Twenty-six

5.3K 184 58
                                    


Ang sakit ng ulo ko shit! Ramdam ko din ang bigat ng katawan ko pero comfortable naman ang higa ko. 

OMG!!! Kanino nakapatong ang ulo ko ngayon?! Eh wala naman si Bea. Nagulantang ang isip ko pero di ko magawang buksan ang mata ko dahil sa takot kung sino ang makita ko.

Wait! Ano ba nangyari kagabi?!

Pinilit kong alalahanin. After the shift, nagbar kami, nakilala ko si Maddie yung may-ari ng bar tapos... May confrontation kami ni Dr Reyes... Uminom kami... Then nasa taxi kami ni Deanna.

Oh Shit! Si Deanna kasama ko! Nanigas ang katawan ko. Si Deanna tong kasama ko. I'm sure I'm safe.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko and agad kong namukaan na nasa loob ako ng kwarto ko. Okay safe! Dahan dahan kong Inangat ang mukha ko mula sa dibdib ng kayakap ko at nahalata kong suot nya ang white shirt ko. Oh no! May nangyari kaya sa amin?! Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Bumungad sa akin ang mala anghel na mukha ni Deanna. Tulog na tulog ito. Buti na lang!

Pero imbis na tumayo agad ay parang nahalina akong titigan kahit saglit ang mukha niya.

Napangiti na lang ako.


Iza... It's really good to have you back.


Hindi pa ako nagsasawa sa mukha niya pero takot ko lang na magising siyang ganun ang position ko kaya dahan dahan akong lumayo at umalis ng kama. Tiningnan ko ang sarili ko at nakapajama pala ako. Si Iza siguro nagpalit sa akin.

Makakahinga na sana ako ng maluwag ng makapa kong wala akong bra. OMG! Si Iza kaya nag palit sa akin?! Nakita niya kaya yung... Bigla ko na lang din sinilip ang aking pambaba at medyo nakahinga ako to find out na meron naman pala.

Ano kayang nangyari sa amin kagabi?! Kung ano man yun, nakakahiya naman kay Iza.

Mabilis akong nagtungo sa bathroom at naligo. Tulog pa din si Deanna kaya lumabas na ako ng kwarto para magluto ng breakfast.

Nagluto ako ng sunny side up kasi naalala kong madalas niya itong irequest kay nanay nung mga bata pa kami. Pagkatapos kong magluto ay gigisingin ko na siya para makapag handa siya dahil may surgery pa kami. Kailangan ko din magbreakfast at iinom ako ng gamot.


Matapos kong magluto at maghanda ng kainan ay papunta na sana ako sa kwarto ng biglang bumukas ito at lumabas si Deanna na nagkakamot ng ulo.

"Good morning!" Bati ko sa kanya na nakangiti.

"Morning!" She replied na halatang antok pa dahil naghikab pa ito.

"Tara breakfast muna..." Aya ko.

Napatingin siya sa akin saglit bago ito naglakad at umupo sa harap ko.

Inabot ko sakanya ang kape na gawa ko, just how I do it for Bea.

Tinangap niya iyon at agad na uminom.

"Woah!" She exclaimed.

"Masyado bang matapang?!" I asked apologetically.

"Oo! Kaya kang ipaglaban!" Hirit niya before she sipped more coffee.

Ano daw?! Nag-isip pa ako pero parang gets ko naman.

She chuckled, "Masyado pa atang maaga para sa joke na yun.."

Ngumiti na lang ako tapos ay kumain na kami.



The Heart DoctorМесто, где живут истории. Откройте их для себя