08

328 16 3
                                    

08 : Rumor

"N-No! I'm fine! I can do this!" agad kong kinuha sa kanya ang mga papel na pinulot ni Ai. Kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko. Agad kong pinulot lahat ng papel at tinapon sa may basurahan sa dulo ng mga lockers.

I don't want him to see the insults written inside the crumpled papers.

Agad akong bumalik sa locker ko at napansin na kakatayo lang ni Ai bago tiningnan ang nasa loob ng locker ko. Shit! Mayroon pa palang mga papel dun!

"Hey! Ai!" dahil sa tinawag ko siya nawala ang atensyon niya sa locker ko. Agad akong tumakbo papunta sa locker ko at agad iyong sinara. Nakakunot ang noo niya nung lumingon siya sa akin.

Agad akong namula nung makitang malapit siya sa akin. Napansin niya yata kaya agad siyang lumayo at bumalik sa tapat ng locker niya. Napanguso nalang ako bago binuksan ang locker ko. At mula sa gilid ng mata ko, kita ko ang pagbukas niya sa bag niya at nilabas ang bento box.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung naglabas siya ng sticky note. Halos lumuwa ang mata ko nung ginawa niyang lamesa ang locker para makapagsulat siya sa sticky note.

Sana nandun ako sa gitna niya at ng locker. Emeged.

Nung matapos siyang magsulat agad akong lumapit sa kanya at sinilip ang loob ng locker niya.

"Kanino galing yan?" tanong ko pero hindi siya sumagot kaya napabusangot ako.

"Hey! Ai!"

"Leave me alone now," saad niya bago tinakpan ang nakasulat sa sticky note at agad na dinikit sa bento box bago agad na isinara ang locker niya. Akala niya naman hindi ko alam ang tungkol sa bento box.

Napailing-iling ako habang nakangiti. Namalayan ko nalang na naglalakad na pala siya palayo kaya agad ko siyang hinabol.

"My Ai!" sigaw ko pero hindi man lang siya nag-abalang lumingon sa akin.

Ay! Sila Nicole hinihintay pala ako, atsaka kailangan ko na din makita ang sinulat ni Ai sa sky blue sticky note niya.

Masaya akong naglakad pabalik sa mga lockers at agad na binuksan ang locker ni Ai.

Agad kong kinuha ang bento box pati na din ang sticky note na may sulat kamay ni Ai.

"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Tagal mo uy," bungad sa akin ni Mikee habang nagsusulat sa malaking white board sa room namin.

"May sulat sakin si Ai!" maluwang ang ngiti ko habang pinapakita ang sticky note kila Mikee pero bago pa nila makita ang nakasulat doon, agad ko iyong tinago sa bulsa ng palda ko.

"For my eyes only, sorry," I stucked out my tongue before going to my seat.

"Happy na siya, parang nung isang araw lang nasa pub pa," saad ni Nicole bago tumayo sa pagkakaupo niya at nagyaya ng umalis.

"Mauna na kayo," saad ko kila Mikee kaya tumango sila at iniwan ako sa harap ng locker ko.

Tumingin muna ako sa paligid para masigurong walang dadaan.

Mula sa bag ko, kinuha ko ang bento box. Niluto ko ang mga favorites ni Ai na sinabi sa akin ni Elion, kahapon.

Pinasok ko muna ang bag ko sa locker ko bago naglakad tungo sa locker ni Ai.

"Done!"

"Ginagawa mo diyan?"

"Oh my!" agad akong lumingon kay Renz nung marinig ko ang boses niya.

"Bakit andito ka?!" nagkibit balikat lang si Renz habang hawak-hawak ang sports bag na dala niya.

Nung medyo distracted siya, unti-unti kong sinara ang locker ni Ai, bago naglakad ng pa-backwards.

"Hehe, alis ka na, baka late ka na sa practice," pinanliitan niya ako ng mata.

"Duda ako sayo," saad niya bago naglakad palayo. Napasapo ako sa dibdib ko habang pinapanood siya na naglalakad palayo.

Kinuha ko na ang bag ko at sinara ang locker ko at tumungo na sa room.

Nung naabutan ko si Eunice doon, hindi ko na siya pinansin, kung siguro diko nakilala si Ai baka ngayon ginugulo ko na naman si Eunice.

Kaupo ko sa pwesto ko, naalala ko bigla iyong sinabi ko kay nerdy boy na nabully ko dati.

Hihingi ako ng tawad sa mga nabully ko.

Pinagmasdan ko ang likod ni Eunice habang nakapangalumbaba.

Hindi ko alam kung kaya ko bang humingi ng tawad sa kanya. Dahil isa din siya sa dahilan kung bakit naging ganito ako.

Kung bakit nagbago ang dating mabait na si Zephaniah.

Nag-iwas ako ng tingin at pinagmasdan nalang ang tanawin sa labas ng room namin.

Kapag handa na ako, doon ako hihingi ng tawad.

Hinintay ko na lang na isa-isang magdatingan ang iba kong mga kaklase at si Mikee.

"Anong nangyari kaninang umaga? May nakakita ba?" tanong ni Mikee, tumango ako.

"Hala? Sino?"

"Si Renz hinayupak,"

"Aruy!"

"Kakausapin ko nalang mamaya," at kagaya ng sinabi ko. Kakausapin ko nga si Renz, nandito na ako ngayon sa labas ng basketball court.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Buti nalang at break nila kaya makakausap ko kaagad si Renz.

Didiretso na sana ako kay Renz nung makita ko si Ai na naka-krus ang dalawang braso habang kausap si Elion na nakaupo at nakatutok sa phone niya.

"Hala ang pogi..." wala sa sariling bulong ko.

"Siya ba yung binibigyan mo ng pagkain sa bento box?" nabigla ako nung bumulong sa akin si Renz habang nakatayo ako at tinitignan mula sa malayo si Ai.

"Sino?"

"Si Aiden," wala sa sariling napangiti ako bago nahihiyang tumango.

"Ay weh? Seryoso ka? But there's a rumor that he..." kunot ang noo kong nilingon si Renz. At pinag-krus ang braso ko.

"He what?" tanong ko bago siya pinandilatan ng mata. Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya bago nagsalita.

"He has a girlfriend," para akong nabingi nung marinig ko iyon.

"W-What? Tsk! That's just a rumor you know?" saad ko bago nag-iwas ng tingin.

Yeah, it's just a rumor. There's a possibility that it's a false rumor.

Right?

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now