Thirty-six

5.4K 219 102
                                    

Nagising ako dahil pakiramdam ko nanginginig si Deanna. Mabilis akong bumagon at kinapa ko ang noo nya. Mainit. Ganun din ang leeg nito.

Mabilis akong kumuha ng tubig bago ko siya ginising at pinainom nito. Kinumutan ko siya at naghanda ng pampunas para makatulong na bumaba ang lagnat nito.

Nang matapos ako ay tinabihan ko siya.

"Thank you..." Nanginginig niyang sabi.

"I'm sorry, yung gamot nasa bag ko. I'll try to find one mamaya. It's still 3 in the morning." I said.

"Okay lang Jema. Please wag mo na lang akong iwan." She asked while holding my hand.

"Dito lang ako..." I assured her.







Nang muli akong magising ay tulog pa din si Deanna. Mabuti na lang at hindi na ganun kainit. Mabilis akong bumagon at nagpunta sa caretaker para humingi ng tulong. Sinamahan naman ako nito sa nag iisang tindahan sa isla.

Nakabili ako ng paracetamol at noodles.

Mabilis kong hinanda ang dala ko para makakain si Deanna. 

Ginising ko si Deanna at pinainom ng gamot. Naubos din nya ang hinanda kong pagkain.

"Thank you.." She said again.

Nginitian ko lang siya bago ako umalis at niligpit ang pinagkaininan niya.

Hinayaan ko siyang magpahinga habang nakipag usap ako sa caretaker and make sure na makasakay kami sa bangka para makabalik na ng maging okay na si Deanna.

Habang naghihintay ay inasikaso ko si Deanna.

"Jema, okay na ako. Kaya ko na." Sabi niya ng mapansing aligaga ako.

She took my hand and said, "Kalma please. Makakauwi din tayo..."

Huminga na lang ako ng malalim at triny na pakalmahin ang sarili ko.








Magkatabi kaming umupo malapit sa may dalampasigan habang naghihintay ng balita mula sa caretaker para sa bangkang pwede masakyan pabalik sa main island.

Nabalot kami sa katahimikan habang nakamasid sa malawak na dagat. Ineenjoy ang paghampas ng alon sa buhanginan. Ang maaliwalas na langit na may namumuong mga alapaap. 

"Ang ganda dito diba?" Deanna asked.

"Oo nga eh, sana makabalik tayo dito..." I replied.

"Sobrang nakakarelax, sobrang payapa.." Patuloy nya.

"Parang walang problema..." Sabi ko naman.

"Parang yung nararamdaman ko ngayon..." Deanna said softly.

Napatingin ako sa kanya, lumingon din siya sa akin. Nagkangitian kami. Ang mga mata namin parehong nangungusap.

"Minahal mo ba ako noon?" Deanna asked.

"Mahal naman kita hanggang ngayon..." I replied.

"Pero di gaya ng pagmamahal ko sayo..." She said.

Natahimik ako.

"Alam ko bata pa tayo noon. Siguro tama nga sila na imposibleng mahal kita noon pa. Pero masisisi mo ba ako kung yung pakiramdam ko, simula noon hanggang ngayon ay ganun pa din? Masisisi mo ba ako kung nagulila ako ng nawala ka at inisip na ikaw lang ang kukumpleto sa buhay ko, that's why hinanap kita all those years? Masisisi mo ba ako kung pinili kong hindi magmahal ng iba kasi ikaw lang ang laman ng puso ko? Siguro nagtataka ka kasi matagal na yun at ngayon lang uli kita nakita, pero Jema, ito yung totoong nararamdaman ko. Kasi pag sinabi mong mali to, it means buong buhay ko umasa ako sa wala at nabuhay ng walang saysay. Kung hindi pagmamahal ang nararamdaman ko, ano to?" She said as tears started to fall from her eyes.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now