Twenty-two

5.5K 224 128
                                    


Before Bea's flight to Canada, we spent the night together. Alam mo yung feeling na andyan pa siya pero pakiramdam mong sobrang mamimiss mo na agad siya. We kissed and cuddled the whole night! Sobrang clingy din niya sa akin, na parang sinusulit nya ang bawat saglit na kayakap niya ako.

What did I ever do to deserve you Bea?! Napaka wagas ng iyong pagmamahal.



The next morning I prepared her favorite breakfast then we ate it together. I did nothing but stare at her the whole time. Memorizing her face, recording her laugh and smile in my head. First time ata naming mahihiwalay sa isa't isa ng more than a week. Akala mo naman napakatagal nun eh sa busy namin nitong mga nakaraan araw eh halos weekend na lang talaga kami nakakapagspend ng maraming oras para sa isa't isa. Kung hindi kasi pagod na kaming pareho ay may kanya kanya pa kaming need na ireview. Ito naman kasing si Bea, daig pa ako kung magreview, eh siya nga tong mentor ko.


"Babe, matutunaw ako nyan eh!" Reklamo niya. Sobrang conscious na siguro siya sa mga titig ko.

I just smiled at her and said, "You know I'm gonna miss you right?!"

"I know babe, and lalo naman ako. Saglit lang to, next thing you know, kasama mo na uli ako. Wag mo na akong masyadong mamimiss. We can videocall and I promise to call everyday..." She said sweetly while holding my hand.

Tumango lang ako as I squeezed her hand.

Kasi naman Bea, kung pwedeng sumama na lang diba. Paano kaya kung magdemang akong sumama? Papayag kaya siya?

"Sama na lang kaya ako?!" I suddenly blurted out.

She looked at me and said, "I requested for it, pero di daw pwede sabi ni Doc Gonzales eh..."

Naramdaman kong nalungkot siya kaya sabi ko, "Okay lang, I'm sure you tried. Hihintayin na lang kita... Bilisan mo ahhh and ikamusta mo ako sa parents mo..."

"Actually, mom suggested na sumunod ka, pero kasi sabi ni dad, mabibitin daw. Kaya magpaplan na lang daw silang umuwi dito sa Pinas." Bea explained.

"Naku, nakakahiya naman..." I said.

"Excited na rin talaga sila to meet you babe... Andito na din si Deanna so they want to go back na din talaga. May mga need lang kasi talaga silang asikasuhin before they can go back here." Kwento ni Bea.

Nginitian ko na lang siya. Masaya ako na malaman yun. Sana lang nakwekwento k din si Bea sa mga magulang ko ng hindi lang bilang kaibigan.









Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nasa sala na si Deanna kausap si Bea. She's carrying her luggage bags. Parang ang daming dala for a week na bakasyon and knowing Bea, hindi ito mahilig sa maraming bitbit.

"Good morning Jema!" Bati ni Deanna sa akin.

I smiled back and greeted her too.

"Ate, I'll wait for you sa harap ahhh, baba ko na to sa kotse." Paalam ni Deanna.

Lumapit naman ako kay Bea and she hugged me agad.

"Pwede bang wag ka na lang umalis?" Parang bata kong sabi.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now