17: Samaritan

32 9 0
                                    


Samaritan
Hallyx's POV

"Wala sanang manununtok," bulong na dasal ko.

Inabangan ko ang ilang kabataan na alam kong kagagaling lang sa matinding pagsigaw at wari ko'y dahil sa pugot ulong si Kuya mula sa entrada ng Horror house.

Suot ang puting damit na may konting bakas ng dugo ay lumabas ako mula sa madilim na sulok na aking pinagtataguan.

"Multo! Ack, Ayaw ko na, shit!" Tili ng isang babae at iniiwasan ang nakataas kong kamay na nagdurugo. "Aaackk, ayoko na!"

Tumawa ako nang matinis at tinakot pa ang ilang kabataan na tumatakbo sa gawi ko. Wala akong magawa kung 'di ang iwasan silang mga uto-uto. Kung hindi ko iyon gagawin ay mapipisak ako na parang itlog.

Nang makalampas sila ay nakahinga ako nang maluwag, kung walang nanunulak o nanununtok meron namang nanghihipo.

Sayang naman kasi ang kikitain ko rito kung susukuan ko lang. 'Yong allowance na binigay sa akin ni SPO1 Pal, kinupitan pa ni Kuya nang halos kalahati. Kaya eto, kailangan ko munang rumaket. Saktong November, araw ng patay at dagsaan ang mga perya, booths at kung ano-anong mapapagkakitaan.

Nabisita ko na rin si Papa kahapon sa puntod niya. Gusto kong umiyak pero may hinahanap akong certain comfort, mula sa kanya...

Natapos ang ilang oras na pananakot ay nakalabas na ako sa mainit at masikip na Horror house.

Kung p'ede lang akong maging lion sa circus e 'di mas tiba-tiba ako.

Ang itsura ko lang naman ngayon ay may napakagulong buhok at naka-make-up na parang pinagkaitan ng tulog.

"Anong nangyari sa ganda mo?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Nilingon ko ito. Nakangisi lang ito sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang hibla ng magulo kong buhok. Gabi, nasa labas na ako ng booth para lumanghap ng hangin pero  siya lamang ang bubulabog sa akin.

"Pinapanget ko lang, minsan ang ganda, kailangan ring ipahinga," sagot ko. Nakatingin sa maangas na mukha niya.

"Nakita ko rin ang baho mo, well, hindi naman kasalanan ang maging mahirap. Kasalanan 'yong hindi mo tinatama 'yong tingin namin sa'yo." Ngumisi siya at inayos ang dilaw na bonet sa ulo niya.

"Ano bang tingin mo sa 'kin, Felicity?"

"Mukha kang perpekto, maganda, matalino at mayaman. But nalaman ko," aniya at tumigil sa pagsasalita para bigyan ako ng nakakapang-asar na ngisi, "walang-wala ka na to the point na ang dami mong lalaking sinasamahan."

Tinulak ko siya palayo sa akin. S'ya 'yong pinaka-gagong babaeng alam ko. Kaya pala galit na galit dito si Yob. Pinagtanggol pa siya ni Nothing noon...

"Tingin mo mayaman ako? Sorry kung tingin mo mayaman ako. Sorry kung mukha akong mayaman. Sorry kung nagmumukha akong mayaman, sorry kung amoy mayaman ako. Sorry ha, nagkamali ka," asik ko habang ginagala ang cornea ng mata mula ulo hanggang paa niya.  “At wala akong lalaki. Well, may kapatid akong lalaki baka gusto mong ipabugbog kita?"

Huminga ako nang malalim dahil halos umuusok na ang ilong ko habang sumasabat sa kaniya. Parang away bata 'yong sagutan namin pero 'yong topic pang-personal na p'ede umaabot sa barangayan.

White Wall Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora