Chapter 24

338 10 0
                                    

Like We Used To

I can feel her breath as she's sleeping next to me... Sharing pillows and cold feet... She can feel my heart... Fall asleep to it's beat... Under blankets and warm sheets... If only I could be in that bed again... If only it were me instead of him... 14 months and 7 days ago... Oh, I know you know how we felt about that night... Just your skin against the window... Oh, you took it slow... And we both know... It should have been me inside that car... It should have been me instead of him... In the dark... Does he watch your favorite movies... Does he hold you when you cry... Does he let you tell him all your favorite parts... When you've seen it a million times... Does he sing to all your music... While you dance to purple rain... Does he do all these things like I used to

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Gerald?!" Tawag ni Anne sa binata. Nakita niya itong nakaupo sa may veranda ng isang resto bar malapit sa kanilang Villa. "Andito ka?" Gulat na tanong nito habang tumango lang ang binata. 

Sakto namang papasok si Sarah kasama si Miguel. Nakaharap ang upuan ng binata sa entrance kaya kitang-kita niya ang reaksyon ng dalaga. Muli siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib ng makitang napakapit si Sarah kay Miguel ng mahigpit na mukhang natakot sa kanya. Agad namang niyakap ni Miguel ang dalaga at inalalayang lumabas mula sa Resto. He saw how scared she was. Paano ngayon niya ipaparamdam sa dalaga kung gaano niya ito kamahal kung ang makita pa lang siya'y parang bata ng gusto nang magtago mula sa kanya.

"Sorry Ge." Anne apologized.

"How would I supposed to tell that I love her kung para akong multong kinatatakutan niya?!" Hinakit nito sa matalik na kaibigan ng dalaga.

Anne approached her. "Ge, hindi ko rin alam. Pero I know babalik din lahat ng alaala niya. Just be strong okay." 

"You're afraid of me. Not on anything but me. The other day, at the Resto Bar sakin ka natakot, right Sarah?" Gerald asked while holding Sarah's hand. He’s praying that Sarah would answer no. But by the looks of it, she was really afraid of him and that's killing him inside.

"Bro huminahon ka." Ani ni Fred sa kaibigan. Dahil naman sa gulat, ay halos hindi makagalaw si Sarah sa kanyang kinatatayuan. "Bro, nasasaktan siya." Saway nito. 

"Gerald bitiwan mo siya." Sabat naman ni Anne ng makitang parang takot na takot ang kaibigan at hawak hawak nito ang kanyang kamay. 

"Sarah sumagot ka." Pakiusap nito sa dalaga. Hindi na rin napigil ni Sarah ang mapaiyak dahil sa sobrang takot sa binata.

"Bro tama na. Sinasaktan mo na siya." Paulit-ulit nitong saway sa kaibigang mahigpit na hawak-hawak pa rin ang kamay ni Sarah.

"Gerald." Sigaw ni Anne habang sinusubukang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kamay ng kaibigan.

"Sumagot ka." Habang marahang niyuyogyog ang kamay ni Sarah. Hindi na rin nito napigilang mapaluha.

"Oo, oo natatakot ako sayo." Pasigaw nitong sagot sa binata habang umiiyak.

"Hindi." Madiin nitong sagot while shaking his head. "Sarah, mahal mo ako diba. Hindi mo ba naalala yun? Yung araw na naaksidente ka, diba sinabi mo sakin na mahal na mahal mo ako." Pagpupumilit nito.

"That's not me anymore." She said. "Hindi kita mahal." Matigas nitong sagot. Para namang nabagsakan ng bato ang binata pagkarinig ng sagot nito.

"Hindi. Alam ko, umaarte ka lang na hindi mo ako naaalala para makaganti ka sakin diba."

"Hindi kita mahal." Pabulyaw nitong sagot.

"Bro." Pigil ni Fred dito nang makitang mas lalong humigpit ang hawak nito kay Sarah.

It's Not about your Scars, It's All about your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon