Fifty-five

5.3K 220 23
                                    

Weekends and nag aya si Deanna for the whole family to spend some time together sa labas. Ipapasyal din daw niya kami ng pamilya ko sa bahay ng parents niya kung saan siya lumaki after niyang makaalis sa bahay ampunan, tapos ay pupunta kami sa bahay niya and we'll stay there for the rest of the weekends.

Syempre game naman ang lahat. Si Mafe ay excited na makapag gala kasama namin at syempre natutuwa naman ang mga magulang namin at muli kaming nagkasama sama. After kasi ng salu salo sa restaurant ni Kat ay ramdam kong nasabik kami sa isa't isa. Tsaka buti at nabunutan na din ako ng tinik at tapos na ang exams ko. 

Tama si Deanna, it's time to relax para pagbalik sa trabaho ay fully charge ako. I'm sure medyo kakabahan ako sa result pero while waiting ay maige na nakasama ko ang mga mahal ko sa buhay at nakabalik na ako sa aking trabaho.

Sa sobrang busy ko nga sa exams, ay di ko namalayan na almost complete na pala ang renovation ng dalawang condo. Nakatulog na nga sila tatay sa isang kwarto. Balak na din ni Mafe na lumipat sa kwarto na iyon pagkauwi nila tatay sa Quezon.

Si Deanna ang naghanda ng almusal, habang chinicheck namin nila nanay at tatay ang mga naipon kong gamit na ipapadala sana sakanila. Kita ko na masaya naman ang mga magulang ko at mas naeenjoy na nila ang bagay na wala kami noon.

"Anak, galing ba ito kay Bea?" tanong ng tatay habang sinusuot ang isang pamilyar na blue cap.

"Ay opo tatay. Sinama ko na po dyan yung isang box na galing kay ate. Kunin nyo lang po kung anong gusto nyo tapos ay pwede nyo na pong ipamigay sa Quezon yung iba." sagot ni Deanna mula sa kusina. Mukhang nahalata niyang di ako makasagot.

"Naalala ko itong suot ni Bea ng minsang nadalaw siya sa amin, biniro ko pa nga na akin na lang. Eh pumayag naman pero nahiya ako kaya tinangihan ko." kwento ng tatay.

"Naku tatay, ang hilig mo talaga sa mga sombrero." puna ni Mafe.

"Oh may pangalan naman pala eh," biglang sabi ni tatay. Nakita ko siyang tinanggal ang masking tape na may pangalan nga nito. Napansin ko din na may maliit na papel na nakadikit. Hindi ko na pinansin pero kita ko sa peripheral vision ko na binasa nya ang note. Napangiti din ito pagkatapos basahin. Sinuot na ng tatay ang cap at nagpatuloy lang sila sa ginagawa.

Naisipan ko namang puntahan si Deanna sa kusina. Tutulungan ko na lang siya.

Pagkalapit ko sa kanya ay agad ko siyang binack hug. Nang kumalas ako ay siya naman ang humarap sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Ngumiti siya kaya nginitian ko din siya but eventually napapikit ako habang hinihimas nya ang pisngi ko. Ang init kasi ng mga palad nya.

"Ehem..." sabi ng kapatid ko na sumunod pala sa akin.

Napatingin kami ni Deanna sa kanya.

"Gutom na ako.." Mafe said.

"Right! Sige, dalin ko na yung food sa mesa." Deanna said. Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya tuluyang kumilos papalayo.

Sumunod na din naman ako sa kanila sa hapag kainan.



We pray for our meal bago kami nagsalu salo sa pabreakfast ni Deanna. Maayos naman ang usapan. Puro biruan at tawanan which is something na namiss ko kapag kasama kong kumain ang pamilya ko. Minsan ay nagjojoke si tatay na sinisigundahan naman ni Deanna. Masaya naman akong pinagmamasdan ang lahat na masayang nagsasama sama.

Sa gitna ng usapan ay biglang nabanggit ni tatay si Bea.

"Kamusta na kaya si Bea?"

Natigilan kaming lahat, pero mukang nakarecover naman agad si Deanna kaya sumagot ito.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now