27

367 20 12
                                    

27 : Preparation

"Ginugulo ka pa din niya?" tumango ako sa tanong ni Mikee habang papasok kami sa building ng third years.

"Sabi na nga ba't sa huli siya ang maghahabol sayo eh," saad ni Nicole bago siya kumaway sa amin dahil papasok na siya sa room niya. Hindi kami maagang pumasok at alam kong ilang minuto nalang ay magsisimula na ang unang klase namin.

"Pupuntahan ko pala si Meow," saad ko nung maalala si Meow.

"Pakilala mo naman ako sa kanya,"

"Katapos ng foundation day," saad ko kay Mikee bago kami pumasok sa room. Madami na kaming mga kaklase na nandoon kaya maingay na.

Nung dumating ang adviser namin agad siyang dumiretso sa gitna at may sinabi.

"Kagaya ng kumakalat ngayon sa Unibersidad na ito, malapit na ang Foundation day natin, kaya ngayong araw hinahayaan ko kayo na mag-isip kung anong booth ang gusto niyo.

"Ma'am! May eating booth po ba?" tanong ng kaklase kong mahilig kumain.

"Like I said, hinahayaan ko kayo kung anong booth ang gusto niyong magkakaklase, kayo ang magtitinda at magtutulong-tulong para diyan," tumango ang mga kaklase ko, nung umalis na ang adviser namin tumayo ang presidente ng room namin.

"Guys, any suggestions?" tanong ni Erwin na presidente namin.

"Eating booth!"

"Dance booth!"

"Sleeping booth!" tiningnan ni Erwin ang kaklase naming sumagot ng sleeping booth.

"Kung may pambili ka sana ng kama at may ambag ka, baka gawin natin yan," saad ni Erwin.

"Eating booth nalang!" sagot ng iba naming mga kaklase kaya sa huli, eating booth nga ang pinili namin. Ibig sabihin, magtitinda kami at hindi na yung kagaya nung mga kissing booth, jail booth at iba pa.

"Paano padadamihin kostumer natin? Pustahan madami ding pipili ng eating booth," tanong nung bise presidente namin sa room namin.

"Madami tayo niyang kakumpitensya," saad naman ni Erwin.

"Diskarte lang yan, nandito naman si Aiden sa section natin,"

"Anong gagawin natin kay Aiden? Ibenta?" tanong ni Erwin. Napailing nalang ako sa mga pinag-uusapan nila.

"Madaming bibili kay Aiden, benta muna natin mga damit niya tapos kapag ubos na yung---"

"Baka nakakalimutan niyo, eating booth tayo! Hindi natin ibebenta si Aiden, pero pwede natin siyang gawing taga-yakap ng mga bibili sa atin kapag gusto nila mayakap si Aiden," paliwanag ni Erwin, bigla namang pumalakpak ang mga kaklase namin kaya napapalakpak na din ako.

"Unfair! Paano naman kaming mga lalaki?" reklamo nung isa kong kaklase.

"Gusto niyo babae? Edi si Abby," saad ni Erwin pero napangiwi yung iba naming mga kaklase dahilan para kumunot ang noo ko. Anong problema nila kay Abby?

"Hindi pwede, buntis yan baka mapisa tiyan niyan," nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Tiningnan ko si Abby sa harapan, nakangiti lang siya na parang nakikisabay pa sa katuwaan ng iba naming kaklase.

Pagsasabihan ko na sana ang mga kaklase namin pero natigilan ako nung marinig ko ang pangalan ko.

"Si Zephaniah nalang!" suggest nung kumontra kanina kay Abby.

Napunta na ngayon ang atensyon sa akin ng mga kaklase ko, nakangiwi naman ako bago nagsalita.

"Ako? Yayakapin kayo?"

"Parang pa-welcome na iyon dahil sasama ka na din sa foundation day," saad ni Erwin.

"Atsaka para mayakap ka nung mga nakaaway mo," tiningnan ko ang kaklase kong nagsabi nun.

"Bakit? Yayakapin mo ako?" pambabara ko sa kanya.

"Parang ganun na nga," inirapan ko siya bago ibinalik ang atensyon ko kay Erwin.

"Sige, ganito noh, si Aiden at Zephaniah ang taga-yakap sa mga kostumer na bibili sa atin, halimbawa gusto nila mayakap ang dalawa kailangan muna nilang bumili ng pagkain sa atin bago sila yumakap," saad ni Erwin.

"Ano naman yung mga bebenta natin?" tanong ni Mikee kaya tumango ang mga kaklase namin dahil iyon din ang mga tanong nila at si Mikee lang ang nagtanong.

"Melon juice!" tumango si Erwin bago iyon sinulat sa blackboard.

Mga College na kami pero bakit kung umasta kami ay parang mga nasa Highschool pa?

Napailing nalang ako bago pumangalumbaba at pinagmasdan ang likod ni Aiden.

Ako at si Aiden?

Kapag bumili ba ako ng tinda namin, pwede ko din ba siyang mayakap?

"Tapos turon! Magaling magluto ng turon etong si Arianne! Nagtitinda siya ng turon eh,"

"Kung gusto niyo gin nalang tapos lagyan ng niyog para kunwari buko juice"

"Ang galing mo mag-isip pagdating sa mga ganyan no?" naiinis na tanong ni Erwin sa isa naming kaklase.

Ganito pala ang preparasyon kapag foundation day.

"Gawa tayong ramen! Kagaya nung Ichiraku Ramen," suggest nung isa naming kaklase na mahilig sa anime.

"Tapos kunwari mga Akatsuki yung mga nagtitinda," dagdag naman nung isa pa naming kaklase.

"Guys, baka gusto niyong ipa-chupa ko kayo sa mga Titan," saad ni Erwin.

"Melon juice, turon, shanghai, lumpiang toge," saad nung bise presidente matapos magseryoso nung mga kaklase ko at nakapag-isip na ng mabuti.

"Mali! Dapat melon juice, banana with wrapper, meat with wrapper, toge with wrapper---" napasinghap ako nung biglang tinapon ni Erwin sa kaklase namin yung petelpen na hawak niya.

"Kanina ka pa, hayup ka," tumawa lang ang kaklase namin, hirap din maging presidente buti nalang at hindi ako kailanman naging miyembro ng mga officers sa room.

"Bukas nalang natin pag-usapan yung gastusin nakakatamad eh," saad ni Erwin bago bumalik sa upuan niya.

"Girl, pinabibigay nung nasa harapan," inabot sa akin nung kaklase kong babae na nakapwesto sa harapan ko, yung papel na pinapa-abot daw.

"Para sa akin?" tumango siya kaya nginitian ko bago binasa ang nakasulat sa papel na inabot sa akin.

Uubusin ko lahat ng paninda natin para ako lang ang makayakap sayo

-Ai              

Napangiwi ako matapos kong mabasa iyon. Nag-angat ako ng tingin at ang una kong nakita ay ang nakangising mukha ni Aiden. Kinindatan niya ako kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Bakit parang masama ang pakiramdam ko sa foundation na mangyayari?

Bad In Your Eyes (CRS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon