15: Conserve

26 10 1
                                    

Conserve
HALLYX'S POV

Itong buwan na 'to, sumabak kami sa speech choir. Maraming contest pero sa speech choir ako nagpahila. Ang sakit nga sa katawan, nakakabugbog. Si Fist 'tong nag-aalala sa mga pasa na nakuha ko.

Lahat naman kami ay may mga pasang natamo pero siya lang 'yong nag-alala sa akin.

Ewan ko, basta ramdam ko 'tong mga pahiwatig ni Fist. S'ya na 'yong kasama ko tuwing lunch at dahil d'on ay dalawang babae na ang may galit sa akin. Ang daming nagkakagusto sa makatang-kamao na si Fist.

Sa kabila ng bugbog na nakuha namin mula sa ensayo ng sabayang pagbigkas ay natalo kami. Grabe 'yong sa costume namin, nag-ambagan pa kami ng thirty pesos at ako lang ata ang nanghinayang sa pera.

Mabilis ang araw at madaming ginagawa. Halos panahanan ko na ang computer shop para sa assignment na kailangang i-research. Nakakainis lang kasi puro lalaki sila roon at nakadiskubre ako ng  apat na klase ng malulutong na mura. (Huwag pamarisan). Bisyo na ata nila ang video games. Pag-uuwi ako ng bahay, sinabihan ako ni kuya na lumandi lang daw ako. Apat na mura 'yong natutunan ko tapos mukhang magagamit ko sa kanya ang lahat ng 'yon.

Minsan may mga contest kaming pinupuntahan ni Baklit para kumita. Busy talaga, kasi sa tuwing nagpare-register ako ay pulos training na in upcoming days. Minsan si Baklit naman ang sinasamahan ko sa ilang singing contest.

At sa contest nga na napuntahan ko noong nakaraang linggo ay nakita ko si Felicity, iba 'yong ngiti niya sa akin. Pakiramdam ko ay may ginawa akong masama tapos nabuko niya.

Last Sunday of August, sa store, kausap ko si Nothing at nabanggit niya na ka-text ko raw siya. Wala akong phone so meaning ay hindi ako 'yon. Sino namang magpapanggap na ako? Na akong hampaslupa? Pati sa text uso ang doppleganger? "When I was fourteen, I have a brother on age sixteen, who commited suicide because her girlfriend left her without any reason. She left kuya after courting her for a year."

Hindi ako makapag-react sa sinabi niya at naiwan sa ere ang kamay ko. Gusto ko siyang pigilan na magsalita pero walang salita ang lumabas sa bibig ko. Text? Really, hindi ba messenger na? Mas mura 'yon.

Gago.

"Ang cliché ng amnesia pero 'yon na lang siguro ang i-dadahilan ko at wala akong matandaan na nagtanong ako tungkol sa kuya mo. Hindi naman ako interasado sa kuya mo eh, baka sa tatay mo pa."

"What!?" tanong niya.

"Oy, funny kaya, tatay mo—"

"What the, no, I mean, you asked me. You always asking me in text—"

Sa personal ako nagtanong sa kanya, randomly at hindi 'yong personal na buhay. Bakit ko siya tatanungin tungkol sa buhay niya kung pe'de naman siya sumulat kay Ms. Charo Santos?

"Text?" I asked, ang alam kong text ay 'yong maliit na papel na may characters na naka-print. Tanda ko pa noon, tinatalo ko lahat ng bata sa amin tapos ipagbibili ko sa kanila 'yon kapag naubusan sila. (Negosyante talaga ako. )

Nilabas niya ang phone at pinakita sa akin ang messages.

Napailing na lang ako. Saktong napansin ko na ang malungkot yet gwapong mukha ni Pal na papasok ng store.

"Hindi ako 'yan, ang mahal-mahal ng load tapos itatanong ko lang kung ilang taon ka nang magpa-dentist? Hindi ako 'yan, kung nakalagay d'yan na ilang taon ka nang nagpatuli ka, baka ako pa 'yan but that's not me. Impossible," ani ko at tumayo para salubungin si Pal.

Iniwan kong tulala si Nothing at sinalubong si Pal. Nakita ko ang mukha niya at sa palagay ko ay may masama itong balita.

"Pal?" mahinahon kong tanong.

White Wall Where stories live. Discover now