Chapter 4

831 19 4
                                    

Hard to find a way to get through, It's a tragedy... Pulling at me like the stars do, You're like gravity... Even if the wind blows, It makes it hard to believe...  Doesn't even matter to you, To see what I can see... I'm crawling on the floor to reach you... I'm a wreck you see... When you're far from home now, Makes it hard to believe... We all fall down... We all feel down... Cause rainy days and summer highs... The more we pray the more we feel alive... How ya gonna love... How ya gonna feel... How you gonna live your life like the dream you have is real... And If you lost your way... I will keep you safe... We'll open up all the world inside... I see it come alive tonight... I will keep you safe

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkadating sa bahay ng dalawa ay agad tinour ni Angge ang dalaga. Itinuro rin nito ang kwartong gagamitin ni Sarah pansamantala. Nais pa sana nilang magkwentuhan pa ngunit kailangan nang mag-ayos ni Angge para sa gig ng kanyang banda mamaya. Si Sarah naman ay agad inayos ang kanyang mga gamit. Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng kanyang mga gamit nang marinig niyang nag-vibrate ang kanyang phone. Agad naman itong nalungkot nang makita na ang Kuya Ryan pala nito ang tumatawag. Hinintay muna nitong tumigil ang pag-vibrate ng kanyang phone bago ito nagsend ng message sa kanyang Kuya upang sabihing nakarating siya ng maayos sa pinuntahan at huwag na silang mag-alala pa dahil nasa mabuti siyang kalagayan. Tinext din nito ang kanyang Nanay Luring para sabihing magkasama na sila ni Angge at sinabing magpapalit na ito ng numero at aabisuhan na lang ang matanda pagnakabili na ito ng bagong simcard dahil alam niyang anytime ay tatawagan na ito ng kanyang ama. Hindi na nito hinintay ang magiging sagot ng dalawa at agad na tinanggal ang dating simcard. Pagkatapos nitong maayos ang gamit ay dali-dali itong lumabas ng kwarto para tumulong sa pagpreprepare ng kanilang dinner. Pero sinabihan siya ni Angge na magpahinga na lamang ito dahil alam niyang napagod ang dalaga sa biyahe. Sinunod naman ni Sarah ang sinabi ni Angge at pumanhik agad sa kwartong nilaan para sa kanya upang magpahinga. Dahil na rin siguro sa pagod kaya agad nakatulog si Sarah. Madilim na ang paligid ng magmulat ito ng kanyang mga mata. Nagmadali itong lumabas ng kanyang kwarto para tignan si Angge ngunit nakaalis na pala siya. May nakita naman siyang note na nakapatong sa lamesa. Sinabi nitong pumasok na ito sa trabaho at iniwan ang address ng bar kung saan sila tutugtog kung sakaling gustuhin nitong sumunod sa kanya. Hindi na raw niya ginising ang kaibigan dahil alam nitong pagod siya at sinabing iinit na lang ulit niya ang pagkaing nakalagay sa ref kung sakaling gutomin ito. Agad namang kinuha ni Sarah ang pagkain sa ref at dali-daling ininit. Pagkatapos mailigpit ang pinagkainan, agad itong nagtungo sa kwarto at dali-daling nagbihis para sundan ang kaibigan sa address na binigay nito. Wala pang 15 minutes ay nakarating na siya sa lugar na nakasulat sa papel. Hindi naman na ito nagsayang pa ng oras at agad pumasok sa loob ng bar. Naabutan nitong tumutugtog na ang banda nila Angge. Mukhang kilala ang bar na tinutugtugan ng banda ng kaibigan dahil halos mapuno ito ng mga taong gustong magliwaliw.Nakaupo na ito sa table na nakita niyang bakante nang pamansin ang lalaking nasa counter na tila lasing na. Hindi naman niya direktang makita ang itsura ng lalaki dahil nakatalikod ito sa kanya. After ng first set nila Angge ay agad nitong pinuntahan si Sarah sa kinauupuan niya. Pinakilala niya ito sa kanyang mga kabanda. Masaya silang nagkwekwentuhan ng magsalita si Angge.

“Type mo?” Tanong ni Angge kay Sarah na mukhang napansing panay ang tingin nito sa lalaking nasa counter.

“Ha? Hindi ah.” Medyo gulat nitong sagot.

“Ngayon ko nga lang din nakita yan dito. Mukhang turista.” Angge narrated.

“Oh.” Ang tanging nasabi niya habang pinagmamasdan pa rin ang lalaki.

“Kanina pa kaya siya nandito. Nauna pa nga ata sakin yan dito eh.” She continued. “Tignan mo naman oh, madami na ata siyang naiinom. Mukhang may malaking problema.” Puna nito.

It's Not about your Scars, It's All about your HeartWhere stories live. Discover now