24

392 19 20
                                    

24 : Truth

"Maikli na buhok mo," nakangangang saad ni Nicole. Kahit hindi namin kaklase ni Mikee si Nicole, nandito siya.

"Bagay ba?" tanong ko bago ngumiti.

"Girl, aglet naiiyak ako, the real Zephaniah is back," saad ni Mikee kaya tinawanan ko siya.

"Musta probinsya? Halatang masaya ang pagpunta mo dun," tanong ni Nicole habang sinusuklay gamit ang mga daliri niya ang buhok ko.

"Sobrang saya, nakaka-miss yung mga pinsan ko," saad ko.

"Balak ko ngang bilhan ng PS5 yung pinsan ko kapag nakapagtapos na siya ng senior high,"

"Weh? Gwapo ba?" nakangising tanong ni Mikee.

"Duh, maganda lahi namin," saad ko.

"May nanligaw siguro sayo habang nandoon ka," natatawang sabi ni Nicole.

"Meron nga,"

"Ay wow, mas gwapo ba kay Aiden?" napabusangot ako nung marinig ko ang pangalan ni Aiden.

Walang sabi-sabi biglang napunta ang atensyon ko sa pwesto ni Aiden na nakapangalumbaba habang kinakausap siya ni Abby.

Bigla akong nag-iwas ng tingin sa kanila bago ibinalik ang atensyon ko sa mga kaibigan ko.

"Totoo ba talagang buntis si Abby?" bulong ko kila Mikee.

Tumango naman si Mikee kaya napabusangot ako.

Ang mga pakikitungo sa akin ng mga estudyante ay hindi na kagaya ng dati na kapag dadaan lang ako ay pag-uusapan na nila ako. Ngayon ay tinuturing nalang nila ako na normal na estudyante.

Siguro nga epektibo ang pag-alis ko ng ilang araw. Sana lagi nalang ganito.

Naalala ko din na sinabi sa akin ni Aiden na nabasa niya na daw ang letter na hindi ko naibigay sa kanya. Shit!

"Madaming notes ang kailangan mong---"

"Huwag kayong mag-alala hiniram ko ang mga notes ng pinsan ko doon sa probinsya dahil alam kong mas nauuna yung lessons nila kesa sa atin,"

"Nagsisimula palang tayo sa lesson, sila patapos na,"

"Ayos naman pala eh, dun nalang pala tayo sa probinsya niyo," saad ni Mikee.

"Araw-araw gala noh?" tanong ko.

"Yun lang ba ginawa niyo dun?" tanong ni Mikee. Like I said, madami akong planong gawin noong nandoon pa ako sa probinsya.

Pumunta nga kami dun sa dati naming school nung elementary kami eh, tapos pumunta din kami sa dagat na medyo malapit lang sa bahay, mga sampung kilometro ang layo.

Diko nga expect na kilala pa din ako at kami ng mga pinsan ko ng mga naging teachers namin nung elementary. Pati yung teacher na nalagyan ng bubble gum sa buhok dahil sa kalokohan ni Michael.

"Yeah, tagal na din kasi nung huli kaming nagkasama-sama ng mga pinsan ko," sagot ko bago ngumiti. Pero bahagyang nawala ang ngiti ko nung mapansin ko si Abby na papalapit sa amin nina Mikee.

"U-Uhm, Zephaniah? Can we talk?" nagkatinginan kaming tatlo nila Mikee dahil sa tanong ni Abby sa akin.

She'll probably asked me to leave her and Aiden alone cause they're both having a child.

Napangiti ako ng mapakla bago napagdesisyunang tumayo para makausap si Abby. Sasabihin ko din sa kanya na sana alagaan niya si Aiden at ang magiging anak nila. Sisiguraduhin kong mapapanatag ang lahat pagkatapos ng pag-uusap namin ni Abby.

Sinundan ko lang si Abby na maglakad palabas ng building. Napapatingin naman sa amin ang ibang mga estudyante na nadadaan at nasasalubong namin. Paano ba naman nakita nilang magkasama ang magkaribal kay Aiden.

That Aiden, bakit kase ang gwapo kaya nahulog ako pati tuloy etong jowa niya.

Napaupo ako sa damuhan nung nakarating kaming dalawa ni Abby sa school garden ng Eastfar University.

"Let's get straight to the point," seryosong sabi ko kay Abby na nakatayo lang sa harapan ko kahit nakaupo ako sa damuhan. She can't sit here, she's pregnant and she's also wearing a skirt.

"Can I ask you something?" tumango ako kay Abby.

"Do you love Aiden?" bahagya akong natigilan sa tanong niya sa akin. I guess I really need to be honest right now, para mapanatag na ang loob ko.

"Yes," seryosong sagot ko sa tanong ni Abby.

"O-Okay," saad niya bago yumuko, nagsalubong naman ang kilay ko.

"Yun lang ang tatanong mo sakin?" hindi umimik si Abby kaya napabuga ako ng hininga.

"Okay then, can I ask you something too?" tumango si Abby.

"Who's the father of your baby?" napayuko ng ulo si Abby matapos kong tanungin iyon sa kanya.

"I-I don't know,"

"What?!"

"Calm down," nabigla ako nung makita ko si Aiden na papalapit sa amin. Agad kong iniwas ang tingin kay Aiden nung makita ko siyang nakatingin sa akin habang papalapit sa amin ni Abby.

"If you don't know the father of your baby, does it means..."

"Yes, Aiden is not the father of my child. He will never be. Break na din kami," napaawang ang labi ko sa sinabi ni Abby.

"W-What?"

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang saya ko, parang isang iglap bumalik lahat ng nararamdaman ko kay Aiden.

"Nasabi mo na?" tanong ni Aiden kay Abby. Nagtatakang tiningnan ko ang dalawa.

"Yes, alis na ako." saad ni Abby bago niya ako nginitian at tuluyan kaming iniwan ni Aiden.

"Anong ginagawa ng isang Aiden sa harap ni Zephaniah?" tanong ko kay Aiden kahit hindi naman ako nakatingin sa kanya.

"Now you know that I'm not the father," saad ni Aiden pero hindi ako umimik.

Traydor kang puso ka! Wag kang tumibok ng mabilis dahil lang nandyan si Aiden.

Nung nabalot kami ng katahimikan, lihim ko naman siyang tiningnan bago ngumiti ng palihim. Nakita ko kase siyang nakanguso atsaka nakayuko pa na akala mo hindi pinayagang maglaro sa labas.

Napaupo ako ng matuwid nung biglang nagtama ang mga mata namin.

"H-Hindi ako tumitingin sayo!" I defended but I heard him chuckled.

"Bakit mo ba ako pinapansin?! Dati naman ayaw mo akong makita at lumalapit sayo ha?" tanong ko sa kanya, tinagilid niya ang ulo niya bago ngumiti ng hindi labas ang ngipin.

"Let's just say..." ngumisi siya bago tumingin sa akin.

"Napaginipan kita na iniiwasan mo na ako at nilalayuan, tapos sabihin nating ayaw ko iyong mangyari kaya ginagawa ko ngayon ang mga tinatanong mo," saad niya kaya kumunot ang noo ko bago tumayo sa kinauupuan ko.

"So ayaw mo akong iniiwasan ka?" tumango na parang bata si Aiden.

"Asa ka! iiwasan na kita," agad akong tumakbo palayo sa kanya.

"What the?"

So that's the truth? Aiden is not the father of Abby's child.

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now