Hallyx ↓ 5: Diet

39 9 0
                                    


Diet
Hallyx's POV



Mukhang mala-late pa ako sa first day ko sa school. Araw bago iyon ay hinablot ako ni Baklit. May contest daw sa bayan. Eh, pera 'yon kaya . . .  nagpakaladkad ako. Hating gabi nang natapos kaya puyat ako't pagod.

Nang makapunta ako sa school, sa aking room. Inaasahan ko na maraming estudyante ang nasa loob nito. Sila ay mga bilang na  kailangan kong pakisamahan. 

Umupo ako sa unang upuang nahanap ko at sa likudang parte 'yon. Buti na lang ay hindi malapit sa basurahan. At ayos na ayos ang pwesto na iyon dahil malapit sa electric fan.

Unang araw at tahimik pa ang lahat, katulad ko siguro--- nanibago. Senior High School life is so new. Parang college lang na hindi.

Naagaw ang pansin ko ng babae na siyang umupo sa tabi ko. She's pretty at ang ganda iyon, sa tingin ko kapag dumaan sa amin ay pupurihin.  . .  pero pagnakalagpas ay siya na ang pulutan ng mga chicsmusa sa amin.

"Masungit," rinig kong bulong niya sa sarili.

Tumingin ito sa akin.

Nagdugsong ang kilay ko nang ngumiti naman ito sa akin. Mukha kasi siyang nakakita ng candy na may iba't ibang kulay. She was that lovely!  Her eyes were expressive.

"Hi!" may mataas na tono niyang bati sa akin.

"Oh?" tanong ko na lang.

Mukhang mapapasabak na naman ako sa pakikisama.

"I'm Anisa."

Mukha siyang brat girl na medyo pagka-simple beauty tapos makapagbasag bote, at okay na rin nga 'yong pinggan.

"Hallyx," banggit ko sa pangalan ko.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong umirap, buti ay napigilan ko ito dahil nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha.

It was him.

Nakaupo ito sa unahang parte, malapit sa pinto. Samantala ang bangag kong utak ay inisip na ibang lalaki ang nakikita ko. Gwapo eh at alam ko na para sa matalino lang ako.

"Hallyx bess, alam mo na nahihirapan talaga sa isa pa nating bess. Masungit siya tapos...  guess what? English speaking. Kilala mo ba si Four?"

Hindi ako makasabay sa buka ng perpektong kurba ng kanyang bibig.

"Si Four, ano?" tanong ko, at nagtaka nalang kung bakit iyon pa ang una kong tinanong. Hindi ko man lang naisip ang kasamlangan nang pagtawag niya ng Bess sa akin. Kulang na lang ay may lumabas na ahas.

"Anisa, ang panget ng bess, paltan mo. Kadiri ka."

"Grabe ka!"

Natahimik siya at hindi na ako pinansin.

Dahil matagal magsimula ang unang klase ay sinubukan kong lumapit kay Four na mukhang . . .  gago. It was finally confirmed that it was him dahil Anisa mentioned his name.

"Hoy, akin 'yan!" Pinigilan ako ni Anisa nang mapansing papunta ang gawi ng lakad ko sa unahan at nakatingin kay Four.

Ito namang babae para nasa online selling kung maka-mine. Sa kanya na siya! Ang akin kasi naman talaga ay matalino hindi gwa--- gwago.

"Sa'yo na. Lagyan mo pa ng titulo."

Hinawi ko ang kamay ni Anisa para subukan  lumapit ngunit hinigit niya talaga ako palayo. Pabalik sa upuan namin.

"Masungit 'yan." Nginuso niya ang gawi ni Four. Dahil doon ay nahinuha ko na natikman na niya ang bagsik ng kasungitan ng may dalaw na si Four.

"Hindi lang masungit. Gago rin."

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon