21

401 19 12
                                    

Sorry kung di nakapag-update ng isang araw. Enjoy reading! Lapit na din matapos ng story na eto.
_________________
__________
______
__

21 : Meow

"Mama, babalik naman ako eh," sabi ko kay mama habang sinusuklay ang buhok ko.

"Tulungan mo ang lola mo dun ha? Siguradong magugulat siya kapag nakita ka niyang nandoon," saad ni papa habang nakangiti. Ka-video call ko sila sa laptop ko at sinabi ko na din na pupunta ako sa probinsya, kung saan nakatira sila lola.

"Basta mag-relax ka lang doon, matagal-tagal na din simula ng hindi ko pumunta doon mga tatlong taon na yata," saad ni mama.

She's right, it's been three years since I last saw my grandmother and my other cousins.

Doon sila sa probinsya nakatira, kami lang yata ang nakahiwalay kase halos lahat ng mga pinsan ko ay doon nakatira.

"Kailan ka pupunta doon?" tanong ni papa.

"Bukas po ng umaga," saad ko bago tumayo sa pagkakaupo ko sa kama ko para ibalik ang suklay ko sa kung saan ito nakalagay.

"Nakapag-empake ka na ba ng mga damit mo?"

"Hindi pa po," sagot ko bago kinuha ang maliit na maleta sa ilalim ng kama ko.

"Eto nalang po gagamitin ko para di na ako magbitbit ng bag," saad ko bago pinatong sa kama ko ang maliit na maleta na dadalhin ko sa probinsya.

"May mga pasalubong ka ba sa kanila?" umiling ako kase hindi ako nakabili eh.

"Ipagluluto ko nalang po sila,"

"Good yan," napangiti ako dahil sa sinabi ni mama.

Matapos ng video call ko kila mama, agad kong binuksan ang closet ko para kumuha ng mga damit na gagamitin ko sa probinsya. Madami na akong balak gawin doon lalo na't matagal na din simula nung nakapunta ako doon.

Siguradong magugulat sila lola na nandoon ako sa harapan ng gate nila.

Kumuha ako ng mga damit na magagamit ko, nagpadala na din sila mama ng pera na pwede kong magamit doon.

Habang nilalagay ko na ang mga dapat kong dalhin sa maleta, napunta ang isip ko kay Aiden.

"Bakit siya ngumingiti sa akin?" tanong ko sa sarili ko.

"Masaya na ba siya kase titigilan ko na siya? Tapos buntis na din si Abby?" napangiti ako ng mapait.

Tangina naman eh.

"Nakakainis, dapat kase ako nalang unang nakilala ng lalaking iyon eh!" ngayon ay padabog ko ng nilalagay ang mga damit sa maleta ko. Nakakainis kase.

"Dapat kase sa Roundell University ako nag-aral, kahit malayo atleast close kami!"

"Kapag talaga nagkaanak din ako sisiguraduhin kong mas maganda at gwapo ang anak ko kesa sa anak nila!" umirap ako bago sinara ang maleta ko at tumayo.

Lumabas ako ng kwarto ko bago dumiretso sa kusina.

"Naayos mo na ba ang mga dadalhin mo?" tumango ako kay manang nung maabutan ko siya sa kusina na naglilinis ng plato.

"Manang, sa tingin niyo? Anong magandang lutuin sa probinsya? Yung magugustuhan nila lola?" tanong ko kay manang bago pinagkrus ang dalawang braso ko habang nakasandal sa may counter.

"Masarap yung sisig na niluto mo,"

"Ha? Mayroon pang natira?"

"Oo, natikman ko, masarap siya pwede mo itong lutuin para kila lola mo," tumango nalang ako.

Bakit yung paborito pang ulam ng lalaking iyon?!

"Manang, alis muna ako," paalam ko kay manang bago kinuha ang phone ko at wallet.

Dumiretso ako sa park kung nasaan si Meow.

"Meow! Meow!" agad akong lumuhod sa harapan ni Meow bago siya lumapit sa akin at nagpahimas.

"Tumataba na ang baby ko ah," hinawakan ko ang tiyan niya bago ngumiti.

"Ay, wait. Bili lang akong pagkain natin para kunwari picnic tayo," tumayo ako bago tiningnan si Meow.

"Stay there," saad ko bago agad na pumunta sa isang pet shop para bumili ng treats, dumaan din ako ng convenience store para bumili ng pagkain ko.

Matapos kong mabili lahat ng kailangan ko agad akong bumalik kung nasaan si Meow, buti nalang at nandoon pa din siya. Parang alam niya na pupuntahan namin siya kaya hindi siya umaalis sa pwesto niya.

"Pinupuntahan ka pa ba ng lalaking iyon?" tanong ko kay Meow na akala mo ay sasagutin ako.

"Kung pwede lang kitang kunin at iuwi sa bahay, dati ko pa ginawa," napabusangot ako nung sumagi sa isipan ko na hindi ko iyon magagawa hangga't hindi ko ipinapaalam kay Aiden.

Pinagmasdan ko ang mga tao sa park, some are playing with their kids, some are with their pets and some are with their girlfriend and boyfriend. Napabusangot ako bago tiningnan si Meow.

"Meow? Ikaw nalang yata jowain ko," saad ko bago hinimas-himas si Meow na nakahiga sa may kandungan ko.

"Di muna kita mabibisita ng ilang araw," saad ko bago bumuntong hininga at binuksan ang bottled water na binili ko at uminom.

I choke on my water cause I fucking saw Aiden walking towards me. Seryoso ang mga mata niya habang ang isang kamay niya ay nasa loob ng jeans niya, at ang isa naman ay hawak ang isang bote ng cat food.

"Putang-!" agad akong tumayo bago umalis palayo. Shit! Anong ginagawa niya dito?!

Agad akong tumayo at umalis ng hindi nagpapaalam kay Meow. Siya ang una kong pupuntahan kapag nakabalik na ako.

Lumingon ako sa kung saan ako nanggaling kanina at nakita ko si Aiden doon at nakatingin kay Meow. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nung makita ko siyang ngumiti at parang kinakausap si Meow bago nag-angat ng tingin sa direksyon ko dahilan para magtama ang mga mata namin.

Wag kang marupok self, wag mo ng saktan ang sarili mo. Nandyan naman si Meow para sayo.

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now