Chapter 23

503 27 9
                                    

The night after Sarah woke up, Gerald drifted off into a hazy twilight between waking and sleeping and then rolled over to find himself alone in confusion. After the incident at the hospital, hindi na muling nakalapit pa si Gerald sa dalaga. Si Sarah mismo ang humiling sa mga kapatid niya na kung maaari ay huwag hayaang makalapit sa kanya si Gerald. Inintindi na lamang ng binata ang kagustuhan ni Sarah at umasa na lamang ito na sa madaling panahon ay babalik din ang alaala niya sa kanya.

Napilit din ni Anne si Sarah na magbakasyon muna bago bumalik ito sa kanyang trabaho. Noong una ay ayaw ng dalaga dahil sigurado daw itong marami ng natambak na papeles na dapat niyang asikasuhin. Maging ang Ate nito ay hindi rin siya makumbinsi. Buti na lamang at kinausap ito ng kanyang Kuya at sinabing mas makabubuti sa kanya kung huwag muna siyang pumasok sa opisina dahil mas kailangan umano nito munang magpahinga. Kasalukuyan silang nasa bangka na siyang magdadala sa kanilang destinasyon. Ilang araw na rin mula ng makalabas ito sa hospital. Hindi mo aakalaing naaksidente si Sarah dahil walang bakas ng anumang sugat o galos sa kanya. Ang tanging tila bakas na naidulot ng aksidenteng yun ay ang pagkawala ng memorya niya sa lalaking nagngangalang Gerald. Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang galit nito sa binata. Ayaw niyang makausap o kahit makita man lang ang ito. Ayaw din nitong marinig ang kahit na anumang may kinalaman sa lalaki. Ayaw na ayaw din niyang nababanggit ito kapag kinakusap siya. 

"We're here!" Sigaw ni Anne habang inaalalayang bumaba sa bangka. Napangiti naman si Sarah sa ganda ng lugar. Marami na itong napuntahang lugar sa loob at labas ng bansa ngunit ni minsan ay hindi pa siya nakapunta sa Amanpulo. 

"Ang ganda." Paghanga nito sa lugar.

"See. Buti na lang sumama ka." Tugon nito sa kaibigan.

"Buti na lang pinilit niyo ako." Nakangiting sagot niya rito. "Si Migs pala nasaan na?"

"Hindi ko alam. Ikaw kaya katext niya." She answered. "Let's go to our Villa muna to change clothes." Yaya nito kay Sarah.

"Teka, tawagan ko muna si Miguel." Pakiusap nito kay Anne.

"Itext mo na lang. Diba sabi niya susunod naman siya." Pigil niya rito.

"Sige na nga." Sabi nito sabay hila sa kanya ni Anne patungo sa kanilang room.

Lingid sa kaalaman nila, sumunod sina Gerald at Fred sa Amanpulo. Desidido ang binata na kausapin si Sarah. 

"Magpalit ka na." Utos ni Anne kay Sarah na nakahiga sa kama.

"Pwedeng hintayin ko na lang si Migs. Ikaw na lang muna ang maglibot." Pakiusap nito sa kaibigan.

"Hindi pwede." Madiing sagot niya rito. "Mamayang gabi pa yun dadating, baka nga bukas na eh. Kaya magbihis ka na. Samahan mo na ako. Please." Pagmamakaawa niya. "Ang ganda-ganda ng lugar oh." She added.

"Sige na nga. Kung hindi lang kita mahal." Tugon nito at daling pumasok para magbihis.

"Wow, ang sexy." Komento ni Anne pagkalabas nito ng changing room. 

She is wearing a one piece bikini that the sides are nearly completely cut out, revealing the curves of her body and highlights her perfectly shaped legs. Na pinatungan ng manipis na oversized shirt. Naglibot-libot ang dalawa sa isla. Panay ang tingin ng mga lalaki sa kanilang dalawa.

Gabi na ay hindi pa rin dalawin ng antok si Sarah kaya napagpasyahan niyang lumabas mula sa kanilang Villa para maglakad-lakad. Umupo ito sa buhanginan na hindi alintana ang mga taong naroong nagkakasiyahan. Sa di kalayuan, lihim naman siyang pinagmamasdan ni Gerald. Akmang pupuntahan na niya si Sarah ng makita niya si Miguel na palapit sa dalaga. May dala itong bulaklak para sa dalaga. Mas lalong nadurog ang puso nito ng makitang mahigpit na yumakap si Sarah sa lalaki. 

"Akala ko hindi ka na pupunta." Paglalambing nito kay Miguel habang yakap-yakap niya ito.

"Pwede ba naman yun." Sagot naman niya rito. As he kiss Sarah's forehead. 

Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Gerald. Gusto nitong mamagitan sa dalawa ngunit hindi niya alam kung magugustahan iyon ni Sarah. They sat together on the sand. Sarah leaning on Migs' broad shoulder. 

"Sa." Tawag nito sa dalagang nakatanaw sa malinis na karagatan. 

"Yes." Ang malambing nitong sagot.

"I know you don't want to talk about this pero I was really curious." Simula nito.

"Is it about the guy in the hospital?" Tanong nito kay Miguel. Narinig naman ni Gerald ang sinabi ni Sarah. Gusto na nitong umalis dahil baka masaktan lang ito sa mga maririnig pero a part of him wanted to know if Sarah really cannot remember him or it was just an act.

"Yah, pero kung ayaw mong pag-usapan okay lang." Bawi ng binata dito. Umayos naman ng upo si Sarah paharap kay Miguel.

"I also don't know kung bakit siya lang yung hindi ko naaalala." Sagot nito. "Ang dami kong tanong tungkol sa kanya. Kung kaibigan ko ba talaga siya, or kung may nagawa ba siyang mali bakit ganun na lang yung galit at takot ko sa kanya. But every time I attempt to ask, parang natatakot ako. I don't know why." Pag-amin nito. Para namang sinasaksak ang puso ni Gerald dahil sa narinig. Paano siya ngayon makakalapit sa babaeng pinakamamahal niya kung takot ito sa kanya.

"Even the feelings you have for him?" He asked with an evident of curiosity in his voice. Habang tila nagtatanung ang mga mata ni Sarah.

"No. I even can't remember how we've met." Madiin nitong sagot. 

"Anne told me that you two have met when you run away." Kwento niya rito.

"I don’t remember that." Pagsang-ayon nito.

"You are trying to help him get over something. But along the way, you fell in love." Pagpapatuloy niya.

"I honestly don’t know. And that feeling, yung love, bakit hindi ko siya maramdaman?!" Naguguluhang tanong nito sa kaibigan. 

"Maybe you just weren’t ready to figure it out because maybe you are afraid." Tahasang sagot nito habang umiling naman ang dalaga.

"Maybe there's something but maybe there was not." Makahulugang sagot nito. 

Napasandal si Gerald sa puno pagkarinig ang sinabi ng dalaga. Hindi niya alam ay pinagmamasdan din pala ito ng kaibigang si Fred. Marahang nagpupunas ito ng luha ng magsalita si Fred.

"Bro." Tawag nito sa kanya.

"I'm gonna lose her. I feel myself losing her." Saad nito sa kaibigan habang pigil na pigil ang paghikbi nito.

"Bro, just hold on. We need you to be strong for her. She needs you." Pagpapagaan nito sa kalooban ng kaibigan. Ngumiwi naman si Gerald.

"Pano kung hindi bumalik yung alaala niya? Paano kung ayaw niya na akong maalala?!" Tanong nito sa kaibigan.

"Okay." He agreed. "But maybe it will just take some time for her to remember everything. She loves you."

"Pero pano kung hindi." Wika nito.

“Well.”Simula nito. “I guess, you have to decide if it's worth the fight. You pick your battles in this life. You've got to decide what it is you want.”

AN : Is he going to fight for her this time? Or will he walk away. Let's all find out. Wanna hear your opinions and suggestions. Don’t forget to vote. Kindly follow @akosijenipeo on twitter. Thanku 

It's Not about your Scars, It's All about your HeartWhere stories live. Discover now