26

412 17 21
                                    

26 : Café

"Alam mo? Tinatago ko yung bento box na binigay mo," saad ni Aiden habang nakasunod sa akin. Naglalakad ako ngayon sa hallway para puntahan si Nicole pero sumunod naman etong si Aiden at ayaw akong tantanan.

"Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin?!" inis kong tanong sa kanya. Simula nung araw na sinabi niya sa akin ang ibig sabihin ng Ai. Lagi nalang niya akong ginugulo!

"Ano ka?! Aso?!" inirapan ko siya bago ulit nagsimulang maglakad.

"Oo, aso mo, yieee!" napapikit nalang ako ng mata dahil sa pinaggagagawa niya at nakapikit bigla akong tumama sa isang tao.

"Zephaniah?" nag-angat ako ng tingin kay Lester na gulat na gulat habang nakatingin sa buhok ko.

"Umikli na buhok mo," tugon ni Lester. Hahawakan pa sana ni Lester ang buhok ko pero may kamay na pumigil sa kanya.

"Ay papi!" nakagat ko ang labi ko nung bahagyang naisigaw ni Lester ang mga katagang iyon.

"What the fuck?" kunot noong tanong ni Aiden bago binitawan ang kamay ni Lester.

"Hehe, maiwan ko muna kayo," nginitian ko ang dalawa bago ulit nagsimulang maglakad.

"Don't you dare leave me alone, lady," napaigtad ako nung marinig ko ang baritonong boses ni Aiden na nasa tabi ko na.

"May tanong ako," saad ni Aiden. Napansin ko ang ibang mga nakakasalubong namin na gulat na nakatingin sa amin ni Aiden. Paano ba naman kase, dati ayaw sa akin ni Aiden pero ngayon siya na ang lapit ng lapit sa akin.

"Tara cutting tayo," agad niyang hinawakan ang pala-pulsuhan ko bago siya tumakbo palabas ng building at dahil ayaw kong mahila at masubsob edi tumakbo na din ako.

"Tanong ba yun?" tanong ko kay Aiden habang palabas na kami ng building.

"Atsaka akala mo naman makakalabas tayo--- putangina!" napatili ako nung bigla akong binuhat ni Aiden ng bridal style. Napayakap tuloy ako sa leeg niya.

"Boss! My girl here is having a period cramps, she needs to go home," nagkatinginan naman ang dalawang gwardya.

"Hindi pwede---"

"Sir, pwede pong mag-absent ang babae kapag nakakaramdam siya ng ganoon," seryosong saad ni Aiden kaya sa huli ay pinayagan siya ng gwardya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya habang buhat niya pa din ako.

"Sa lugar kung saan tayo unang nagkita," sagot niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Dati pa tayo nagkita?!"

"Yeah, and this is the place where it all started," maingat akong binaba ni Aiden bago kami pumasok sa isang café.

Agad na umupo si Aiden sa isang upuan kaya sinundan ko siya. May lumapit na waiter sa amin at tinanong kung ano ang oorderin namin.

Matapos niyon ay tiningnan ko si Aiden. Alam kong alam niya kung ano ang gusto kong tanungin sa kanya.

"Yung mga panahon na yun, alam kong hindi mo pa ako kilala, ni hindi mo nga ako napansin nun eh kahit sayo lang ako nakatingin," tumawa ng bahagya si Aiden, nakakunot naman ang noo ko habang tinitingnan siya.

"Weh? Wala man ako nakitang gwapo nun atsaka hindi ko na maalala ang araw na yun," inirapan ko siya bago pumangalumbaba.

Napabusangot si Aiden dahil sa sinabi ko. Napatingala ako nung bigla siyang tumayo.

"San ka pupunta?"

"Diyan ka lang, kunwari kausap mo sila Mikee, tapos habang kausap mo sila kunwari, lingon ka sa direksyon ko," kahit nagtataka man, sinunod ko nalang ang sinabi ni Aiden.

Pinapaalala niya ba ang una naming pagkikita?

Humarap ako sa bakanteng upuan na nasa harapan ko, sabi niya kunwari kausap ko sila Mikee, ibig sabihin sa araw na iyon ay kausap ko sila Mikee.

Bahagya akong lumingon kay Aiden na nakaupo sa isang upuan, nung naramdaman ko ang mga mata niya. Tapos nilingon ko siya noon kaya iyon ang naging una naming pagkikita.

Natigilan ako sa paraan ng pagtitig niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Siguro iyon din ang naramdaman ko noong nakita ko ang mga mata niya.

"Ano? Naalala mo na? Ganyan na ganyan din yung reaksyon mo nung nakita mo akong nakatingin sayo," ngumiti ng malapad si Aiden bago umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Wait iisipin ko lang," pumikit ako kasabay nun ang pagtawa ng bahagya ni Aiden.

Kailan ba kami pumunta sa café na ito? Ang alam ko bagong bukas lang ang café na ito nung pumunta kami dito. Tapos kinabukasan ng araw na iyon, doon ko nakita si Bryan at Eunice.

Hindi pa ako bully nung araw na pumunta kami dito nila Mikee, masarap ang mga pagkain dito nun kaso hindi ako makakakain ng maayos kase may nakatingin no'n sa akin!

"So ikaw yung tingin ng tingin sa akin no'n?!" biglang lumiwanag ang mukha ni Aiden sa sinabi ko.

"Naalala mo na?!" napangiwi lang ako kay Aiden bago itinuon ang atensyon ko sa lamesa namin kung nasaan nakapatong ang buzzer, na nagpapaalam kung pwede ng kunin ang order mo.

"Alam mo ba matapos nung araw na iyon? Hindi ka na natanggal sa isip ko, hindi ka ba napagod kakatakbo sa isip ko?"

Ako? Nasa isip niya simula noon?

"Luh, diko na kasalanan yun!" inirapan ko siya.

"Doon ko napatunayan na totoo pala yung love at first sight," saad niya bago ngumisi ng nakakaloko.

Leh pereng tenge ehe.

"Tagal kitang hinanap nun atsaka minsan kapag may oras ako, pupunta ako dito kahit medyo malayo kase taga-Roundell pa ako nun," nagkamot ng batok si Aiden.

Yung mga panahon na hinahanap mo ako, binabago ko ang sarili ko," natawa ako bago pumangalumbaba. Ginaya niya naman ako na pumangalumbaba din.

"Kaya kita dinala dito para sabihin sayo na hindi na kita pakakawalan, kagaya ng ginawa ko dati," saad ni Aiden bago ako kinindatan. I felt like my lungs stop functioning properly.

"Aiden," seryosong tawag ko sa kanya dahil hindi niya na alam kung anong nararamdaman ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Ai, call me your Ai," namula ako lalo na't alam niya na din ang ibig sabihin ng Ai.

"Paano kung ayaw ko?" mas lalo kong nilapit ang mukha ko sa kanya habang nakapangalumbaba pa din kaming dalawa.

"Edi don't," agad akong umayos ng upo at nakangiwing tiningnan si Aiden, na ngayon ay nakangisi na. Langyang lalaki toh!

Bad In Your Eyes (CRS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon