28

344 19 21
                                    

28 : Foundation Day

"Oh ano na? May tent na ba tayo?" tanong ni Erwin pagkapasok niya sa room. Hindi pa kami nakakapili kung saan kami pupwesto dahil hinihintay namin si Erwin.

Ngayon na ang araw ng Foundation Day, ala-sais kami pumunta netong mga kaklase ko na magluluto ng turon at mag-aayos ng pwesto namin pero isang oras na ang nakalipas wala man kaming ginawa.

"Ang galing" sarkastikong ngumiti si Erwin.

"Guys! Let's go! 8:30 magbubukas ang school para sa ibang mga tao, we need to prepare asap!" sigaw nung bise presidente namin, kaya tumayo na ako.

"Let's go," nanlaki ang mata ko nung biglang lumapit sa akin si Aiden.

"Lumayo ka nga sa akin," pagtataboy ko sa kanya.

"Ang bango mo ha, talagang pinaghandaan mo ang araw ngayon noh?" nakabusangot na tanong ni Aiden habang papalabas kami ng room.

"Uy, si Niah at Aiden close na," parinig ng kaklase ko na nasa likuran namin, naglalakad.

"Tagal na, di ka updated?" sa matabang na boses na tanong ni Aiden.

Nung nakahanap na kami ng pwesto namin, agad na tinayo ng mga boys iyong tent yung mga girls naman ay agad na nilabas ang mga tinda namin at ginawa. Nag-assign din si Erwin ng mga kaklase namin na magtitinda, magluluto at magsusukli.

Syempre naghanda na din kami ni Aiden, may upuan kaming dalawa ni Aiden sa may bandang gilid ng harapan ng tent namin. Kung gustong yumakap ng iba sa amin, edi yayakapin namin sila, basta bumili sila ng mga tinda namin.

"Magkano lahat niyan?" biglang tanong ni Aiden habang papaupo palang ako sa inihandang upuan para sa amin.

"Ha? Tanungin mo si pres---"

"Aiden, umupo ka na dito. Baka ubusin mo pa ang tinda natin!" agad namang umupo si Aiden sa upuan na inihanda sa kanya bago humarap sa akin.

"Pwede naman tayong tumakas para walang makayakap sa atin," nakangiting sabi ni Aiden kaya tiningnan ko siya.

"Ano ka ba? Kung gusto mo tumakas edi tumakas ka---"

"Joke lang hehe," sagot ni Aiden bago ngumiti at umupo ng maayos.

Alam kong may dahilan si Aiden kung bakit niya ako sayo pinagtatabuyan, pero ayaw ko din namang maging marupok kay Aiden.

Matapos niya akong paiyakin at pagtabuyan?! Luh! Asa siya! Pahihirapan ko muna siya bago niya makuha ang sexy body and beautiful self ko!

"Guys! We can do this!" sigaw ni Erwin. Kasabay nun ang pagbubukas ng gate ng Eastfar University.

"Welcome to Eastfar University, feel free to enjoy our Foundation Day!" saad nung isang lalaki habang naka-connect sa malaking speaker ang microphone niya.

"Ayaw mo talaga?" bulong ni Aiden kaya inirapan ko siya.

"Ate pabili! Tapos payakap ulit,"

"Ako ba nagtitinda bakit sakin ka nakatingin?" tanong ko sa lalaking hindi naman taga-Eastfar, kakayakap ko lang sa kanya pero gusto ulit akong yakapin.

"Langya kayo! Gusto niyo lang maramdaman yung malaking boobs ko tsaka maamoy yung mabango kong body eh!" singhal ko sa mga nakapilang mga lalaki sa harapan ko dahil gusto nila akong yakapin.

Naghiyawan naman ang iba kaya nakumpirma kong totoo nga, mga kumag talaga. May iba pa ngang taga-Eastfar na bumibili eh.

Nilingon ko naman si Aiden habang nakayakap sa isang lalaki na bumili ng turon. Kumunot ang noo ko nung nakita kong hindi man lang niyayakap ni Aiden ang mga babaeng yumayakap sa kanya.

Para lang siyang puno na niyayakap nalang ng mga babae.

"Good job guys! Madami ang benta natin! Salamat kay Aiden at Zephaniah atsaka na din sa mga masasarap na tinda natin at sa inyong lahat!" pumalakpak si Erwin. Nakaupo naman ako sa upuan ko, kahit wala man akong halos ginawa pagod pa din ako.

"Pahinga na kayo Aiden at Zephaniah, mukhang halos lahat ng nandito ay nayakap niyo na," saad ni Erwin kaya tumayo ako at bumili ng melon. Hindi ko naman pinansin si Aiden na napatingin sa akin.

"Can I hug you?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Aiden habang umiinom ako ng melon juice na tinda ng mga kaklase namin.

"Matapos mong yakapin yung halos lahat ng babae dito, ngayon yayakapin mo ako?" pasinghal kong tanong sa kanya habang nakatingin pababa sa kanya. Nakatayo ako eh tapos siya nakaupo.

"Sila ang yumakap sa akin, hindi ako," sagot ni Aiden bago umirap.

"Bakit ikaw? Ang dami mong niyakap na mga lalaki, mas madami pa sa mga babaeng nagpayakap sa akin, pasalamat ka gusto ko din magpayakap sayo," nakangusong saad niya. Muntikan ko pang mabuga ang iniinom ko dahil sa sinabi niya.

"Luh di ko naman expect na ganito pala ang Foundation day, may payakap-yakap pang nalalaman," reklamo ko.

"Tanungin mo mga kaklase natin," saad ni Aiden kaya tiningnan ko tuloy ang mga kaklase namin na nagtitinda ng mga tinda nila. Nag-peace sign lang sa akin yung iba.

Sabagay eto ang diskarte nila para dumami ang mga bumibili.

"Kainis, bakit kasi ikaw pa yung napili! Ang dami tuloy nakayakap sayo," reklamo ko bago padabog na umalis sa pwesto ko at pumasok sa stall para bumili ng turon.

"Kainis, bakit kasi ikaw yung napili! Ang dami tuloy nakayakap sayo," panggagaya ni Aiden bago tumayo sa upuan niya at tumayo sa tabi ko, na namimili ng turon

"Ano sa tingin mo yung mas masarap, according to you observation?" tanong ko sa kaklase kong nagtitinda ng turon.

"Eto---"

"Mas masarap ako kaya ako nalang ang piliin mo," sabat ni Aiden kaya napanganga ang mga kaklase namin.

Kung dati ship nila si Aiden kay Abby, ngayon titili-tili sila sa amin ni Aiden. Tsk!

"Yieeee! Pagmamahal nga naman ay nakakapagpabago ng isang tao, tingnan niyo si Zephaniah, normal na ulit siya," sinamaan ko ng tingin ang kaklase kong nasabi nun.

"Putangina mo, gusto mo sapak?" pinakita ko ang kamao ko sa kaklase kong lalaki na nag hahalo ng melon sa melon juice.

"Hindi, joke lang, payakap din ako mamaya," nginitian niya ako kaya inirapan ko siya.

"Asa ka," saad ni Aiden sa lalaki.

"Ganito ba talaga ang Foundation day?" bulong ko sa isa kong kaklase, umiling siya bilang sagot sa tanong ko.

"Pre," napunta ang atensyon ko kay Elion na pumasok sa stall namin bago bumili ng melon juice.

"Yakapin kita pre, libre lang kase bumili ka ng tinda namin," saad ni Aiden at umamba pa na yakapin si Aiden pero nandidiring nag-iwas si Aiden.

"Gago, sinong gustong yumakap sayo?" naiinis na tanong ni Elion.

"Ako, pwedeng payakap?" pabiro kong tanong kay Elion.

"Hindi pwede!" nanlaki ang mata ko nung bigla akong niyakap ni Aiden habang nakatingin kay Elion. Alam kong masama ang tingin ni Aiden kay Elion habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Aiden.

"Gago! Alis! Si Azielle ang guluhin mo! Hindi kami!" ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, akala ko yung saakin lang ang ganoon pero naramdaman ko din ang sabay na pagbilis ng tibok ng puso namin ni Aiden.

Tumingala ako sa kanya sakto namang bumaba ang tingin niya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.

I think it's actually good that I went to our foundation day.

Bad In Your Eyes (CRS #5)Where stories live. Discover now