Fifty-nine

4.1K 180 10
                                    


Halos buong araw kaming namasyal ni Deanna sa mala paraisong lugar na ito. Tama nga si Jia, napakaganda sa lugar na ito. Sobrang saya ko na maexplore ang lugar na ito kasama si Deanna. Sadyang magaling magspoiled tong si Deanna. New experiences, new adventure para sa amin.

Isa sa pinaka magandang experience ko dito ay yung panoodin ang sunset habang nasa dagat kami kanina. Parang one with nature, one with God's creation.

Pareho kaming nakasakay sa kanya kanyang surfboard pero magkatabi kami habang pinapanood na unti unting lumulubog ang haring araw. Napakagandang pagmasdan ang natutunaw na ginto sa dulo ng dagat. Ang mga ulap sa kalangitan ay nag aagaw na kahel, pula at kalimbahin. Hindi ko mapigilan na umusal ng maikling pasasalamat sa Maykapal sa pagbigay ng pagkakataong makawitness ng dakila Niyang gawa, lalo at kasama ko pa ang pinakamamahal ko sa natatanging pagkakataon na ito.

Napatingin si Deanna sa akin at ngumiti. Hinawakan nya ang aking kamay and bahagya nyang pinisil. I smiled back. Sa loob loob ko ay sobrang saya ko.

"Ang ganda diba?" she commented.

Tumango lang ako at muli siyang nginitian.

"Pero mas maganda ka pa rin..." malambing niyang sabi.

I will be lying if sasabihin kong hindi ako kinilig. There's just something in the way she makes me feel when she affirms me. Ramdam ko agad yung mga paru paru sa aking tyan at ang biglang pag daloy ng kuryente sa aking likuran. Tingin pa lang niya, para na akong natutunaw. Kulang na lang ay yumakap ako sa kanya. Hindi na ako makapaghintay na maging official na maybahay niya. May magbabago kaya sa amin? Or will it make things better?






Kinagabihan ay niyaya ako ni Deanna na magdinner sa isang kilalang restaurant sa lugar. Nasa bandang tabing dagat ito at kadalasan ay may live band. Nagpareserve pala si Deanna dahil pagkarating namin ay inassist kami agad ng staff papunta sa assigned table namin.

"Jema... Mauna ka na ahhh, saglit lang ako sa CR. Ikaw na bahala umorder para pagdating ko may food na tayo..." sabi nito.

Tumango lang ako at sumunod sa staff habang nakita ko nga si Deanna na naglakad papalayo. 

Pagkaupo ko ay agad akong binigyan ng menu ng waiter habang nagsimula ng magpatugtog ng acoustic ballad ang bandang nakasalang.

Malamig ang simoy ng hangin at ang sarap sa tenga ng musika. Nakakarelax talaga. Ang perfect ng place. Hilig talaga ni Deanna ang mga romatic pero simpleng lugar katulad nito. Pansin kong konti lang din ang mga tao at mukang nageenjoy din sila kasama ang mga mahal nila sa buhay or baka mga kaibigan.

Natapos na ako sa pagorder at nageenjoy na ako sa pakikinig pero wala pa din si Deanna. Medyo nag aalala na ako kaya tatayo na sana ako ng biglang nagsalita yung vocalist ng bandang tumutugtog.


"Magandang gabi po sa inyong lahat. Manatili lang po kayo sa inyong mga upuan. Sana po ay nagustuhan nyo ang aming mga hinandang awitin." sabi nito.

Nahiya naman akong umalis kaya nanatili na lang ako sa aking kinauupuan at kinuha ang cellphone ko upang itext na lang si Deanna. Sa sobrang busy ko sa kakatext ay di ko namalayan na nagiba na pala ang banda. Iba na kasi yung boses ng nagsasalita eh pero medyo pamilyar.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Deanna na nakaupo sa stage na may hawak na gitara. Saktong pagtama ng aming mga mata nung kumanta siya.


You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You'd be like Heaven to touch
I wanna hold you so much


Nagawa pa akong kindatan habang kumakanta ito. Ramdam ko din na sa akin lang siya nakatitig habang kumakanta.

NAKAKATUNAW.


At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you


Tila baga'y kami lamang ang taong nandoon. Wala na akong ibang marinig at makita kundi siya lang. First time ata niya akong kinantahan sa harap ng maraming tao. Sino ba namang hindi kikiligin diba. She definitely knows my weak spots!


Pardon the way that I stare
There's nothin' else to compare
The sight of you leaves me weak
There are no words left to speak
But if you feel like I feel
Please let me know that it's real
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you


Maya maya ay nagulat na lang ako ng may mga couple na ang nagstart na sumayaw sa unahan. Pinasa ni Deanna ang gitara at pinagpatuloy ng vocalist ng banda ang pagkanta.


Lumapit si Deanna sa akin at inabot ang kanyang kamay. Napangiti na lang ako at inabot ito. She led me to the dance floor and we swayed to the music. 

"I love you Jema... surprise!" she said with that cute smile.

"I love you too... Akala ko anu na nangyari sayo, may pasurprise ka lang pala." I replied.

She smiled again, mas nakakatunaw ang mga titig niya kaya napakapit na ako sa braso niya.

She led my arms para umangkla ito sa leeg niya tapos ay mas lumapit pa kami sa isat isa habang pasway sway sa music. Halos magdikit na ang aming mga mukha.

"You know I love seeing you happy. It's the only thing that I want," she whispered to my ear then I felt her lips touching my neck.

Isang matinding kuryente ang bumuhay sa kalma kong diwa. Nakakangatog ng tuhod sa totoo lang.

Nagpatuloy kami sa pagsayaw habang kinakantahan niya ako.


I love you, baby
And if it's quite alright
I need you, baby
To warm the lonely night
I love you, baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby
Don't bring me down, I pray
Oh, pretty baby
Now that I've found you, stay
And let me love you, baby
Let me love you


May nalalaman pa tong pag ikot sa akin at sa huli at medyo nibend niya pa ako habang nag iwan ng halik sa aking labi. Akala mo nasa palabas kami sa pelikula, kung paano pakiligin ng bidang lalaki ang bidang babae.

I must have done something right to deserve all of these.




Kinabukasan ay nagpatuloy kami sa pamamasyal. Nag island hoping kami at snorkling. Sobrang naenjoy ko ang lugar at totoong mababait ang mga tao dito. Simple lang ang pamumuhay pero masayahin, matulungin at magagalang sila.

Masaya ako sa mga bitbit kong alala at mga larawan na nakunan sa munting paraisong ito kasama ang taong pinakamahalaga sa akin. She made my dream vacation come true and even made it special with her surprises. I really couldn't ask for more. Lahat binibigay niya sa akin kahit hindi ko hingin. Sadyang alam nya lang talaga kahinaan ko but never did she took advantage of me. I know na pag nakasal na kami, things will get better. Syempre lifelong commitment na yun. I am just wondering if papayag ba sila tatay.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now