Twelve

4.8K 160 51
                                    


The following days went smoothly, moving into Bea's unit was a breeze. Jia and Ced were supportive too, especially when I told them about what happened.

"I'm happy for you besh... At least may love life ka na din..." Celine said.

"I'm sure Bea will take care of you... Mukang seryoso na kayo eh..." Jia said after giving me a warm hug.

"Well, actually hindi pa naman kasi kami...." I said shyly.

"OMG Besh! Hindi pa ba kayo sa lagay na yan?! Nagmove in ka na and she let your family stay here, she oversees your dad's condition, ewan ko kung ano pa yan ahh?!" Ced commented.

Jia smiled and tapped my back, "Ganyan kasi magmahal si Bea, she gives everything na kaya nya which is literal na lahat ng bagay. You both deserve to be happy pero better din na may label para malinaw."

Napailing na lang ako.

"I don't know Jia, pero hindi naman kasi alam ng parents ko yung about sa amin ni Bea, they just know na close kami. Which is true naman diba, we like each other pero hindi naman talaga kami." I answered.

"Ayaw ka lang sigurong ipressure ni doc Bea... Pero eventually, dun din naman ang punta nyan." Ced commented.

"Eh, tingin mo ba mahihirapan kang magsabi sa parents mo about sa inyo ni Bea?" Jia asked.

"Well, just the thought of it kinakabahan na agad ako. Sagrado katoliko ang pamilya namin, baka hindi nila matanggap kasi inaasahan nila na magkakapamilya ako." I explained.

"Besh, alam ko mahirap mag out, Bi kasi ako eh, pero nasayo naman kung ipaglalaban mo. Tandaan mo lang na kahit sino pa yan at kahit anong gender pa yan, it doesn't matter as long as mahal mo." Sabi ni Ced habang hinihimas ang likod ko.

"We will support you 100% Jema. I'm sure Bea can help out, pag usapan nyo na lang..." Jia suggested.

Tumango ako.

"Pero I'm sure okay sa side ni Bea... Wala kang magiging problema dun." Jia clarified.

"Well, she mentioned na alam nila, pero hindi ko pa sila namemeet. This weekend, I'm set to meet them online." I replied.

"Ahhh so mamemeet mo na pala ang mag asawang De Leon... Okay lang yun kahit online muna, mababait sila." Jia shared.

"Sabi nga ni Bea, I will meet her sister too, si Deanna..." I added.

"Ahhh si Deanns ba, oo cool din yun pag close na kayo pero mas moody pa yun kay Bea ehhh..." Jia said.

"Ahhh..." Napatango na din ako.

I know Bea talks a lot and highly of Deanna, sana magkasundo kami.





Nadischarge na din si tatay sa hospital pero nakastay pa din sila sa condo kasi Bea is thinking pa of the best way to deal with the clogged arteries. She explains it naman and insists na she will do the operation and will allow me to scrub in pero I can't assist kasi family member ko yun.

Pumayag na din ako to make sure na bago bumalik sila tatay sa Quezon ay okay na siya. 

Mas naging close naman si Bea sa pamilya ko, madalas sabay sabay kaming kumakain kasama nila after work. Sinama din namin si Mafe maggrocery at tuwang tuwa itong makagala.

"Sa Sunday we can all go to mass. After we can go somewhere, okay ba yun?" Bea said to Mafe after naming mag grocery.

"Talaga ate Bea? Yehey! The best ka talaga!" Mafe exclaimed na sobrang excited. 

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now