12

317 13 11
                                    

12 : Jealous

"Abby?" napalingon ako kay Mikee nung lumabas iyon sa bibig niya. Kumunot ang noo ko bago siya tiningnan ng nakataas ang isa kong kilay.

"What do you mean? Do you know her?" nilingon ako ni Mikee bago tinanguan. Parang binagsakan ako ng mundo dahil ang bigat sa pakiramdam na kilala din ni Mikee ang babaeng yun.

"Uy! Asan na pagkain ko?" nabigla ako nung may umakbay sa akin.

"Renz!"

"Ano? Pustahan nakita mo na yung sinasabi ko, asan na pagkain ko?" nung nakita niya ang nakabusangot kong mukha, nagsalubong ang kilay niya bago nilingon si Mikee.

"Anong nangyari dito?" tinuro pa ako ni Renz.

"Look around you," saad ni Mikee, sinunod naman ni Renz.

"Oh..."

"Sabi ko naman sayo na may jowa na yan eh! Nakita ko sila nun na pinapakain yung kuting,"

"Let's go," yaya ko kay Mikee bago tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Renz.

"Uy! Pagkain ko---"

"Shut up!" napanguso si Renz bago namin siya iniwan ni Mikee para bumalik na sa room.

Pagkaupo ko ay pumangalumbaba ako at tahimik na tumingin sa labas ng bintana.

"Ai!" agad kong sinalubong ng yakap si Ai pagkapasok niya kasama si Abby na nakasunod sa likod niya. Nakita kong nanlaki ang mata ni Abby nung niyakap ko si Ai.

"What do you think you're doing?!" inis na tanong sa akin ni Ai nung natanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Hugging you, duh!" nginitian ko siya bago ibinaling ang tingin ko kay Abby na nakahawak ngayon sa braso ni Ai.

Napunta ang tingin ko sa kamay ni Abby.

"Who is she?" seryosong tanong ko kay Ai, tiningnan lang ako ni Ai gamit ang seryoso niyang mga mata.

"Hi! I'm Abby, his girlfriend---" agad na hinawakan ni Ai ang pala-pulsuhan ni Abby at agad nila akong nilagpasan.

"Don't talk to her, Abby," seryosong sabi ni Ai kay Abby.

"Ako na ang mag-aadjust! Dun nalang ako sa likod para magkatabi kayo!" saad ng kaklase kong nakapwesto sa tabi ni Ai bago kinuha ang bag niya at lumipat ng pwesto.

Nakatayo pa din ako kung saan ko niyakap si Ai at pinagmamasdan sila. Napapatingin sa akin ang iba kong mga kaklase na para bang sinasabi sa isip nila na deserve ko ang ginawa ni Ai.

Tahimik nalang akong naglakad pabalik ng pwesto ko habang si Mikee ay dinaluhan ako.

"Girl, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo," saad niya pero hindi ko na siya pinansin at tinitigan nalang ang likod ni Ai habang kinakausap siya ni Abby na nasa tabi niya.

Kung kelan sinabi ko na sinabi kilala mama na sigurado na ako sa kanya dun naman mangyayari to.

"May bago pala kayong kaklase," saad ni ma'am pagkapasok niya sa room, hindi na ako nag-abalang tingnan siya. Parang gusto kong mag-cutting, pero ayaw ko din kasi andito si Ai.

Tiningnan ko naman ang kaklase naming si Abby, kung nandito siya sa section na ito ibig sabihin matalino siya.

Napangisi ako, maybe this is the time where my classmates will know how smart my brain is.

"It's good to know that you don't cut classes anymore, Ms.Zephaniah," napaangat ako ng tingin nung mapansin na ako ang kinakausap ni ma'am. Tiningnan ko ang mga kaklase ko na nakatingin sa akin.

Agad akong umayos ng upo bago sinagot si ma'am.

"I won't do that again ma'am, from now on I'll be a good student," napangiti si ma'am dahil sa sinabi ko, napasinghap naman ang iba kong mga kaklase. Ngayon lang nila ako nakitang naging pormal sa isang guro namin.

"Okay good, I hope you'll also cooperate with us from now on," tumango ako kaya mas lalong napangiti si ma'am.

"Okay then, were having a recitation," lalong lumakas ang pagsinghap ng mga kaklase ko bago nilabas ni ma'am ang mga cards kung saan nakalagay ang mga pangalan namin. Shit!

"Ngayon nalang ulit nag pa recitation si ma'am!" nakangiwing bulalas nung isa kong kaklase na nakapwesto sa may harapan ko.

Nung recess na tiningnan ko kung paano binilhan ni Ai si Abby ng pagkain dahil nga bago palang siya. Ang swerte niya kay Ai. Someday! Ako ang tatratuhin ng ganyan ni Ai!

"Hayaan mo na siya Niah," hindi ko pinakinggan ang sinasabi sa akin ni Nicole.

Sigurado na nga ako kay Ai tapos papakawalan ko pa siya?

"Nah, they'll break up in no time," saad ko bago uminom ng orange juice.

"Sa tingin mo mangyayari yun? Tingnan mo nga sila, almost perfect na," saad ni Mikee pero hindi ko sila nilingon dahil naiinis ako.

"I won't give up on him, sigurado na ako sa kanya, siya lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganito," saad ko kila Mikee.

My mama would always tell me what she feels when she's with papa. Anong naramdaman niya sa tuwing nandyan si papa at may kasamang babae, paano niya nalaman na sigurado na siya kay papa.

At lahat ng mga sinabi niya na nararamdaman niya ay nararamdaman ko dahil kay Ai kaya nasabi ko na sa kanila na sigurado na ako kay Ai. Hindi ako susuko, I'll always make sure that he'll feel my love.

Nahagip ng mata ko kung paano subuan ni Abby si Ai ng pagkain at tinanong kung masarap ba.

Okay this is it. I can't hold it anymore.

"Huy! Saan ka pupunta?!" gulat na tanong ni Mikee nung bigla akong tumayo.

"Shit! Don't tell me pupuntahan mo sila?!"

"You're right," seryosong saad ko kay Nicole bago ako naglakad papunta sa lamesa nila Ai.

"Aiden." kumunot ang noo ni Ai nung tinawag ko ang pangalan niya. Hindi ko pinansin si Abby na nakatingin na din sa akin at nagtataka.

"What do you want?" tanong ni Ai.

"Let's talk, and don't bring your girlfriend," bahagyang natahimik si Ai bago siya tumayo para harapin ako tumayo din si Abby kaya kumunot ang noo ko.

"Alam mo naman pala na may girlfriend na ako, so why can't you leave us alone?" naiinis na tanong ni Ai habang tinatago niya sa likod niya si Abby.

"I'm jealous! Okay?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin iyon, agad din akong umalis sa canteen nung napagtanto ko ang sinabi ko.

Damn it!

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now