Forty

5.3K 207 29
                                    

Hindi ko napansin na binuksan pala ni Ms Michele yung AC sa loob ng kwarto. Lumamig kasi yung temperatura makaraan lamang ng ilang saglit. Homey yung feels ng kwarto, kaya sumalampak ako sa sahig at binuksan ang maleta ko. Isa isa kong nilabas ang mga gamit ko at isinalansan sa sahig.

Alam kong hindi ito ang lahat ng gamit ko pero Mafe did a good job for including all that I need. Maybe she decided na ikeep na lang yung iba na hindi naman talaga necessary. Enough na to for a few days of stay here. Enough to plan out my life and figure out how I can survive this mess that I created.

After kong masort ang mga laman at itinabi ang maleta ay maingat kong nilagay ang mga gamit ko sa loob ng aparador. Nagulat naman ako ng biglang may nahulog na papel. Mukha itong liham kaya mabilis ko itong pinulot at binasa.

Ate,

Alam kong nasa malayo ka na pag nabasa mo ito. Sana ay okay ka at panalangin ko na gabayan ka lagi ng Poong Maykapal. Sana ay mahanap mo na rin ang kapayapaan sa puso mo.

Gaya ng sabi ko sayo, unahin mo ang sarili mo. Wag mo na muna ako isipin pati na rin yung mga naiwan mo dito sa Manila. Ako na ang bahala. Kami na ni ate Jia ang bahala sa kanila.

I pray na gabayan ka ni Lord and iguide ka Niya sa journey mo.

Mahal na mahal kita ate. Mag iingat ka palagi.

Sana kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan mo, andito kaming pamilya mo na laging dadamay at magmamahal sayo.

Mafe





I am so blessed to have Mafe as my sister. I may be the oldest pero most of the time siya ang nagiging sandalan ko. Mature kasi siyang mag isip, tsaka ramdam kong mahal niya ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala siya. Pero tama din siya, hindi ko dapat kalimutan ang pamilya ko. Dahil all my life, they were the ones na hindi ako sinukuan.

One day, babalik din ako. Ako muna this time.

So paano ko nga ba ito sisimulan?

Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog ng music.

Humiga ako sa kama at hinayaang malunod sa musika. Ang napaka lambot na kama ang nagsilbi kong kanlungan, tila baga'y hinehele ako nito.





Halos magtatanghali na ng magising ako. Mabilis akong nagshower at nagdamit. I know exactly what I need to do.

Kinuha ko lang ang phone at wallet ko, tapos ay mabilis kong nilock ang pinto ng kwarto. Tumigil ako sa harap ng kwarto ni Ms Michele at kumatok.

Ilang segundo lang ay binuksan na nito ang pinto. Nginitian niya ako.

"Hi!" I said.

"Hello! Mukang ready ka na to explore Ilocos ah?" Masaya nitong komento.

Nginitian ko din siya.

"Actually, wala talaga akong alam dito and nahihiya man ako pero wala naman akong masyadong maraming choice kaya baka pwedeng matulungan mo ako..." I told her hesitantly.

Her smile widened before she replied, "I was just waiting for you to ask."

We both chuckled.

"Ahh, Jema pala." Sabi ko habang nilahad ko ang kamay ko.

The Heart DoctorOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz