35: Bills

19 7 0
                                    


Bills

Hallyx's POV.


"Patawad po."

Humigpit ang hawak ko sa bakal kasabay nang pag-angat ng paa ko sa ere. Mabilisang kong ginawa. Nang makaliban ako sa harang ay ang pagtalon ko sa katubigang na sa ilalim ng tulay.

Ang mga paa ko'y nasa ere, hindi nagtagal ay nilamon na ako ng katubigan.

Malamig. Sinasakop lahat ng tubig ang katawan ko. Kanina lang ay hangin ang nalanghap ko ngayon ay tubig na.

Hinayaan ko ang sarili na lumubog sa tubig habang nandidilim ang lahat.

Sa kadiliman, sa tunog ng tubig na lumulunod sa akin, sa tunog ng isang pamilyar na kanta, sa pakiramdam na malamig, sa pakiramdam na masikip ay biglang uminit.

Ang tunog at pakiramdam ay nag-iiba. Nawala ang tunog ng tubig na kumain sa akin, napaltan ng ingay ng boses. Ang lamig ay nawala at naging natural na init ng katawan. Ang dilim ay nawala at nagliwanag.

Lumiwanag nang iminulat ko ang aking mata.

"Hallyx!" usal ng boses. "Mabuti't gising ka na, tatawag ako ng doctor. Papunta na ang kuya mo. Huwag kang gumalaw," aniya at umalis ng kwarto.

Aligaga ang boses ng babae, bawat paggalaw ko ay napigilan niya pa bago lumisan ng kwartong ito. Mabigat ang pakiramdam ko't masakit ang katawan. Nabibilang ko lang rin ang paghinga ko.

Puti ang kwarto, maaliwalas, at malaki.

"Ate," usal ko pero patuloy lang siyang lumakad para tawagin ang doctor.

Naramdaman kong lumabas ang luha sa mata ko. Sa pagod? Oo. Sa panghihinayang? Oo. Sa kahihiyaan? Oo.

"Sinubukan ko ba talagang magpakamatay?" tanong ko sa isip.

Bago pa dumating doctor ay dumating na si kuya. Hindi ito lasing o kung ano. Pero nakakabitay ang bawat tingin niya.

"Nakakahiya ka, alam mo 'yong ginawa mo?" tanong niya. Nakita kong pumasok si Ate sa pinto at inawat si kuya sa pagduro sa akin na nakaratay sa kama. "Gabing-gabi, ikaw pinag-uusapan. Tangina. Ikaw ang bahala sa bayadin! At bwisit! Private room pa! May pambayad kang puta---" Lumapit si kuya na parang hahambalusin ako pero pumigil si ate.

Nakatulala ako nang inaasikaso ng doctor. Inilipat ako sa baba kung saan maliit lang ang okupado kasama ang ilang mga pasyente, tanging kurtina lang ang nagpapagitan kahit sinabi ng doctor na mas nakakabuting sa ganoong kwarto ako. Kesyo kailangan ko raw ng magandang environment at ilang aparatos na nakakabit sa akin.

"Ano ba'ng pumasok sa kokote mo? Kakahiyan ka talaga eh---"

"Bumili ka munang pagkain," singit ni ate at mabilisang tumingin sa akin. Ang tingin iyon ay salbabida ko sa nakakalunod na salita ni kuya.

"Sa tingin mo makakain 'yan? Hindi 'yan kakain. N'ong walang ganitong kalokohan si Hallyx hindi na tayo makakain, eto pa kayang may babayaran sa hospital?"

Nagsimula nang magsermon si kuya sa bayarin at sa kung gaano nakakahiyang ginawa ko. Napapatingin na lang ang ibang pasyente sa mga mura ni kuya kaya;

White Wall Where stories live. Discover now