07

336 18 7
                                    

07 : Locker

"Ayos ka na talaga?" tumango ako habang palabas kami ni Lester ng canteen.

"Ano ba talaga nangyari? Bakit bigla-bigla ka nalang umiiyak?" hindi ako nag-abalang sagutin ang tanong ni Lester. Ayaw kong malaman niya na nagiging kahinaan ko na si Ai.

"Nothing, it's just my eyea got hurt because of something," sagot ko bago siya inunahang maglakad papunta sa building namin.

"Hoy! Hintayin mo ko! Matapos kitang ilibre ng ice cream!" rinig kong sigaw ni Lester kaya napailing ako at dumiretso sa room namin kahit alam kong free time namin at wala masyadong tao doon.

I wanna be alone today.

Hinayaan nalang ako ni Lester na mapag-isa muna kaya pinasasalamatan ko siya ngayon sa isipan ko dahil doon. Ako lang ngayon ang nasa room kaya makaya akong gawin ang gusto kong gawin ng walang nakakakita at nanghuhusga sa akin.

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at ipinatong sa desk ko bago ipinatong ang ulo ko doon at ipinaharap sa may bintana ang direksyon ng mukha ko.

Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang iba't-ibang mga estudyante na masayang kasama ang mga kaibigan nila.

I suddenly remembered Eunice and Ai under the tree. They look perfect for each other. Hindi na nga ako magugulat kung bukas ay pinagtatambal na sila ng mga estudyante sa Eastfar.

Tapos yung binigay ni Ai kay Eunice iyong bento box na pinaghirapan ko. Napasinghot ako bago inis na umayos ng upo.

Kung kanina nasasaktan ako, ngayon naiinis ako.

"Uhm, miss. Alam mo ba kung saan yung adviser niyo?" napatingin ako sa pintuan ng room nung may nagsalita.

And there, I saw the nerd boy I bullied last time at the canteen.

Nanlaki ang mata niya nung nagkasalubong ang mga mata namin, matalim ang tingin ko sa kanya dahil nga naiinis pa din ako kila Eunice at Ai.

"Sa tingin mo may pake ako kung saan man ang adviser namin?" tanong ko sa kanya kaya agad siyang umiling. Naalala ko tuloy ang huling nangyari nung binully ko si Eunice.

Agad akong tumayo kaya napaigtad ang lalaking nasa may pintuan. Kalalaking tao pero takot sa akin. Tapos willing pa siyang ibigay pera niya para lang di ko siya i-bully.

Hindi ko siya ibubully okay? Sasamahan ko lang siyang hanapin ang adviser ko bilang paghingi na din ng sorry dahil sa pamamahiya ko sa kanya noon sa canteen. Tutuparin ko na talaga ang sinabi ko na hindi na ako mangbubully.

"Of course, may pake ako sa adviser namin, so let's go find her?" ngumiti ako sa lalaki kaya gulat siyang napatingin sa akin dahil siguro sa pagngiti ko sa kanya. Sana isipin niya na totoo ang ngiti ko dahil totoo naman talaga.

Unang beses ko pa nga lang naisipan na humingi ng tawad sa mga nabully ko. Swerte nitong lalaki na ito dahil sa kanya ako unang hihingi ng sorry.

"H-Ha? Find her?" tumango ako bago niyakap ang kaniyang braso at hinila siya para magsimula na kaming maglakad.

"By the way, sorry nung binully kita noon ha? Sana mapatawad mo ako. Promise di na kita guguluhin, alam kong may naging malaking epekto ang pangbu-bully ko sayo kaya sana mapatawad mo ako. Kung ano man ang magiging karma ko dahil sa pangbu-bully ko tatanggapin ko iyon," saad ko sa kanya habang naglalakad na kami sa hallway.

Wala akong pake kung pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nasasalubong namin.

"Wow, pati nerd pinatulan na din niya,"

Rinig kong bulong nung isang babae sa kasama niya habang nakatambay sila sa labas ng room nila. Sinamaan ko sila ng tingin kaya natikom nila ang bibig nila.

"Don't mind them, inggit lang sila kase di nila nararanasan na yumakap sa braso mo," namula siya dahil sa sinabi ko. Kaya napangiti ako.

Sana pala nung una palang naisipan ko ng maging ganito. Ang hindi maging bully. Ang hindi idamay ang iba o ibuhos sa iba ang mga problema ko.

"Sorry talaga ha? And I'm sincere okay? Hindi na talaga kita ibubully, yung iba kong nabully, hihingi din ako ng tawad sa kanila," tumingala ako sa kanya para alamin kung nakikinig ba siya sa sinasabi ko.

Diretso lang ang tingin niya pero nakangiti siya. Kaya napangiti na din ako. I felt relieved.

Eto na siguro ang simula ng pagbabago ng isang Zephaniah Rouien ng Eastfar University.

"I think she's in faculty, tanungin mo nalang ang mga teachers doon kung nasaan siya kung wala siya sa faculty," tumingin sa akin ang lalaki bago tumango. Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa braso niya at bahagya siyang tinulak sa pintuan ng faculty.

"See ya," saad ko bago tumalikod at naglakad palayo.

Hindi ko alam na ang free time namin ay aabot pala hanggang uwian. Napangiti ako nung makita ko si Nicole na may dalang pagkain.

"Ano guys? Dala ko iPad ko, Netflix tayo?" tanong ni Mikee kaya tumango ako.

"Game," saad ko bago umupo sa tabi ni Mikee. Si Nicole naman ay umupo na din sa tabi ni Mikee.

"Ano magandang panoorin?"

"Anime movies," suggests ni Nicole.

"Lalo na mga Ghibli movies," saad ko naman kaya tumango si Mikee at naghanap na kami ng mga movies na pwede naming panoorin hanggang uwian.

"Guys, hintayin niyo ako ha? Kunin ko lang yung bento box sa locker ni Ai," tumango sila Nicole kaya lumabas na ako. Pwede ng umuwi ng maaga dahil free time naman at walang ginagawa.

Sigurado naman akong umuwi na si Ai kase dala niya na bag niya eh. Sana nabalik niya na ang bento box.

Napangiti ako nung mapansing wala ng mga tao na dumadaan sa mga locker dahil nagsiuwian na. Pumunta ako sa locker ko na may dalawang metro ang layo sa locker ni Ai. Nagpalipat kase ako ng locker para mas malapit na lang ako kay Ai.

Pupuntahan ko na sana ang locker ni Ai nung bigla siyang lumitaw dahil lumiko siya. Agad tuloy akong napabalik sa locker ko at kunwari ay may kukunin ako.

"Yes, oo nga. Ang kulit mong bugok ka ha!" napansin kong may kausap siya sa phone niya at naiinis yata siya sa kausap. Lihim akong napangiti bago wala sa sariling binuksan ang locker ko kahit alam ko kung ano ang sasalubong sa akin.

Pagkabukas ko ng locker ko, bumungad sa akin ang madaming crumpled paper. My lips formed a thin line while watching the other papers falling.

"Bakit ang dami niyan?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang boses ni Ai. Nasa tabi ko yata siya!

"Oh! Hey Ai!" halos takpan ko na ang bibig ko nung natawag ko siya na 'Ai'.

Napaigtad ako nung bigla siyang lumuhod para kunin ang mga nahulog na papel. Parang kasabay yatang nahulog ng loob ko ang mga papel. Nahulog na ang loob ko sa kanya! Shit!

"Ganito ba palagi ang nangyayari sayo?" parang tumalon ang puso ko nung tumingala sa akin si Ai habang magkasalubong ang makakapal niyang kilay.

Tumango ako bago lumuhod at agad na pinulot ang mga papel. Walang sabi-sabi bigla nalang may lumabas sa bibig ko.

"I think locker is my favorite place now,"

Bad In Your Eyes (CRS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon