Chapter 16

437 14 1
                                    

Turn down the lights, turn down the bed... Turn down these voices inside my head... Lay down with me, tell me no lies, just hold me closely... Don't patronize, don't patronize me... I'll close my eyes, 'cause then I won't see... The love you don't feel when you're holding me... Morning will come and I'll do what's right, just give me... 'Til then to give up this fight and I will give up this fight... 'Cause I can't make you love me if you don't... You can't make your heart feel something that it won't... And here in the dark, in these final hours... I will lay down my heart and I will feel the power... But you won't, no, you won't

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tulad ng napag-usapan, sinundo siya ni Gerald ng 6pm mula sa kanyang condo. Hinanda nito ang sarili sa posibilidad na magkakasama sila ni Kim sa isang sasakyan. Ngunit sinabi ni Gerald na susunod na lamang daw ito dahil may pictorial pa ang kanyang kasintahan. Hindi naman kalayuan ang lugar na kanilang pupuntahan kung kaya't wala pang 30 minutes ay naroon na sila. Naabutan nilang nagkakasayahan ang mga barkada ni Gerald kasama ang kani-kanilang girlfriends. Magiliw itong bumati sa mga naroon. Simula ng maging magkaibigan ang dalawa ay palagi niyang sinasama si Sarah sa kanilang mga lakaran kung kaya't nang kalaunan ay nakapalagayan na rin niya ng loob ang mga ito. Palagi pa nga silang sentro ng biruan ng mga ito dahil sa closeness nila ni Gerald. Nakwento rin ni Shin, ang girlfriend ni Fred na ni minsan ay hindi man lamang nila nakakakwentuhan si Kim dahil palagi umano itong nagmamadali o kaya naman ay palaging nakabusangot ang mukha nito. Bigla rin nitong naalala ang sinabi ni Gerald ng minsa’y nanood sila ng pelikula kasama ang mga kaibigan ng binata.

"You know its sucks that the things you believed in ever since were actually lies." He saw Sarah look at him questioningly. "The whole faith, destiny thing.” Paliwanag nito. “You're right, they doesn't exist. They were all just a dream."

"Nah, I don't think it is. I actually think that you're right, that fairytales do exist. Look at them." She's looking at Shin and Fred who were talking. "He could be 5-10 minutes late or she might take another way going to her class but it didn't happen. He came right on time when she passed by. They are destined to meet, its destiny."

"Then why I don't have her." Referring to Kim. He meet her gaze.

"Maybe because she's not meant for you."

"Hindi pala siya yung destiny ko, bakit kelangan pang makilala ko siya." He argued. 

"Some people are destined to meet, but not to be together."

Siguro ganun din sila ni Gerald. Nakatakdang magkita sila sa panahong kelangan nila ng masasandalan. Nakatakda rin sigurong mahulog ang loob niya rito ngunit hindi naitakdang mahalin rin siya ng binata. Nagising ito sa pagbabalik-tanaw nang lapitan siya ni Shin.

"Sars, buti naman nakapunta ka. Medyo matagal-tagal ka ring di na sumasama sa mga lakad ng barkada ha." Ani nito habang inaabot ang wine kay Sarah.

"Oo nga, medyo busy din kasi sa office." She reasoned out. "Namiss ko kayo." Saad nito.

"Namiss ka din namin noh." Sagot naman nito. "Pupunta din pala siya." Puna nito kay Kim nang makitang papasok ito sa pinagdarausan ng party. 

"May photoshoot pa ata kaya siya nalate." Sagot nito habang nakatingin kay Kim. Agad niyang niyakap si Gerald nang makalapit ito sa kanya.

"Alam mo, hindi ko maisip kung bakit inlove na inlove si Gerald sa babaing yan. Mantakin mo, talagang binalikan pa niya." Bulalas nito.

"Mahal niya eh." Ang tanging naisagot na lang ito.

"Sana nga kayo na lang." Wika nito sa kanya. 

Hindi na ito sumagot pa. Pinagmasdan niya ang dalawa. Hindi binitiwan ni Kim ang hawak sa kamay ni Gerald kahit na nakikipagkwentuhan ito sa kanyang mga kabarkada. Maya't maya ay nagbubulungan ang mga ito at palihim na magtatawanan. Hinila siya ni Shin patungo kina Gerald.

It's Not about your Scars, It's All about your HeartWhere stories live. Discover now