18

362 14 7
                                    

Warning lang po! There's a mention of suicide kung sensitive po kayo sa ganitong bagay, feel free to skip! Enjoy reading!
_______________
__________
_____
__

18 : Regret

"Wow! Ang sarap mo talagang magluto!" sigaw ni Renz habang kinakain yung niluto kong sisig sa kanya. Sa totoo lang yun yung natira sa niluto kong sisig para kay Aiden kahapon.

"Anong name ng restaurant mo?" tanong ni Nicole.

"Zephaniah's Heaven," saad ni Mikee bago ngumisi.

"Oo nga noh! Kapag kakain kayo sa resto ko, mararanasan niyo kung ano ang langit,"

"Tapos yung motto, masarap ang pagkain pero mas masarap yung nagpapakain, naks!" napangisi ako sa sinabi ko bago uminom ng orange juice na tinimpla ni Renz.

"Tangina anong juice toh? Bat walang lasa amputa?" tanong ko kay Renz.

"Kulang yata ng asukal," saad ni Mikee habang nakatingin ng matalim kay Renz.

"Hehe, sorry na, gawa nalang ulit akong bago---"

"Wag na! May softdrinks tayong binili diba?" tanong ko kay Renz kaya tumango siya.

"Kunin mo," kinuha naman ni Renz ang softdrinks sa loob ng ref.

"Alam niyo ba, nakita namin kanina si Bryan," saad ni Renz bago nilapag ang softdrinks sa harapan namin.

"What?"

"Kumusta ka Niah? May ginawa ba siya sayo? Sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong ni Mikee. Umiling lang ako.

"Sinaktan niya si Bryan, hindi siya yung sinaktan," nakangisi akong tumingin kila Mikee at Nicole.

"It's good to know that you've finally moved on from that jerk," saad ni Nicole.

"Di niya deserve kagandahan mo," saad naman ni Mikee.

Medyo late na ng gabi nakauwi sila Renz pero masaya ako dahil nakasama ko sila. Habang naglilinis ako sa kusina kasama si manang Cristy, nahagip ng mata ko yung bento box.

"Manang,"

"Bakit?"

"Diba sabi mo po na kay papa etong bento box na toh?" tumango si manang kaya napangiti ako.

"Anong kwento nila mama nun?"

"Ang mama mo nun, mahilig din magluto tapos gustong gusto niya si papa mo nun, kaya ginamit niya ang galing niya sa pagluluto para makuha ang puso ng papa mo," napangiti ako habang iniisip ang itsura nila mama nung kabataan nila.

"Nagtagumpay ang mama mo kaya ka nandito ngayon at sinusundan ang yapak ng mama mo," napangisi ako bago pinagpatuloy ang paglilinis. Tiningnan ko muna ang bento box bago ito ibinalik kung saan ito talagang nakalagay.

Kaya nasa ibang bansa ngayon sila mama ay dahil inaasikaso nila iyong restaurant na bagong bukas lang. Mga ilang weeks na lang ay maaari na silang bumalik kapag maayos na ang pamamalakad doon. I really miss them.

"Ingat ma'am!" tinanguan ko ang guard namin bago ako nagsimulang maglakad papunta ng Eastfar.

Mas gusto kong maglakad kase parang exercise na din iyon para sa akin lalo na't mahilig akong kumain at magluto.

"Niah!" napaigtad ako nung bigla akong tawagin ni Mikee habang nasa tapat ako ng locker ko. Hindi na yung locker na malapit kay Aiden, kundi yung dati kong locker.

Naiwan naman dun sa locker ko malapit kay Aiden yung letter ko na para sa kanya.

"What?" medyo nagtaka ako nung makita ko ang ekspresyon niya habang pinapakalma ang sarili niya.

Para siyang kinakabahan na natatakot.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Mikee bago sinara ang locker ko.

"Kilala mo yung binully mo dati nung second year pa tayo? Yung last year na babae?" tanong niya, kaya napaisip ako.

Nung second year na binully ko nun? Ang alam ko lumipat na siya nun eh pero di ko alam kung ano ang dahilan dahil maayos naman ang mga grado niya. Siguro dahil na din sa pangbu-bully ko sa kanya.

I'm thinking about apologizing to her but I don't know where she is now.

"Napano? Lumipat ulit dito?" tanong ko pero umiling si Mikee, kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Ano pala?"

"She's dead," nanigas ako dahil sa narinig ko.

"W-What?" nakaramdam na ako ng kaba.

"Nagpakamatay daw," di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero ang alam ko, natatakot ako, pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nagpakamatay. I bullied her! I indirectly killed someone!

Nanghina ang mga binti ko buti nalang nahawakan ako ni Mikee at niyakap.

"K-Kailan pa?" nanginginig kong tanong kay Mikee.

"Last week pa, pinapasabi din na hinahanap ka ng mga magulang niya," tumango ako, handa akong harapin ang mga magulang niya.

"I'll face them,"

"Sigurado ka? Sasamahan ka namin nila Renz," tumango ako. I'm glad they're here for me but I need to face my consequences.

"Gusto mo muna magpahinga? Kelan tayo pupunta?" tanong ni Mikee habang naglalakad na kami pabalik ng room. Wala akong ekspresyon sa mukha ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

That girl, I bullied her cause I'm annoyed of her.

Naiinis ako dahil mahina siya, naiinis ako dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. I'm making fun of her cause she's weak. Hinihintay ko lang na labanan niya ako.

Pero nung lumipat siya ng Unibersidad, I kinda feel disappointed. Parang pinakita niya sa akin na sumuko na siya, hindi siya lumaban.

I keep on telling her to stop me from bullying her, but she didn't. Akala ko dahil sa pangbu-bully ko sa kanya, mapapalakas ko siya. But guess what? I have a fucked up mindset.

And now, she committed suicide and I'm sure, one of the reasons that made her do that is because of bullying she experienced. And I bully her so I just indirectly killed her.

And now I regret everything that I did...

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now