Thirty-three

5.6K 224 151
                                    


Nagising ako sa mahinang tapik sa braso ko.

"Jema..." Mahinang tawag nito. Pero hindi ko pa maidilat ang mga mata ko sa antok.

"Jessy! Gising na..." Tawag uli nito sa akin.

"uhmmm!" I uttered habang inaangat ko ang ulo. Medyo nangalay din ang leeg ko.

"Ikaw na lang naiwan dito. Nakaorder na si Mafe." Muling sabi nito.

"Iza naman eeehhh. Antok pa ako.. Kayo na lang kumain..." I said habang triny kong idilat ang isa kong mata.

Nakita kong bungisngis si Deanna kaya inirapan ko siya habang tumayo sa labas ng pinto. Wala naman akong nagawa kundi idilat na ang aking mga mata.

Tumatawa siyang umiiling, "Dali na sa loob! Paborito mo daw dito sabi ni Mafe."

Nilingon ko kung anong sinasabi niya at bigla akong nabuhayan ng dugo ng makita ang paborito kainan namin nila nanay at tatay. Medyo malapit na pala kami.

Mabilis kong inayos ang sarili at bumaba sa van. Nilock na ito ni Kuya Jerry at sumunod na din sa akin sa loob.

Mabilis ko namang nakita kung saan nakaupo sila Mafe kasi ito yung favorite spot ko.

Kakaupo ko pa lang ay dumating na agad yung mga inorder nila. Well, alam na naman ni Mafe yung paborito ko kaya hindi na ako dapat pang mag-alala.

Dahil siguro sa gutom ay nakapag concentrate kami sa pagkain. Kahit si Deanna ay patuloy lang sa pagkain. Napapangiti na lang ako sa tuwing matitigilan ito pagkatapos sumubo at biglang mapapangiti. Akala mong ngayon lang uli nakatikim ng masarap na pagkain.

Hindi ko napansin na napako na pala ang titig ko kay Deanna kung di pa ako tinaasan ng boses ni Mafe.

"Ate! Hoyyy Ate Jema!" Mafe shouted.

"Anpo ba?" Naiiriti kong tanong.

"Matutunaw yan! Ako kanina pa nagtatanong di mo sinasagot." Sabi ng kapatid ko.

Nakita kong napangiti si Deanna.

"Ano bang tanong mo?" Baling ko sa kapatid ko.

"Sabi ko sa bahay ba tayo didiretso? Tsaka saan magsstay si ate Deanna? Sa kwarto mo or sa kwarto ko?" Sunod sunod na tanong nito.

"Syempre sa kwarto ko!" Singhal ko.

Meedyo natigilan din ako dahil napatingin sa akin si Deanna.

Kinalma ko ang sarili ko bago nagsalita uli, "Okay lang sayo sa room ko Iza? It's bigger." I said.

"Eh pwede namang tabi na lang tayo sa room mo ate so ate Deanna can have my room..." Biglang singit ni Mafe.

Inisnab ko ito at tumangin kay Deanna, "Just like the old times...."

I don't know why I said it, pero feel ko lang kasi mapilit pa tong si Mafe.

"Sure, just like the old times." Nakangiting sagot ni Deanna.

Tinaasan ko na lang ng kilay si Mafe. 



Deanna and I decided to check the site muna and make sure ready na ito para sa event kinabukasan.

Malugod naman kaming tingnangap ng makarating kami sa construction site. Mukhang napakalaki ng itatayong ospital. I mean alam ko yung details sa papel pero iba pala pag nandun ka na.

Saglit akong nag ikot habang kausap ni Deanna ang mga namamahala.

Napangiti ako. Hindi ko akalain na magkakaroon ng magandang ospital sa bayan namin. Kung sakali, mas gusto ko dito na lang pagkatapos ng pagsasanay ko Maynila. Mas kailangan din naman kasi ako dito.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now