16

352 16 8
                                    

16 : Last

"So you're telling is that you saw Aiden and Abby?" I nodded before tying my hair into a messy bun.

Katapos akong ihatid ni Renz sa bahay, agad kong sinabihan sila Mikee at Nicole na pumunta sa bahay. Cause I need to tell them something.

"Ibig sabihin silang dalawa ang nagpapakain sa kuting?" tumango ako bago sinuot ang apron ko.

"Chef na chef ang dating mo girl," saad ni Nicole kaya nginitian ko siya.

"So pinapunta mo kami dito para sabihin na nakita mo sila Aiden sa park?" nakangiwing tanong ni Mikee kaya umiling ako bago nilabas ang mga ingredients na kakailanganin ko para sa bento box na ibibigay ko bukas kay Aiden.

"I just need a help,"

"Sure," tumayo si Mikee sa kinauupuan niya bago lumapit sa akin.

"Panoorin ko lang kayo, ako taga-tikim," saad ni Nicole.

"Gagawin natin yung favorite ni Aiden, but with my very own recipe,"

"Ha? Mag-iimbento ka ng sisig?" tumango ako sa tanong ni Mikee.

"Support kita Niah, baka yan pa ang maging specialty mo sa future restaurant mo," napangiti ako sa sinabi ni Nicole.

Napapansin ko din na simula nung dumating si Aiden sa buhay ko, palagi na ulit akong ngumingiti.

"Sa tingin niyo, paano kaya nakuha ni Abby yung puso ni Aiden?" biglang tanong ko sa dalawa kong kaibigan.

"Mabait si Abby, at maganda," napabusangot ako sa sinabi ni Nicole.

Kung nung una medyo nasasaktan pa ako dahil may girlfriend na si Aiden, pero ngayon sa tingin ko medyo nasasanay na ako.

"Let's start," nagsimula na kaming magluto ni Mikee.

"This will be my last bento box for Aiden," biglang sabi ko sa kanila sa gitna ng pagluluto namin.

"Weh?"

"Yes, kaya nga niluluto ko ang paborito niya eh, susulatan ko pa siya para malaman niya na ako ang nagluluto ng mga pagkain sa bento box," saad ko bago ngumiti dahil naiisip ko kung ano ang reaksyon ni Aiden habang kinakain ang mga niluluto ko.

"Niah, I think you're finally going back to your old self," natigilan ako sa sinabi ni Mikee.

She's right. I'm slowly going back to my old self.

The real me.

When I'm still happy and at peace.

"Kung nakita lang ni Aiden ang totoong ikaw, baka siya pa ang maghabol sayo," saad ni Nicole.

Mangyayari ba talaga yun? Kapag nakita niya ang totoong ako, baka magustuhan niya na ako.

"You sure? But his hatred for me is so deep, diko alam kung magbabago pa ba yun," ngumiti ako ng mapait.

"By the way, di ba sabi mo magsusulat ka ng letter para sa kanya? Ako na ang bahala diyan at magsulat ka na," napangiti ako sa sinabi ni Nicole kaya tumango ako bago tinanggal ang apron ko at ibinigay sa kanya.

Umakyat ako sa kwarto para kumuha ng papel at ballpen.

**

Hi! This is my second time writing to you right? Sana na-enjoy mo yung mga pagkain na niluto ko para sayo. Nabasa ko na din yung sulat na nakalagay sa sticky note nun, yung mga cat food na binigay ko din, para kay Meow yun okay? Patabain mo siya, this will be my last bento box for you. You can share it with Abby even if I don't like her. Yes, you're right. I'm Zephaniah. I'm the one who cooked the foods in that bento box. Thank you for eating my food, I'll consider you as my very first costumer, Aiden. Thanks and take care.

**

Napangiti ako pagkatapos basahin ang sinulat ko para kay Aiden. Sana basahin niya para malaman niya na ako ang nagluluto ng mga nasa bento box. I'll consider him as my very first costumer. Cause I wanna be a chef and I'll build a restaurant.

"Guys?"

"Hmm?" sabay na napalingon sa akin si Mikee at Nicole.

"Thank you," sabay silang napangiti.

"Ano ka ba? Kahit anong mangyari nandito lang kami sa tabi mo,"

I'm grateful to have a friends like them.

Hindi ko alam bakit hindi nila ako sinukuan nung bully pa ako at matigas ang ulo. They're the ones who believe that I will change back to my real self again. And I'm happy for that.

"Katapos nito, ipagluluto ko kayo lahat ng pagkain na gusto niyo," agad na lumiwanag ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko.

"Sama na din natin si Renz, di niya ako tinitigilan sa paghingi ng pagkain," saad ko kaya natawa sila Mikee.

Nung matapos na namin ang niluluto, ipinakita ko sa kanila ang bento box na binili ko para kay Aiden.

"Yung bento box na ginagamit ko kay papa ko yun kaya binilhan ko na si Aiden ng sariling bento box niya, para di na natin balikan ulit yung ginagamit ko na bento box ni papa, atsaka bumili na din ako ng dalawang can ng cat food at isang treat para kay Meow," sabi ko kila Mikee habang nakangiti.

"Hihintayin ko talaga ang araw na makilala ni Aiden ang totoong ikaw, tingnan ko lang kung di ka niya habulin kagaya ng ginagawa mo sa kanya," seryosong sabi ni Mikee kaya napangiti nalang ako.

"Niah!" napaigtad ako nung makita ko si Mikee at Nicole sa tapat ng locker ko, mas nauna pa silang pumasok kesa sa akin. Lumapit ako sa kanila habang bitbit ko ang bento box at ang tatlong can ng cat food ni Meow.

"Aga niyo ah," saad ko sa kanila bago binuksan ang locker ko para ipatong muna doon ang bag ko.

"Syempre, sabi mo eto na yung huli mong pagbibigay kay Aiden ng bento box," saad ni Mikee bago ngumiti.

"Kailangan nandito kami para suportahan ka," saad ni Mikee.

"Ge, bigay mo na tapos diretso canteen na tayo," tumango ako bago naglakad papunta sa tapat ng locker ni Aiden.

Binuksan ko iyon bago maingat na nilagay ang bento box at ang cat food.

"Niah! Yung letter baka makalimutan mo,"

Ay oo nga pala!

Agad akong lumapit sa kanila para kunin yung letter na nakita ni Mikee sa loob ng bag ko.

"Kapag nakalimutan mo yan baka di niya malaman na ikaw pala nagbibigay ng bento box sa kanya, sayang naman," natatawang sabi ni Mikee bago inabot sa akin ang letter.

"Buti nalang talaga---" saktong pagtalikod ko kila Mikee para bumalik sa tapat ng locker ni Aiden, nakita ko si Aiden na papalapit habang nakatingin sa akin bago sa locker niya na nakabukas.

"What the..." agad na bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko siya. Shit!

Agad akong tumalikod sa kanya at kinuha ang bag ko sa locker ko bago nilagay sa locker ang letter na dapat kong ibigay kay Aiden.

"Let's go,"

"What-" hinila ko na sila Mikee papunta sa canteen.

And that's how I gave my last bento box for Aiden.

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now