19

368 15 9
                                    

19 : Letter

"Sigurado kayong liliko sa kanan? Pota baka maligaw na naman tayo," reklamo ni Renz habang siya'y nasa driver's seat.

Ngayon namin naisipang puntahan ang mga magulang ni Myca. Ang alam ko ay ngayon na ang huling araw ng lamay ni Myca at bukas ay ililibing na siya.

Kinakabahan ako dahil makakaharap ko ang magulang ni Myca.

"Nandito lang kami para sayo, Niah," saad ni Nicole habang nakaakbay sa akin. Tumango ako bago siya nginitian.

"Ayun! Nakikita ko na yung may lamay!" saad ni Renz kaya napunta ang atensyon namin sa tinutukoy niya. He's right, nandito na kami.

Nag-park muna si Renz ng sasakyan niya bago kami bumaba nila Mikee. Naka-uniporme pa din kami dahil kakalabas lang namin mula sa eskwelahan.

"Akong bahala sayo Zephaniah Rouien," seryosong saad sa akin ni Renz bago naglakad sa harapan namin habang papasok kami ng bahay nila Myca.

Todo ang kaba ko dahil natatakot ako sa maaaring mangyari. Pero kailangan kong harapin ang mga karma ko dahil sa mga pinaggagagawa ko sa mga nagdaang mga taon.

"Kayo ba ang mga kaklase dati ni Myca?" tanong nung isang babae na mga kaedad lang nila mama ko. Siguro eto ang nanay ni Myca.

"Opo," seryosong sagot ni Nicole.

"Nakikiramay po kami sa inyo," saad naman ni Renz bago ako nilingon para tingnan kung ayos lang ako.

"Kasama niyo ba si Zephaniah?" parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang pangalan ko, pero nilakasan ko ang loob ko.

Hinarap ko ang nanay ni Myca bago sinabing ako ang hinahanap niya.

"Ako po si Zephaniah..." tumango ang mama ni Myca bago tinawag ang asawa niya, na tatay ni Myca.

Napahawak ako sa kamay ni Mikee pero pilit niya akong pinapakalma. Blanko ang ekspresyon ko dahil ayaw kong makita ng iba ang tinatago kong kahinaan.

"Salamat at nakapunta kayo, gusto lang namin sanang ibigay ito sayo Zephaniah," nanlaki ang mata ko nung inabot sa akin ang isang sulat.

"Para saan po ito?"

"Basta basahin mo ang nilalaman, dahil para sa iyon yan iha," tumango ako bago tiningnan ang mga kaibigan ko na nasa likuran ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang binasa ang sulat na inabot sa akin ng mga magulang ni Myca.

**

Um, hi Zephaniah. Sana naaalala mo pa din ako. Kaklase mo ako noong second year palang tayo kaso lumipat ako ng Unibersidad. Sana mabasa mo toh. Dati hinahayaan mo lang ako na mabully ng iba pero isang araw lumapit ka sa akin habang binu-bully ako, agad mo silang pinaalis at binantaan na huwag na akong i-bully. Tanda ko pa yung pinakaunang tinanong mo sa akin noon eh. 'Bakit hindi ka lumaban?' at simula noon ikaw na yung laging lumalapit sa akin para pagtripan ako, lagi mong sinasabi sa akin na pigilan kita sa ginagawa mo sa akin kung malakas ako, pero hindi ko ginawa dahil mahina ako at hindi ko kaya. Alam ko ang dahilan kung bakit mo ginagawa iyon, gusto mo lang na maging malakas ako at harapin ka para ipagtanggol ang sarili ko. Kung nagtataka ka kung bakit ko nalaman, narinig ko na sinabi mo iyon sa mga kaibigan mo habang nasa banyo kayo noon. Naiinis ka dahil hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sa iba at sayo. Alam kong mabait ka dahil halata sa iyong mga mata. Salamat. Pinapatawad kita. Pasensya na kung hindi ako naging malakas kagaya ng gusto mong mangyari.

-Myca.    

**

Agad akong tumingin sa mga magulang ni Myca. Nakangiti sila habang pinapanood ang magiging reaksyon ko sa sulat ni Myca bago siya tuluyang lumisan sa mundo. Hindi ko alam na kaya niya pang patawarin ako kahit binully ko siya noon.

"Salamat sa pagpunta, buti nalang at nahanap ka namin, nabasa kasi namin sa sulat niya para sa amin na ibigay namin ang sulat na iyan sa iyo," ngumiti ang nanay ni Myca sa akin.

"Alam ko pong huli na pero patawarin niyo po ako sa lahat ng nagawa ko kay Myca, alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya pero nagawa ko pa rin iyon," nung nararamdaman ko na ang namumuong luha sa gilid ng mata ko. Agad akong niyakap ng mama ni Myca.

Matapos akong pakawalan ng mama ni Myca, lumapit ako sa kabaong niya bago tiningnan ang mapayapa niyang mukha.

Salamat dahil pinatawad mo ako, sana hindi mo nalang inisip na tapusin ang buhay mo, madami pang pwedeng mangyari sa buhay mo pero kung nangyari na at talagang ayaw mo na at di na kaya. Sana mapayapa ka na.

"Saan po siya nag-aaral?" tanong ko kay mama ni Myca.

"Sa Tinajero University, simula nung lumipat siya doon wala ng masyadong nangbubully sa kanya, dahil natutunan niya na daw kung paano ipagtanggol ang sarili niya, pero hindi ko alam kung bakit bumalik na naman sa dati at binully na naman siya hanggang sa ginawa niya ito," napayuko ang mama ni Myca kaya hinawakan ng asawa niya ang kamay niya.

"Salamat ulit sa pagpunta---"

"Akalain niyo yun? Gagawin niya talaga yun?" hindi natapos ang sasabihin nung mama ni Myca sa akin nung may biglang pumasok na grupo ng mga estudyante na naka-uniporme pa at maiingay.

"Ang kaibigan ni Myca," saad nung mama ni Myca bago ako hinarap at hinawakan sa kamay.

"Maging komportable kalang, kung may kailangan kayo hanapin niyo lang ako, maiwan ko muna kayo," tumango ako sa mama ni Myca bago siya tiningnan kung paano niya nilapitan ang mga kaibigan daw ni Myca.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tumango ako sa tanong ni Mikee nung lumapit siya sa akin.

"Yes," tumango ako, binigyan ako ni Renz ng upuan kaya hinila ni Mikee ang upuan niya malapit sa akin bago kami umupo.

"Sisiguraduhin kong magbabago na ako at hihingi ng tawad sa mga nasaktan ko, ayaw ko ng mamuhay ng ganito, gusto ko ng bumalik lahat sa dati nung masaya pa ako," seryosong saad ko kay Mikee.

"Mikee, gusto kong pumunta bukas sa library, I want to clear my mind," tumango si Mikee, lumapit na sa amin si Nicole at Mikee.

"Renz, kagaya ng sinabi mo sa akin na nahulog na ang maskarang sinusuot ko dati, ngayon sisiguraduhin kong susunugin ko na iyon," napangiti si Renz bago tumango.

"Babalik na ba ang dating mahiyain at inosenteng, Zephaniah?" tanong ni Renz kaya napangiti ako.

Ang maskarang tinutukoy ko ay ang Zephaniah na bully, walang galang sa iba, at spoiled brat.

At ang mukhang nakatago sa maskara ay ang totoong Zephaniah, ang totoong ako.

"Ano na guys? Tara na? Magpagpag muna tayo baka sundan pa tayo ni Myca," saad ni Nicole kaya tinawag na namin ang mga magulang ni Myca at nagpaalam.

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now