Sixty

3.9K 120 6
                                    


Pagkauwi namin ng Manila ay sinundo kami ng driver ni Bea. Pero kinagulat ko ng hindi kami sa condo hinatid.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng bahay nila Deanna. I mean yung house talaga nila Bea. Bubuksan na sana ni Deanna ang pinto pero pinigilan ko siya. Tumingin siya sa aking mga mata at pakiramdam ko naman ay napansin niya ang pag aalangan ko.

"Hindi ka pa ba ready?" she asked.

Hindi ako makasagot. Sa totoo lang hindi ko kasi talaga alam what to do or how to act. I'm sure andito na sina Bea at Maddie at baka nga pati parents nila andito na din. I just really don't know what to do.

Deanna cupped my face and smiled, "Baby... You'll be fine... Just be yourself... Tayo lang namin nila ate eh. Wala pa sila mommy. I think it's time we face ate. Tsaka excited na din sila to see us. Wag ka ng mag alala, kasama mo naman ako eh. Hindi kita papabayaan, I'll be by your side the entire time. Just trust me please?"

I gave her a weak smile. Well, maybe nga na it's time na. Tsaka ano ba kinakatakot ko? Okay na kami eh.

Huminga ako ng malalim tsaka ako tumango. At tuluyan na kaming lumabas ni Deanna sa sasakyan. Pagpasok namin sa hall ay humigpit ang kapit ko sa kamay ni Deanna. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Yung ngiti na may kasamang assurance na okay lang. Kaya ko to. Everything will be okay.

Dumiretso kami sa dining room at andoon nga si Bea at si Maddie. Binitawan ni Deanna ang aking kamay at sumalubong ito kay Bea at pareho silang nagyakapan ng mahigpit.

"I miss you ate! I'm really glad that you are well and back!" masayang sambit ni Deanna.

"I miss you too Deanns. Glad to see you again! Tagal kong hinintay na makasama uli kita." Bea responded. Ramdam kong masaya din talaga siya sa muli nilang pag kikita.

"Aba eh walang bukang bibigyan yang si Bea kundi tanungin kung anong oras ang dating nyo?" Maddie commented habang lumapit ito at yumakap kay Bea. Hinalikan siya ni Bea sa pisngi bago sila napatingin sa akin.

Nagkatitigan kami ni Bea. Sa totoo lang hindi ko alam how to act pero ng makita kong malambot ang tingin niya sa akin at ngumiti ito ay napangiti na din ako. Wala akong naramdaman na kahit anong negative na emotion sa tagpong ito. Lumakad ito sa akin at niyakap din ako ng mahigpit.

"I'm glad I get the chance to see you again. Thank you for everything and I really okay na tayo..." she whispered.

We let go of each other and I replied, "I'm happy to see you too and kayo ni Maddie. Namiss din namin kayo."

Nagpallitan kami ng ngiti ni Maddie and that moment made me realize na walang bahid ng galit, poot or kung ano man sa pagitan namin. I actually never thought that our first meeting again will be this smooth and light.

Niyaya na kami ni Deanna na pagpatuloy ang kwentuhan over dinner. Umupo kami ni Deanna kaharap sina Bea at Maddie. Puro kwento at kamustahan ang naririnig namin sa magkapatid. Madalas din ang kwento nila sa amin ni Maddie how they grew up sa bahay na ito.

"Too many good memories diba?" Bea told Deanna.

"Sobra! And we never get tired na pagtawanan ang mga kalokohan natin." sabi naman ni Deanna.


Matapos ang dinner ay nagstay kami sa may garden nila. Medyo malamig ang simoy ng hangin, marami din kasng nakapalibot na puno. Ang ganda ding pagmasdan ang buwan.

"So Jema, kamusta naman proposal ni Deanna sayo? Saan sa Siargao?" tanong ni Bea.

Nagkatinginan kami ni Deanna.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now