20

409 16 16
                                    

20 : Tired

Kagaya ng gusto kong gawin, sumama ulit ako kay Mikee na pumunta sa library. Nangako din ako na babalik ako kaya ngayon pupunta na kami ni Mikee.

"Ate Niah!"

"Hi!" sinalubong ako ng mga bata kaya napangiti ako bago nilingon si Mikee na nakangiti din habang nag-uusap sila ni ate Daniella at nakatingin sa akin.

"Let's go? Kakamustahin ko kayo," tumango ang mga bata bago ako sinundan kung saan kami dati unang nagkita ng mga bata. Matapos kong makipag-bonding sa mga bata at medyo nagdidilim na din, nagrepresenta kami kay ate Daniella na kami na ang maghahatid sa mga bata.

"Pila-pila kayo!" utos ni Mikee sa mga bata, sumunod naman sila.

"Punta lang akong convenience store, bilhan ko silang mga pagkain," tumango si Mikee kaya tiningnan ko muna sila bago ako tumalikod para pumunta sa convenience store.

"Ano bang magandang bilhin para sa kanila?" tanong ko sa sarili ko habang naghahanap ng pagkain. Nung makakita na ako ng pagkain na siguradong magugustuhan ng mga bata, agad akong pumunta sa counter para makapagbayad na.

Lalabas na sana ako nung may biglang pumasok na kustomer sa glass door ng store. Nagkasalubong ang mga mata namin, parehas na nanlaki ang mata namin pero agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Zephaniah?" tawag niya sa akin.

"Sorry, I don't know you," saad ko bago siya nilagpasan at lumabas na ng store na iyon.

"What?!" rinig kong tanong ni Aiden pero tumakbo na ako palayo, siguradong hinihintay na ako ng mga bata.

Nung dumating ang Lunes, hinanap ko ang mga nabully ko simula first year ako, sa tulong na din ni Renz. Halos karamihan sa kanila ay isang beses ko lang nabully, pero humingi pa din ako ng tawad.

"Sorry kung binully ko kayo, alam kong mali ako at nagsisisi ako na ginawa ko iyon. Sana mapatawad niyo ako, hindi na ako ang dating Zephaniah na nakilala niyo," saad ko sa kanila, pinagsabay-sabay ko na sila para hindi na ako mahirapan.

Nagkatinginan naman sila bago nagsalita yung isa.

"Ano ka ba? Tagal na kitang pinatawad, may kasalanan din ako sayo, pinagsasalitaan kita ng masama sa likod mo kaya sana mapatawad mo din ako," ngumiti ako bago tumango. Hanggang sa napatawad nga nila ako, yung iba ay humingi pa ng tawad dahil sa nagpagsalitaan nila ako ng masama sa likod ko.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ginhawa. Masaya pala kapag pinatawad ka at nagpatawad ka.

Pero kahit nagbago man ang tingin nila sa akin, yung iba naman ay hindi.

"Girl, wag kayo lumapit diyan, baka mamatay din kayo," hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan ng mga tao sa paligid ko habang naglalakad ako papunta sa locker ko.

"Baka palitan niya na si Satanas," rinig kong bulong nung isang babae sa kasama niya habang nasa tabi sila ng locker ko. Napatingin ako sa kanila kaya nanigas sila.

Palitan ko si Satanas? Kung ganoon pakita ko pala sa kanila kung gaano ako kademonyo kagaya ng iniisip nila.

"Satanas? Papalitan ko si Satanas? Kung ganoon bibigyan ko kayo ng VIP ticket sa impyerno kitakits nalang, sasalubungin ko nalang kayo with matching red carpet," ngumisi ako ng malademonyo kaya agad silang umalis at iniwan ako.

Ipapakita ko lang bad side ko kung deserve nila iyong makita.

Natawa ako bago hinarap ang locker ko.

Kung dati crumpled paper ang nilalagay nila sa loob ng locker ko, ngayon sticky notes na at nakadikit pa sa labas ng locker ko.

They keep on calling me a killer, di naman nila alam kung ano ang nangyari.

Kung dati wala akong pakielam kung ano ang gawin nila at itawag nila sa akin, ngayon ang masasabi ko lang ay pagod na pagod na ako.

Binuksan ko nalang ay locker ko ay kinuha ang mga libro ko doon, kung dati di ako nagdadala ng libro sa room at nakatambak lang sa locker ko at minsan ay nagdadala ako ng isa para mag advance reading. Well ngayon iba na. Makikinig na ako sa mga guro ko kagaya ng sinabi ko sa adviser namin.

Kinuha ko ang tatlong libro ko bago sinara ang locker ko. Nakita ko naman kung paano makatingin ang iba sa akin, dahil nga ngayon lang nila ako nakitang may dalang libro.

Pagkapasok ko ng room, agad kong nasalubong si Aiden na papalabas ng room. Agad akong nagbigay ng space para daanan niya pero hindi siya dumaan kundi tumayo lang siya sa harapan ko.

"What do you want Aiden?"

"Let me help you carry that---" agad kong nilayo sa kanya ang mga libro ko at sinamaan siya ng tingin.

"Go away Aiden! Baka makita tayo ng jowa mo!" singhal ko sa kanya, napabusangot naman siya dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"You don't call me Ai anymore, I'm not your Ai anymore?" nilapit niya ang mukha niya sa akin habang tinatanong niya iyon. Ramdam ko ang pagpula ng mga pisngi ko.

Anong nangyari sa kanya?! Bakit ganito siya?!

"Yes! You're not my Ai anymore, so please padaanin mo ang dyosa," mataray na sabi ko sa kanya. Tinusok niya ng dila niya ang pisngi niya sa loob bago tumango at tumabi para makapasok ako sa room namin. Nangangalay na ako sa mga libro na ito eh!

"But wait, Rouien," natigilan ako nung tawagin niya ang second name ko.

"Nabasa ko na yung letter mo," agad akong lumingon sakanya at nakita ko siyang nakangisi.

"What did you just said---"

"And I just want to tell you, go check your locker where you put that letter of yours," saad niya bago kumindat sa akin at tuluyan ng lumabas ng room. Tulala naman akong nakatayo sa may harapan habang yakap yakap ang mga libro ko.

"Uy! Si Zephaniah may libro na,"

"Einstein na ba this?" sinamaan ko ng tingin ang mga boys na sinasabi iyon sa akin.

"Guys," tawag sa amin ni Renz habang tahimik kaming kumakain nila Mikee sa may canteen. Break na namin eh. Hindi ko pa din sinasabi kila Nicole at Mikee ang nangyari kanina kay Aiden. Wala pa naman si Mikee nung nangyari iyon dahil nasa banyo siya sa mga oras na iyon.

"What?" badtrip na tanong ni Nicole.

"May chika ako, wag kayo magulat," umupo si Renz sa tabi ni Nicole.

"Ano?" tanong ko.

"Si Abby, buntis," nabalot kami ng katahimikan matapos iyon sabihin ni Renz.

"Sino nagsabi?" seryosong tanong ko.

"Si Abby, sinabi niya kay Aiden," parang sinaksak ng isang libong kutsilyo ang puso ko nung marinig ang pangalan ni Aiden.

Siya ba ang ama?

Napatigil ako sa pagkain kaya napalingon sa akin ang tatlo kong kaibigan. Sinapo ko ang dibdib ko dahil ang sakit.

"B-Bat ganun? Ang sakit?" tanong ko sa kanila kaya nagkatinginan sila, si Mikee naman ay niyakap ako.

"Don't worry, we're here for you," kalmadong sabi ni Mikee habang hinahagod ang likod ko. Pero di na ako makaiyak eh. Ayaw ng tumulo ng luha ko.

"Wala na talaga akong pag-asa noh?" saad ko bago ngumisi sa kanila. Alam kong iisa lang ang nasa isip namin ngayon, si Aiden ang ama nung dinadala ni Abby.

"Tsk! Hayaan niyo na, aalis na din naman ako para magpahinga. Nakakapagod na eh," saad ko.

"Ano?! Iiwan mo kami?! Gaga ka ba? Sama ako!" singhal ni Renz.

"Gago! Tumigil ka! May tournament pa kayo," saad ni Nicole bago hinila pababa si Renz para makaupo ulit ito.

Magpapahinga lang ako ng saglit tapos babalik na ulit ako.

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now