Twenty-four

5.3K 196 114
                                    

Medyo late na kami nagising ni Deanna the following day so after breakfast, we decided to leave the place.

While Deanna was driving, I remembered na it's Sunday pala. We should visit the church.

"May malapit bang church dito?" I asked.

Medyo napatingin siya sa akin, siguro kasi kanina pa kami tahimik and she might want to make sure na tama yung narinig niya.

"Simbahan ba? Uhmm, I know a church, pwede nating puntahan." She responded.

"Yes please..." I replied.


Mga less than 30 minutes ay nagpark na si Deanna. Inalalayan niya ako palabas ng car before we went to the church ground.

Medyo maraming tao pero malaki naman yung lugar pati yung simbahan.

"This is the National Shrine for Our Lady of Peace and Good Voyage, commonly known as the Antipolo Cathedral or Simbahan ng Antipolo by the locals." She introduced.

Napatingin ako saglit sa kanya. Parang ang dami nyang alam about sa lugar.

"You've been here before?" I asked her.

Tumango lang siya.

Pumasok kami sa simbahan at naupo sa gilid na bahagi. Sakto naman magsisimula na ang misa. Napansin ko kung gaano kareligious si Deanna sa pagattend ng misa. She knows the responses well and hindi man makakanta eh, I'm hearing her hum the songs.

I tried to focus naman sa misa lalo na sa sermon.

"Ang Diyos ay mapagpatawad, lalo kung taos puso nating itong hihingilin. Ang tanong nga ng mga apostoles, ilang beses daw ba dapat magpatawad? Pito? Pitungpo? Pintong daan?" Tanong ng pari.

"Mga kapatid, hindi binibilang kung ilang beses tayo dapat magpatawad. Dapat ito ay bukas sa ating mga kalooban gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan." Dugtong nito.

"Pero makakamtan lang natin ang tunay na pagpapatawad kung tayo mismo ay patatawarin din natin ang sarili sa ating mga pagkakamali. Oo, nagkasala tayo sa Diyos at sa ating kapwa, pero kung hindi nating mapapatawad ang ating sarili, habang buhay nating dadalhin ang hinagpis na sana'y napalaya na tayo kung hinayaan na natin ito sa Panginoon." The priest explained.

"Kaya saglit na tapikin nyo ang magkabilang katabi nyo at sabihin'Kung ano man yung nagawa ko para masaktan ka, sana'y mapatawad mo ako.'" Instruction nito.

Nagkatinginan kami ni Deanna bago niya ginawa ang sinabi ng pari, ginawa ko din ito sa kanya. Ramdam ko ang bawat binitiwan kong salita.

"Oh ngayon naman, yakapin nyo kung katabi nyo at sabihing, 'Pinapatawad na kita!'" Utos ng pari.

Deanna smiled and she was the first one to hug me.

"Jessy, wag mo ng isipin yung nakaraan, wag ka na din mag-alala. Napatawad na kita. Sana maging maayos na ang lahat sa atin. Mahal kita!" She said.

Medyo nanigas ako sa narinig ko, medyo teary-eyed na din ako.

Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa kanya para hindi na nya ako makita.

"I'm really sorry Izabella for not fulfilling my promise. Wala ka namang nagawang masama and so there is nothing to forgive..." I told her.

"I'm sorry Jessy kasi nahuli ako. Pero hangad ko talaga ang kasiyaan nyo ni ate Bea. Don't worry about me, I'll get by..." Deanna said before we let go of each other.

I looked at her and smiled at her.

Then we continue to finish the mass.


The Heart DoctorWhere stories live. Discover now