04

362 14 6
                                    

04 : She's Back

"Hey! Do you have a bento box?" tanong ko sa gwardya namin na nagbabantay sa labas ng bahay.

"Wala po ma'am,"

"Saan nakakabili nun?" tanong ko, kakauwi ko lang ng bahay pero hindi pa ako nakakapasok dahil may tinanong nga ako sa gwardya namin.

"Ma'am! Baka sa Japan," saad nung isang gwardya na kasama nung tinanong ko. I titled my head.

"Talaga? So pupunta pa ako ng Japan para makabili nun---"

"Hoy, diba sabi ko sayo hintayin mo ako?" napalingon ako kay Renz nung marinig ko siyang nagsalita. Nakasuot pa din siya ng pinang-practice niya sa basketball practice nila kanina.

"Bakit naman? Ayaw kitang katabing maglakad, amoy pawis," tinaasan ako ng kilay ni Renz bago tumayo sa tabi ko ng may isang metro ang layo.

"Edi don't," saad niya bago ako inirapan.

"By the way, alam mo san makakabili ng bento box?" tanong ko.

"Bakit?"

"I need it," saad ko. I'll make my Ai a bento box. Masarap naman akong magluto kaya naisipan ko na ako nalang ang magbibigay ng pagkain sa kanya.

"Huy! Para kang tanga na kinikilig, ano ba meron?" tanong sa akin ni Renz. Panira amputa.

"Wala! Guards don't let him get in the house!" bago pa man ako mahabol ni Renz ay dali-dali ko ng binuksan ang gate namin at pumasok na sa loob ng bahay.

"Putragis ka! Di kita titigilan bukas! Arte nito! Makikiinom lang ako oy!" rinig kong sigaw ni Renz mula sa labas, napailing nalang ako bago tinanggal ang sapatos ko at dumiretso sa kusina.

Lumaki ang ngiti ko nung makita ko si manang Cristy na nagtitimpla ng kape sa kusina. Siya lang ang kasama ko sa malaking bahay na ito pati yung dalawang gwardya, dahil sila mama at papa ay kasalukuyang nasa business trip nila.

"Manang!"

"Oh ano?" napangiwi ako nung pinagtaasan niya ako ng kilay.

"May bento box po ba tayo?" tanong ko bago nilapag ang bag ko sa may lamesa.

"Bakit? Sinong ipagluluto mo? May jowa ka na ba? Kelan mo ipapakilala---"

"Wait wait manang! Kalma ka lang wala pa akong jowa, kaya nga gagawan ko ng bento box baka sakaling mahulog sakin eh," napangisi ako habang iniisip ang magiging itsura ni Ai kapag nakita at natikman niya na ang niluto ko.

"Masaya ako," natigilan ako sa iniisip ko nung makita si manang na nakangiti habang nakasandal sa may kitchen counter at nakatingin sa akin.

"Kelan ka pa hindi naging masaya, manang?" tanong ko kay manang kaya agad siyang napabusangot at uminom ng kape niya.

"Ang alam ko may bento box diyan na pagmamay-ari ng papa mo," nagliwanag ang mukha ko bago lumapit kay manang.

"Talaga? Nakapunta na palang Japan si papa," saad ko bago ngumisi.

"Bigay lang ng mama mo iyon sa kanya," saad ni manang bago kinuha ang bento box na tinutukoy niya.

"Mukhang mamahalin to ah," bulong ko nung binigay na sa akin ni manang ang bento box. Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng palda ko bago tinawagan si Renz.

"Boy, kilala mo si Elion diba?"

"Pasalamat ka sinagot ko tawag mo, at oo kilala ko ka team ko eh," I rolled my eyes before speaking to Renz.

"Bigay mo sakin number niya, dali!"

"Ayaw," sagot ni Renz bago ako binabaan ng tawag. Putang-!

"Manang, pakilinisan po ito, gagamitin ko po bukas," tumango si manang kaya binigay ko na sakanya ang bento box bago kinuha ang bag ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.

Agad akong humiga sa higaan ko at nag-search kung ano ang pwede kong lutuin na magugustuhan ni Ai. Napangiti ako nung maalala ko na naman si Ai kaso ayaw niya pa din makipagkaibigan sa akin. Maybe if I cooked for him, he'll change his mind.

"Taeng Renz kase! ayaw ibigay sakin number ni Elion, tanungin ko sana anong paboritong ulam ni Ai ko," padabog kong binaba ang phone ko nung wala akong makitang pagkain dahil diko naman alam kung anong gusto ni Ai.

"Ano ba yan! Mga paborito ko na nga lang na pagkain, kung ayaw niya tanggapin edi ako nalang ang kakain nun para di sayang," tumayo na ako at nagbihis ng pambahay.

"Ang aga mo ngayon ah," saad ni manang Cristy nung nakasalubong ko siya habang palabas ako ng kusina bitbit ang bento box na ibibigay ko kay Ai.

"Syempre manang, kailangan di malaman na ako ang nagbibigay," ngumisi ako bago kinuha ang bag ko sa may sala at nagsimula ng maglakad para makapunta sa school ng maaga. Tinext ko din sila Mikee at Nicole na maaga din pumasok sa school para may back-up ako kung sakali.

Nung kapasok ko sa room, ako palang ang mag-isa nasa labas naman si Nicole na hinihintay ako.

"Tara!" hinawakan ko ng mabuti ang bento bago nagsimulang maglakad papunta sa may mga locker.

"Nicole, make sure nobody will see me," bulong ko kay Nicole habang naglalakad kami papunta sa locker ni Ai.

"Oo na, maaga pa naman eh," saad ni Nicole habang tumitingin sa paligid.

"Good, I won't let Aiden know and the students that I'm giving bento box to someone," cause they know that the Zephaniah they knew will not give a bento box to someone.

"What's his locker number again?"

"328," I smiled when I saw his locker before opening it to put my bento box inside. I mean my father's bento box.

"As expected, he's clean," I chuckled before putting the bento box above a book.

"Give me a sticky note," agad naman akong binigayan ni Nicole ng sticky notes at pinahiram niya na din ako ng ballpen.

"There!" with a satisfied smile, I close the door before motioning Nicole to walk with me.

"Niah!" napahinto kaming dalawa ni Nicole nung marinig namin ang boses ni Mikee.

Lumingon ako kay Mikee na huminto, nung nakalapit na siya sa amin bago sinapo ang dibdib niya.

"What?"

"Yung binu-bully mo dati na nawala for one month," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mikee. Anong gusto niyang ipaalam sa akin?

"Oh?"

"She's back,"

"Si Eunice?"

"Yeah,"

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now