her sister. She know it would hurt her pero she doesn't want Sarah to suffer more.

"Tanggap ko naman yun Ate eh pero kasi hindi ko alam, pag naiisip kong mas mabuting lumayo na lang ako sa kanya, nalulungkot na ako agad. Parang hindi ko kayang hindi siya makita, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko." Saad nito sa kapatid.

"So magpapaka-martyr ka na lang forever?" Makahulugang tanong nito sa kapatid. "Don't let a sufferring thing suffer more Sarah. Wag puro puso. Think!" Wika nito sa nakababatang kapatid na halatang nakuha naman ang ibig sabihin nito. "Anyways, nagpareserve ako ng dinner para satin nila Kuya bago siya bumalik ng Singapore. Sabay ka na sakin mamaya." Paalala niya rito.

"Sige Ate." Tugon niya naman rito.

Kasalukuyan silang nasa sasakyan papunta sa isang restuarant kung saan sila magdidinner na magkakapatid. Agad naman nila itong nakita. 

"Kuya." Tawag ni Sarah sa kapatid. Agad naman itong tumayo at yumakap sa mga ito.

"You guys were late." Bungad nito sa kanila.

"Alam mo naman Kuya madaming meetings pa yan." Sagot naman ni Kace habang nakanguso sa direksyon ni Sarah.

"Sorry Kuya. May meeting pa kasi ako kanina with Mr. Elizalde." Paghingi nito ng paumanhin.

"Mr. Elizalde, the owner of Elizalde Group of Companies. They are one of the top constructural firm in the country ha." Tugon ni Ryan sa kanya. Tumango naman si Sarah para sumang-ayon dito.

"Yep." Wika naman ni Kace.

"But why? We are operating malls and not housing projects." Nagtatakang tanong nito.

"Kasi Kuya, our company is thinking to build condos." Paliwanag ni Sarah sa kapatid.

"Besides yan ang indemand ngayon." Dagdag naman ng ni Kace.

"Wow. Very innovative huh." Komento nito. 

"That was her idea." Sagot naman ni Kace.

"I'm so proud of you Sarah. And I know how proud Mom and Dad is." Saad ng Kuya nito sa kanya.

"Thanks Kuya, I know. Pero pwede order na muna tayo. Gutom na ako ee." Ani nito sa kapatid.

Tumawa naman ito at tinawag na ang waiter para makaorder na sila. Ilang minuto lang ay dumating na ang kanilang order. Masayang nagkwekwentuhan ang tatlo ng napatigil si Kace sa ginagawa. Napatingin naman ang dalawa niyang kapatid sa direksyong iyon. Nakita nilang pumasok sina Gerald at Kim. Nakangiti ang mga ito. They were settled three tables away from where Sarah is. Para namang nawalan ng gana si Sarah pagkakita kina Gerald. Ito pala ang sinasabi ng binata na importanteng lakad niya kung kaya't di siya masasamahan nitong dalawin ang kanyang Nanay Luring. Mas lalong tumitindi ang sakit na kanyang nararamdaman habang nakikita kung gaano pahalagahan ni Gerald ang dalaga. Maging ang promise nito ay hindi niya tinupad para lang kay Kim. Alam naman niyang magkaibigan na ang dalawa ngunit di niya inaakalang ganoon sila kabilis na nagkabalikan. Hindi maitago sa ekspresyon ng mukha niya na naaapektuhan ito sa nakikita. She saw how caring Gerald was towards Kim. Kung pano niya ito pagsilbihan. Kinuha nito ang kanyang phone at tinext si Gerald. 

"Ge san ka?" Tanong nito sa text. 

"Sa resto. Kumakain." Sagot naman ng binata.

"Kasama mo?" Tanong ulit nito.

"Si Mommy. Text kita maya ha." Pagpapaalam nito.

Mas lalong lumungkot ang mukha ni Sarah pagkabasa sa reply ni Gerald. Bakit kailangang magsinungaling sa kanya ang kaibigan. Bakit kailangan niyang itago na si Kim ang kasama nitong magdinner. Tila naman napansin ng Kuya nitong hindi na ginagalaw ni Sarah ang pagkain at parang may malalim na iniisip ngunit pinigil nito ang sariling tanungin ang kapatid dahil batid niyang hindi iyon ang tamang lugar para usisain ito. After nilang mahatid si Kace ay siya naman ang hinatid sa kanyang condo. She invited her Kuya to come in. Pinasinayangan naman siya nito. 

"Is he the guy you're telling me?" Tanong ni Ryan sa kapatid. He knows Gerald pero hindi nito alam na siya pala ang lalaking nagugustuhan ng kapatid. Tango lang ang isinagot ng dalaga sa kanya. "And the girl he's with is Kim, right?" Follow up question nito. And she just nods to confirm her Kuya's instinct. 

"Kuya mahal ko siya." Saad nito ng makitang nakatingin lang ang kapatid sa kanya.

"I know but it is worth it?" Makahulugang tanong nito.

"Hindi ko alam." Maikling sagot niya.

"Does he make you happy?" Tanong ulit nito.

"He is." Ani niya rito.

"If he makes you happy, why I can't see it in your face then? Why I am seeing the other way?" Her Kuya stated.

"Kuya." Pangungusap nito.

"Can't you see, He loves her. Wake up Sarah. Hindi ka kailanman mamahalin ni Gerald. You don't deserve this." Wika nito sa bunsong kapatid.

"Kuya alam ko naman ee." Sagot nito while trying not to burst into tears.

"Then stop chasing him." Halos pasigaw na tugon ng Kuya nito. 

"Hindi ko kaya." Umiiyak nitong sagot.

"Kaya mo." Saad nito habang hawak ang mga kamay ng kapatid. "Kayanin mo. Paminsan-minsan, okay lang huminto, okay lang sumuko." Dagdag nito. Habang ngumiwi lang ang dalaga. "Sarah, you have to stop, you need to stop." Diin ng Kuya nito.

AN: Susundin kaya niya ang kanyang Kuya Ryan? Abangan sa susunod na kabanata. Magcomment and vote din po pag may time. Hehe. Kindly follow @itjennn on twitter. Thanku for reading! 

It's Not about your Scars, It's All about your HeartWhere stories live. Discover now