Six

5.6K 173 99
                                    

Pagkapasok ko ng kwarto ay nakita ko si Ced at Jia. Agad nila akong niyakap.

"Hindi namin mapapatawad ang sarili namin pag may nangyari sayong masama..." Medyo naiiyak pang sabi ni Ced.

"Asan ka ba kasi galing at ngayon ka lang umuwi?" Jia asked.

"Dyan lang.. Sorry nag-alala kayo..." Paumanhin ko habang hinihimas ang likod ni Ced.

"Besh! Sobrang alala kami! Hindi kasi namin alam kung saan ka namin hahanapin lalo't wala naman kaming alam na ibang kilala mo dito eh..." Ced mentioned.

"Tong si Ced nga gusto ng pumunta sa police..." Pahabol ni Jia.

"Sorry talaga guys... Pero mabait naman yung kasama ko... Hinatid pa nya ako sa labas ehh..." I said at medyo napangiti ako ng maalala ko kung gaano kabait si Bea.

Tinitigan naman nila ako.

"Wait! Lumandi ka?!" Ced accused me.

"Hala hindi ahhh?!" I said in defence.

"Eh bakit parang... Nag check in ka? Sino kasama mo?" Jia commented matapos nyang titigan ang dala kong kit from Bea.

Napabuntong hininga ako. Feel ko hindi nila ako titigilan until I tell them what happened. So niyaya ko silang umupo sa sofa at kwinento ang lahat ng nangyari simula ng pag alis ko sa bar, pagkagising ko sa kama ni Bea, yung brunch at panonood ng movie namin.


"So hinatid ka ni Doc De Leon?!" Kinikilig na sabi ni Ced.

"OMG! Sabi na tatamaan ka kay Bea! I know you two will get along!" Jia commented after I ended the story.

"Besh, ilibre mo na akong Samgyup!" Comment naman ni Ced.

"Wait guys! She was just so nice and naappreciate ko lang yung kabaitan niya. Wala akong gusto sa kanya?!" I insisted.

Pinagtawanan nila ako.

"Pero kinikilig ka at sobrang puri mo kay Beatriz! Kita ko sa mga mata mo Jema... Never ka pang ganyan ka excited magkwento." Jia inisted.

I make face. It can't be. Super naaappreciate ko lang talaga siya.

"So sabi ko sayo diba ang papi nya! Gandang gwapo! Sana may kapatid..." Sabi ni Ced na parang nagdadaydream.

"Tigilan nyo nga ako. Mabait lang talaga si Bei... And yes may kapatid siya...." Pilit ko.

"Ayyyy iba tong friend natin Ced! Bei na ang tawag kay Bea, samantalang ako matagal ng friend ay hanggang Bea lang. And siya pa lang ata ang nakapunta sa unit nun!" Jia chuckled.

Napailing na lang ako.

"So reto mo naman ako sa kapatid...." Ced commented.

"Nasa US daw yung kapatid eh, pero doctor din..." Sagot ko.

"Ahhh si Deanna ba? Ampon nila yun... Pero di Bea lang talaga ang totoong anak." Jia insisted.

"Okay na din yun basta De Leon..." Pahabol ni Ced.

"Actually, hindi siya De Leon, they let her keep her last name eh when they adopted Deanna nung bata pa ito. Sa pagkakaalam ko nga si Bea talaga yung nagpumulit sa parents niya na ampunin si Deanna." Kwento ni Jia.

Napatango na lang kami ni Ced.

"Ay iba din, mukang mabait talaga si Doc De Leon, excited na tuloy ako maunder nya..." Ced naughtily said.

"Pero feel ko may gusto din si Dr De Leon sa friend natin Jia. Kasi may pag alaga and nagspend ng time tapos ang sweet pa!" Ced winked.

Hindi na ako nakaimik. Hindi ko na din kasi alam paano magrereact sa paratang nila.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now