01

598 17 8
                                    

Sana wag niyo po gayahin ang mga masasamang gawain at hindi dapat gawin sa storya na ito. Btw enjoy reading!
______________
_________
______
__

01 : The transferee

"Bakit ganun? Bakit parang lalo siyang gumagwapo sa paningin ko?" wala sa sariling tanong ko habang tinutusok lang ng tinidor ang pagkain ko.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nag-transfer si Ai sa Eastfar University. I'll call him Ai cause I want to.

And I've been observing him for the past three days, which is unusual for me. Tumayo na ako sa lamesa para makapasok na ako sa school, cause I'm late.

"Ms.Santos, you're late," pagbubunganga nung adviser namin pagkabukas ko ng pinto ng room namin habang nagdidisscuss na siya.

"Di ka na nasanay," matabang na sagot ko bago umupo sa pwesto ko na nasa pinakadulo pa. Napailing nalang yung adviser namin sa inasal ko, hindi na siya nasanay sa akin.

In this school, they address me as the baddest girl. A player, a bitch.

But I don't give a fuck about them. Only God can judge me and I have a reason why I became like this.

A stupid reason.

Tumingin ako sa likuran ni Ai, na nakaupo sa harapan. Even his back looks hella gorgeous. Nag-gy-gym ba siya? Pwede kaya akong sumama sa tuwing pupunta siya ng gym?

Lihim akong napangiti habang pinagmamasdan ang likod ni Ai. Pasimple akong nag-iwas ng tingin nung lumingon siya para kunin ang notebook niya para siguro mag take notes.

I don't need to take notes cause I already know what's our lesson. Lagi akong nag-a-advance reading sa bahay.

But some idiots who's jealous of me, sinasabi na nangdadaya ako kaya matataas ang grades ko at nasa Dean's list. Iniisip nila na nakikipag-ano ako sa mga teachers kaya matataas ang grades ko. Try kaya nilang mag-advance reading, malay nila malagpasan nila ako.

And me? Sleeping with teachers? Hell no. I would never do that. I may be bad and some says I'm slut, but no. I don't do that. And I'm no slut.

"Guys, una na kayo," saad ko kila Mikee at Nicole kaya tumango sila at nauna na sa canteen habang ako naman ay pumunta muna sa mga lockers para kunin yung wallet ko doon.

Pero imbes na yung wallet ko at bumungad sa akin, mga naka-crumpled na papel ang bumungad sa akin, yung iba ay nahulog pa. Napabuntong hininga nalang ako at tiim ang bagang na pinulot ang mga papel.

Sa ibang papel ay may mga nakasulat pa na kung ano anong masasamang salita para sa akin.

I'm not a slut.

I'm not a whore.

Hindi ako mang-aagaw ng boyfriend, ni hindi ko nga kilala kung sino yung boyfriend nun.

Itatapon ko na sana ang mga papel sa basurahan pero natigilan ako nung makita ko si Ai kasama yung isa namin na kaklase na si Julian. Naglalakad sila sa hallway at napapatingin naman ang ibang mga estudyante sa kanila, lalo na kay Ai.

Napabusangot ako at tumalikod nalang sa kanila, ayaw kong makita ako ni Ai sa ganitong kalagayan. Ngayon nalang ulit ako nagkagusto ng ganito. Well kahit sigurado naman ako na aabot lang itong pagkagusto ko sa kanya ng isang Linggo.

Hindi pumasok ngayon ang binu-bully ko, kaya wala tuloy akong mabu-bully. Bakit ba ako nangbubully? Dahil lang ba inggit ako? O dahil gusto ko ding patunayan na ako talaga ang kilala nilang bully?

Tinapon ko na ang mga papel bago ulit bumalik sa locker para kunin na ang wallet ko. I walk with confidence in the hallway, even though deep inside, I know I'm just faking it.

"Ano na? Wala ka na bang balak gawin sa buhay mo kung hindi titigan ang poging transferee na yan?" napabalikwas ako nung winagayway ni Nicole na isa din sa mga totoong kaibigan ko, ang kamay niya sa harapan ng mukha ko.

"Hayaan mo na siya Nicole, ngayon ko na nga lang siya nakita ganyan matapos nung---" hindi ko nalang pinakinggan ang pinag-uusapan nila at ibinalik nalang ulit ang atensyon ko kay Ai, napapalibutan siya ngayon ng mga estudyante.

Kaka-transfer niya lang pero ang dami niya ng mga kaibigan. One of the perks of being handsome as hell.

"Akala ko mag-cu-cutting kayo ni Lester?" tanong ni Mikee kaya lihim akong napangiwi. Hanggang ngayon hindi pa din ako nakikipaghiwalay sa kanya dahil hindi ko makuha ang tiyempo na gawin iyon.

"Nahuli na naman kami nung matandang babae na iyon," singhal ko bago uminom ng tubig sa baso.

"Awit, isang linggong walang cutting," saad ni Mikee kaya bumusangot ako. Napaupo ng maayos sila Mikee nung tumunog ang bell na nag-i-indicate na magsisimula na ang next class. Tumayo na sila Mikee at Nicole para pumunta na sa klase namin.

"Oy, tara na," yaya ni Nicole pero umiling lang ako. Wala na silang nagawa kundi mauna na sa room. Tiningnan ko kung nasaan ang pwesto nila Ai, nabigla pa nga ako nung makita ko si Ai na naka-upo mag-isa habang sila Julian ay nagsisibalikan na sa mga klase.

Uminom muna ako ng tubig bago tumayo at lumapit sa pwesto. This is my chance to talk to him without anyone around him. Inayos ko muna ang buhok ko at ngiti ko.

"Um...hey?" nag-angat siya ng tingin sa akin habang hinihigop ang soup na kinakain niya.

"Aiden right?" I wanna call him, Ai kaso baka alam niya kung ano ang meaning nun.

Ai means love in Japanese and Chinese.

"Yeah, why?" I suddenly felt giddy cause he talked to me. Imagine si Ai? Kakausapin ako? Usually at this point, I would just ask out the guy but for some reasons, I don't want to do that to Aiden.

"I'm Zephaniah," nilahad ko pa ang kamay ko habang nakangiti ng matamis pero tiningnan niya lang ito.

"Aren't you the girl everyone hates?" bahagyang nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Well it's true tho. Everyone hates me but I don't care.

"The player? The bully?" pagpapatuloy niya kaya tuluyang nawala ang ngiti ko.

"U-Um, kapag nakilala mo na ako---" agad siyang tumayo sa kinauupuan niya kaya napaatras ako at gulat na napatingin sa kanya.

"Di ako nakikipag-usap sa mga taong kagaya mo," sa malamig na boses na sabi ni Ai sa akin bago binangga ang balikat ko at tuluyan ng umalis sa canteen. Natulala nalang ako sa kinatatayuan ko at rinig ko pa ang mga bulungan at usapan ng ibang mga estudyante na nakakita sa amin.

"Ayan karma,"

"Nakahanap din siya ng katapat niya," binalewala ko nalang ang mga iyon at huminga muna ng malalim bago sinundan si Ai.

Ang magiging katapat ko daw.

Bad In Your Eyes (CRS #5)On viuen les histories. Descobreix ara