Simula

1K 23 17
                                    

Iba na po ang timeline dito. Kung dati sa series 1-4 ang timeline ay 2020. Dito sa story na toh at sa iba pang upcoming CRS stories, 2021 na ang timeline. Ibig sabihin ang dating mga second years sa 2020 ay third year na sa 2021.
____________
________
____
__

College Romance Series #5:
Bad In Your Eyes

"Sayo nalang tong baon ko, please wag mo na akong guluhin," pagmamakaawa sa akin nung isang estudyante habang nakatingin lang ako sa kanya at nakanguso ng nakakaloko.

I really love it when someone is scared at me. Lahat ng gusto ko ay nasusunod at kahit kailan wala pang umaayaw sa akin, lahat sila ay gusto ako. Well except the ones who's jealous of me and the one I bullies.

I smirked before leaning down to have a face to face with the nerd I've been bullying for a week now.

"Sayo na iyang baon mo at umalis ka na sa harapan ko! Gosh, you really irritates me," sigaw ko kaya agad siyang tumayo at kumaripas ng takbo habang pinagmamasdan ko siyang parang takot na takot sa akin kahit kalalaking tao niya.

Yes, I'm Zephaniah Rouien also known as the baddest bitch of Eastfar University. I always get what I want and no one has ever said no to me in my whole life.

"Tara na Niah, baka ma-late na naman tayo sa next subject natin," saad ni Mikee bago tumayo sa tabi ko. I shrugged before grabbing my bag and walk outside the canteen like a queen.

Ngayon hindi pa din pumapasok ang nerd kong kaklase na lagi kong binu-bully. I don't know why? Siguro nagsawa na siya sa pangbu-bully ko sa kanya.

Siya lang ang gusto kong binu-bully dahil siya ang lagi kong kakompetensya sa loob ng room, at naiingit din ako sa kanya. I smiled bitterly at myself while we're walking towards our room.

Jealousy is a toxic feeling and I can't help but swallow it.

She's good, she's smart, she's beautiful and all while I'm the complete opposite of her. But poor her, I'm more beautiful than her.

"Hoy! Nang bully ka na naman ba!?" napabusangot ako ng makasalubong si Renz kasama ang dalawa niyang kauri na Kerl at Ivan.

"So what?" pagtataray ko sa kanya, kinalabit ako ni Mikee.

"Mauna na ako sayo ah? Bye!" sabay takbo niya palayo sa akin. Napairap ako. Siguro siya na naman ang nagsabi sa ungas na toh na may binully na naman ako.

"Bully ka ng bully! Kapag ikaw nakahanap ng katapat!" pagsesermon na naman sa akin ni Renz.

Renz is my boy bestfriend, we're so close to the point that I always tell him my problems. Siya lang din ang nakakaalam ng dahilan kung bakit ako naging ganito. Kung bakit ang dating good girl na si Zephaniah ay naging bad girl.

"Tara na nga! Hatid na kita sa room niyo," hinila niya ako kaya wala na akong nagawa kundi magpahila. Tiningnan ko naman ang dalawa niyang kaibigan na nakasunod sa amin. Kahit humingi ako ng tulong sa dalawang ito, hindi naman nila ako tutulungan.

"Pwede ba? Ibalik mo na iyang kulay ng buhok mo sa itim," pasinghal na tanong ni Renz. Akala mo siya ang nanay ko. Tsk!

Bakit ba napunta na naman sa kulay ng buhok ko ang usapan?

"Bagong kulay lang to noh!" inirapan ko siya. Pinakulay ko kase ng dark red and black yung buhok ko last year, tapos ngayon kulay dark blue or should I say like a milky way.

Balak ko ngang magpakulay ulit kapag fourth year na kami, which is next year.

"Sa susunod na marinig kong mang-bully ka, ako mismo ang magsusumbong sa mga magulang mo!" napatigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil din si Renz.

"Ayoko..." I did my puppy eyes to him. Alam ko kaseng gumagana iyon pagdating sa kanya. Kahit sa ibang tao, gumagana iyon.

"Akala mo makukuha mo ako sa mata mong yan? Asa ka," pagkasabi niya sa akin nun, bigla nalang niyang binuksan ang pinto ng room namin bago ako itinulak sa loob. Dahilan para matahimik ang mga kaklase ko.

Some are looking at me with admiration, but some are looking at me with hatred.

Hatred.

Simula nung naging bad girl ako or should I say simula nung pinili kong suotin ang maskara ko ngayon, madalas ko na iyong nakikita sa mga taong nakapaligid sa akin. Kung alam lang nila kung ano ang tunay na ako.

Pumunta na ako sa pwesto ko bago umupo at tahimik na tumingin sa labas ng bintana. I wonder if someone would look at me without hatred. But I'm too hurt for a real love.

"Girl, rinig mo yung balita? Lilipat dito yung transferee na galing sa ibang section? Matalino pala yun kaya dito siya sa section natin," saad ni Mikee na nakaupo sa harapan ko at nakaharap lang siya sa akin para sabihin ang mga katagang iyon.

"I don't care," walang ganang sagot ko bago pumangalumbaba at tumingin nalang sa labas ng bintana.

"Hinahanap ka nga pala ni Lester,"

"Maybe later, I'll talk to him," Lester is my boyfriend, sinagot ko siya nung last week lang. Hindi nga ako makapaniwala na umabot pa kami ng isang Linggo. Probably because I'm bored.

"Class! Quiet please! Alam kong alam niyo na ang tungkol sa bago niyong kaklase," saad nung adviser namin pagkapasok niya sa room namin.

"Hala ang gwapo!"

"Ang cute shet!"

"Kuya pwede pa-mine ka?"

"Class! Quiet! You can introduce yourself now," pinanood ko lang kung paano nagtatakbuhan ang mga estudyante sa labas ng bintana nung tumunog na ang bell.

"Aiden Zaldueva," napalingon ako nung marinig ang malambot pero malalim na boses nung transferee. Nakakaakit yung boses eh.

Totoo ngang gwapo siya.

"Please sit on the available seats," saad nung adviser namin. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa labas ng bintana bago lihim na ngumiti.

Target spotted.

Bad In Your Eyes (CRS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon