15

347 15 13
                                    

15 : Perfect

"Niah!" lumingon ako sa likod ko nung marinig ko ang sigaw ni Renz habang nasa loob ako ng pet shop para bumili ng pagkain ni Meow.

"What?" kunot ang noo ko nung lumapit si Renz sa akin habang nasa corner ako ng mga cat foods.

"Nasaan na pagkain ko?" ngumisi siya kaya inirapan ko siya bago kumuha ng isang can ng cat food at ibinigay sa kanya.

"There you go, idiot," agad na sumama ang timpla ng mukha niya habang pinagmamasdan ang cat food na binigay ko sa kanya.

"Seryoso ka?" tumango ako kaya napabusangot siya.

"Langya ka," umiling-iling si Renz.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya habang namimili ng isa pang brand ng cat food. I'll buy a three cat foods, para di ako bumalik dito ng tatlong araw. I'll also buy a treat for Meow, pupuntahan ko siya katapos kong bumili ng mga pagkain niya.

"Binibigyan mo pa ba ng pagkain yung si Aiden?" tumango ako.

"Kailan ka titigil?" nagkibit balikat lang ako.

"Alam mong ayaw ko ng mangyari sayo yung nangyari dati," bahagya akong natigilan sa sinabi ni Renz.

Ayaw ko ding mangyari ulit iyon sa akin.

Baka kapag nangyari iyon, mas masasaktan ako at hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin.

"Saan ka pupunta katapos nito? Samahan na kita," saad ni Renz kaya napangiti ako. I'm happy that he's still with me, even after what happened to me and his old friend.

"You sure?" tumango si Renz kaya pumayag na din ako.

Maybe having a friend with me won't hurt at all.

Sinama ko si Renz sa park kung nasaan si Meow.

"Wow, ang cute niya! Siya nga yung nakita ko na pinapakain ni Aiden,"

"I know," saad ko bago binuksan ang isang can ng cat food at pinakain kay Meow.

"Iwan ko muna kayo, dito-dito lang ako," tumango ako kay Renz bago niya kinuha sa akin ang paperbag na lalagyan ng mga cat foods.

"Zephaniah?" agad akong tumayo nung marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

It's Abby.

"Kilala mo din pala siya?" hindi ako kumibo kay Abby nung nakita niya akong nilalaro si Meow at pinapakain.

"Sabi ko na nga ba, mabait ka talaga," blanko lang ang ekspresyon ko habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Abby.

After the day Ai told me to leave them alone, hindi ko na siya masyadong ginugulo. Maybe because I got scared of him. Siguro kung ako pa din ang Zephaniah na nakilala ng iba, ma-cha-challenge ako kay Ai pero sa tingin ko ang Zephaniah ngayon ay ang dating Zephaniah na mahina at laging umiiyak.

Mas nangingibabaw ang totoong ako.

"May alam ka na bang pangalan para sa kanya? Sabi ni Aiden, wala pa siyang pangalan," saad ni Abby sa akin na para bang dati pa kami magkaibigan kung kausapin niya ako.

"I don't care," saad ko bago siya inirapan.

"I don't care, pero nakikita ko yang cat food na hawak mo," bumaba ang atensyon ko sa cat food na hawak-hawak ko. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Can you please leave me alone? Hindi ko na nga kayo masyadong ginugulo," saad ko habang nakaiwas pa din ang tingin.

"You like Aiden right?" saad niya bago umupo sa harapan ni Meow.

"So what?" mataray kong tanong sa kanya bago siya tiningnan.

"Marami talagang nagkakagusto kay Aiden, kahit sa dati niyang Unibersidad," hindi ako kumibo kay Abby, bakit ko siya kakausapin? Kaibigan ko ba siya? Hindi.

"Aiden is a nice guy, hindi ko nga alam bakit ganun ka niya tratuhin," pinagmasdan ko kung paano himasin ni Abby ang ulo ni Meow.

"Obviously, it's because I'm bad in his eyes," I snorted before frowning.

"But you're not bad in my eyes, alam kong mabait ka talaga," kumunot ang noo ko dahil sa kanya.

"How are you sure about that?!"

"Eyes can't lie,"

"Bakit lagi niyo nalang sinasabi sa akin yan?! Edi sana dati pa nalaman ni Aiden ang totoong ako kung ang mga mata ay hindi nagsisinungaling?!" naiinis kong tanong sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"Ano bang problema mo? Bakit lagi ka nalang nakangiti sa akin? Pinapakita mo ba sa akin na malaki talaga ang pagkakaiba natin?!" umiling si Abby.

"Nakakairita ka, diba sinabihan ka na ni Aiden na lumayo sa akin? Why don't you listen to your boyfriend?!"

"Zephaniah..." inirapan ko si Abby bago siya tinalikuran, kasabay naman nun ay nakita ko si Aiden na papalapit, bahagya pa akong nanigas sa kinatatayuan ko bago umiling at naglakad.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang papalapit ako kay Aiden. Pero imbes na yakapin ko siya o kaya ay kamustahin kagaya ng ginagawa ko, nilagpasan ko lang siya.

Oo, nilagpasan ko lang talaga siya.

Iniwan ko na silang dalawa doon, at pinuntahan si Renz na nakikipaglaro na sa mga batang nandoon kung saan ko siya nakita.

"Wait! Ate Niah?" nanlaki ang mata ko nung mapansin ang mga pamilyar na mukha ng mga bata na kinuwentuhan ko nun ng mga storya sa library.

Agad akong kumaway sa kanila kaya agad silang lumapit sa akin.

"Kilala mo sila?!" tanong ni Renz nung makita niyang lumapit lahat sa akin ng mga batang kalaro niya.

"Duh, they're my children,"

"Amputa, dami ah,"

"Don't curse you stupid idiot! They will hear you!" sinamaan ko ng tingin si Renz kaya bumusangot siya.

"Ate! Namiss ka namin!"

"Me too," nginitian ko sila bago sila niyayang umupo sa damuhan.

"Renz, bili ka ngang pagkain para sa amin, sayo na ang sukli," agad kong inabot kay Renz ang limang daan, masaya naman niyang tinanggap iyon bago sumaludo sa akin.

"Adios!" saad niya bago tumakbo palayo sa amin.

Kinamusta ko muna ang mga bata bago nakinig sa mga kwento nila tungkol sa school nila, sa pagpapakulay nila ng buhok pagmalaki na sila. I really enjoy being with them.

Nakalimutan ko na nga na nandito din sa park si Aiden at Abby.

I'll stop calling him Ai now, cause I don't have rights to give him an endearment.

For the last time, I give them a last look before completely ignoring them.

"They're really perfect for each other..." wala sa sariling bulalas ko habang pinagmamasdan mula sa malayo si Aiden at Abby na kumakain habang nilalaro ni Aiden si Meow.

Suko na ba ako?

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now