Chapter 6

860 22 16
                                    

Welcome to the fallout... Welcome to resistance... The tension is here... Tension is here... Between who you are and who you could be... Between how it is and how it should be... Maybe redemption has stories to tell... Maybe forgiveness is right where you fell... Where can you run to escape from yourself?...Where you gonna go?... Where you gonna go?...Salvation is here... I dare you to move... I dare you to move... I dare you to lift yourself up off the floor... I dare you to move... I dare you to move... Like today never happened... Today never happened... Today never happened... Today never happened before.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Uy nakita ko yun." Pang-aasar ni Angge kay Sarah pagkababa nila ng taxi.

"Nakita ang alin?" Natatawa namang tugon nito sa kaibigan.

"Aysus. Magdedeny pa." Pagpapatuloy nito.

"Ano nga kasi yun?" Naiirita nitong sagot. Ngunit bigla itong kinabahan ng maalala niyang hinalikan pala siya ni Gerald kanina sa bar. "Anong nakita mo?" Usisa nito. "Hindi ganun yun ha. Mali yung iniisip mo." Depensa niya rito.

"Huh?" Naguhuluhan nitong sagot. "Wala pa naman akong sinasabi ah, ba't biglang namumula ka ata." Puna niya kay Sarah.

"Ako namumula? Hindi ah. Ano ba kasi yung nakita mo. Baka mamaya nag-iimbento ka nanaman ha." Sagot nito sa kaibigan.

"Nakita ko kasing nag-uusap kayo ni Gerald., yung lalaking nasa counter kanina. Uy ha, close na sila." Pang-aasar nito.

"Ah, yun lang ba?" Habang nakahinga ito ng maluwag nang malamang hindi yun ang nakita ng kaibigan.

"Bakit meron pa bang iba?" Balik tanong niya rito.

"Wala naman. Sige na, medyo napagod na ako. Una na ako ha." Paalam nito kay Angge ng makapasok na sila ng bahay ng sa gayon ay makaiwas pa ito sa mga tanong ng kaibigan. "Good night!" Bati nito sa dalaga.

"Uy umiiwas." Pang-aasar ulit nito.

"Hindi ah, pagod lang ako. Galing pa ako ng Maynila tapos diretso sa gig mo." Pagdadahilan nito.

"Sige na nga. Sige na matulog ka na. Good night Sarah Sophia Tua Geronimo." 

"Tse! Matulog ka na din." Sagot niya rito habang tuloy-tuloy sa kwartong nilaan para sa kanya.

Kinabukasan...

Nagising ang dalaga sa tunog ng kanyang phone. Agad itong nagmulat ng mata at binasa kung sino ang nagtext. Kinabahan ito na unregistered number ang nagtext sa kanya. 

"Good morning Sarah. This is Gerald. I got your number from your friend last night. Excited for today's activity. See you! :)" Ang mensahe ng binata sa kanya. Rereplayan sana nito ang naturang mensahe ng biglang pumasok si Angge at humilata sa kama niya.

"Good morning!" Bati ni Angge kay Sarah.

"Good morning." Masayang tugon nito. "Pala, kinuha ba ni Ge yung number ko sayo?" Tanong niya sa kaibigan habang nag-aayos ito ng buhok.

"Bakit tinext ka na niya?" Balik tanong nito sa kaibigan.

"Oo kanina lang." Maikling sagot niya rito.

"Anong sabi?" Curious na tanong niya sa kaibigan kasabay ng nakakalokong ngiti.

"Ano ka ba, nag-good morning lang yung tao. Ikaw talaga. Iba nanaman iniisip mo ha." Saad nito sa kaibigan.

"Wala naman akong sinasabi ah. Nagtatanong lang naman ako." Palusot niya rito.

"Nagtatanong lang naman ako." Panggagaya ni Sarah sa sinabi ng kaibigan. "Bumangon ka na nga jan ng makapagbihis na ako." 

It's Not about your Scars, It's All about your HeartWhere stories live. Discover now