29

358 16 20
                                    

29 : Bryan

"Uy! Kaibigan ko yan, pwedeng libre?" ngayon na ang pangalawang araw ng Foundation day. Hindi ko alam pero dito sa Eastfar tatlong araw ginaganap ang Foundation day.

"Langya ka! Ako nga hindi nakakalibre ikaw pa kaya?" singhal ni Mikee kay Renz.

"Same," saad ko.

"Ano ba yan, nauuhaw na ako, tara libre ko na kayo!" saad ni Nicole bago bumili ng mango juice. Iba na ang tinda namin ngayon dahil baka magsawa ang ibang mga kostumer kung ang tinda namin ay kagaya din ng kahapon.

"Free hugs mga bugok," nginitian ko ang tatlong kaibigan ko pagkabili nila ng juice.

"Sige na nga, payakap," niyakap ko si Mikee at Nicole.

"Yoko nga, kay Aiden ako yayakap," saad ni Renz bago ako inirapan. Edi inirapan ko din ang kumag.

"Kayong dalawa? Pwede naman kayong gumala muna," saad ni Erwin.

"Mamaya, tinatamad pa akong maglakad-lakad," saad ko kay Erwin.

"Ako din," saad naman ni Aiden matapos siyang yakapin ni Renz, muntikan pa nga siyang matapunan ng juice ni Renz.

Kagaya ng kahapon, madami pa din ang pumunta. Pati ang pinaka-ayaw kong tao ay pumunta.

"Hi Zephaniah," ngumisi si Bryan, kasama niya ang mga kaibigan niya na dati ay kaibigan ni Renz.

"Sino yan?" napalingon ako nung nagtanong si Aiden, masama ang tingin niya kay Bryan.

"Mabuti pa, yakapin mo nalang ang mga babae, ang daming naghihintay---"

"Makakapaghintay sila," seryosong saad ni Aiden at hindi pa din naaalis ang tingin kay Bryan na ngayon ay bumibili na ng juice at ng banana cue.

"Pwedeng payakap---" agad na humarang si Aiden sa harapan ko bago pa man ako mayakap ni Bryan.

"Sino toh Zephaniah? Dati si Renz tapos ngayon eto?" tinuro niya pa si Aiden, mas matangkad si Aiden kesa kay Bryan pero dahil gago si Bryan nagyayabang-yabangan pa.

"Bakit? Problema mo?" tanong ni Aiden, impit na tumili ang mga babaeng nanonood sa nangyayari.

"Ikaw bakit?" matapang na sagot ni Bryan. Parang gusto kong pumalakpak dahil sa angking katapangan niya.

"Parehas tayo, ikaw din problema ko," ngumiti si Aiden dahilan para mainis si Bryan.

"Okay tama na yan Aiden, ako naman," ngumisi ako bago hinarap si Bryan.

"Sa tingin ko eto na ang araw na ilalabas ko na ang lahat," kumunot ang noo ni Bryan at nawala ang ngisi niya.

"Una sa lahat, pakyu," narinig kong tumawa si Aiden sa tabi ko pero hindi ko na iyon pinansin. Tumawa siya hangga't gusto niya.

"Anong sabi mo---"

"Ang sabi ko, pakyu. Nabingi ka na ba?" mas lalong nainis si Bryan kaya mas lalo akong napangisi.

"Alam mo? Hindi ko alam bakit nagustuhan kita, ang panget mo na nga, ang panget pa ng ugali mo," hindi nakapagsalita si Bryan dahil hindi ko siya hinahayaan. Ako dapat ang magsalita, ako dapat ang pakinggan niya!

"Oo, gusto lang kita no'n dahil sigurado ako sa sarili ko na hindi iyon pagmamahal, kase alam mo kung bakit? Ngayon ko lang naranasang magmahal yung hindi kagaya ng nararamdaman ko sayo," inirapan ko si Bryan bago pinag-krus ang mga braso ko.

"Hindi mo ako pwedeng ipagkumpara sa iba dahil ako ay ako, pake ko kung mas matalino at maganda yung iba kesa sa akin? Basta ang tingin ko sa sarili ko, ako ang pinakamaganda,"

"Kagaya ng sinabi ko, panget ka na nga, panget pa ugali mo. Pwede ka pa namang magbago eh, kapag naging mabuti ka malay mo hindi na nila papansinin ang itsura mo kase mabuti ang ugali mo," ngumiti ako kay Bryan na ngayon ay tulala pa din.

"Atsaka hindi lang naman ako ang nasaktan mo sa kagaguhan mo eh, tawagin ko lang siya," ngumisi ako bago nilahad ang kamay ko kay Mikee dahil nasa kanya ang phone ko.

"Nasaktan mo din siya at parehas kayong may kasalanan," saad ko bago ko tinawagan si Eunice.

Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong nakikiusyoso at doon ko nakita si Eunice, nasa tenga niya na ang phone niya dahil sinagot niya na ang tawag ko.

"Dito ka at ng magkaliwanagan na," ngumisi ako bago pinatay ang tawag.

"Sana hindi nalang ikaw ang una kong nakilala," siniguro kong si Bryan lang ang nakarinig ng sinabi ko.

"Erwin! Alis na kami ni Aiden! Gagala lang!" hinawakan ko ang kamay ni Aiden bago siya hinila palayo sa kumpol-kumpol na mga tao.

Naghiyawan naman ang mga tao dahil sa ginawa ko.

"Lods! Payakap mamaya!"

"Galing!"

"Ibang klase!"

"Siya ba yung dahilan bakit ka nagbago dati?" tanong ni Aiden nung medyo nakalayo na kami sa lugar na iyon.

"Oo, langya nagsisisi na ako," ngumuso ako bago binitawan ang kamay ni Aiden.

"Gusto mo pa ba siya?"

"Hindi na," sagot ko kay Aiden bago tumingin sa tinda ng mga first years.

"Hala may pizza oh! Sosyal!"

"Bilhan pa kita ng Shakey's, Pizza Hut, Yellow Cab---"

"Sigurado ka?" tiningnan ko si Aiden.

"Syempre," ngumiti si Aiden bago ako kinindatan.

"Paano kung gusto ko na ikaw ang gumawa ng pizza?" tanong ko sa kanya.

"Bata nga kaya kong gawin, pizza pa kaya," napaawang ang labi ko sa sinabi ni Aiden bago lumingon sa mga first years na nakarinig sa sinabi niya.

"Hahaha, wag niyo nalang isipin ang sinabi niya, lahat naman tayo marunong gumawa diba?" nginitian ko ang mga first years, bumili ako ng pizza para sana makalimutan nila ang sinabi ni Aiden.

"Anong pinagsasabi mo?!" pasinghal kong tanong kay Aiden nung nakaupo na kami sa hinandang upuan sa harap ng stall.

"Bakit? Totoo naman ah," ngumuso siya. Para tuloy siyang bata.

"Ang cute mo!" ngumuso ako bago kinurot ang magkabilang pisngi niya.

"A-Aray ko po!" natawa ako bago hinawakan ang buhok ni Aiden.

"Bagay sayo maging kalbo,"

"Talaga? Pakalbo na ako bukas," tinawanan ko si Aiden bago tumango.

Natigilan ako nung bigla siyang naging seryoso.

"Napano?"

"Ngumingiti ka,"

"Ha?"

"You're smiling,"

"Bakit? Masaya ako eh," bigla ulit siyang ngumiti. Oh gosh is he a bipolar?

"Talaga? Napapasaya kita?" ngumiti si Aiden bago kumindat. Tumango naman ako kaya natigilan siya.

"Oo, napapasaya mo ako," saad ko bago siya nginitian. Agad siyang nag-iwas ng tingin at doon ko na napansin ang namumula niyang tenga at pisngi!

"Hoy! Anyare? Bakit ka namumula?" tinawanan ko siya, humarap naman siya sa akin habang nakanguso.

"Ikaw kase eh, kung anong pinagsasabi mo, kinikilig tuloy ako," saad niya kaya napangiti ako ng nakakaloko.

"Yieee! Si Aiden kinikilig,"

Bad In Your Eyes (CRS #5)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant