19: At Floral's

29 13 3
                                    

At Floral's
HALLYX'S POV


Lo and behold!

Scratch that! Amoyin at pakinggan niyo lang.

Ingay mula sa nanay na binubungangaan ang anak na gumising, kalansing ng mga kaldero, at amoy ng ginigisang bawang at sibuyas—  ang mga natatanggap ng pandama ko ngayong madaling araw... nang may kumatok sa aming pinto na isang parak.

Isang lalaking may sumbrelo na nagsasabing isa siyang pulis at may bagay na nasa beywang, isang baril, na nagsasabing isa nga talaga siyang pulis!

Si Kuya tuloy ang naisip ko. Paano kung hulihin nila siya? Natutulog 'yon sa kama kasama ang girlfriend. Lasing pa 'yon tapos masuka-suka pa. Mag-isa lang 'tong pulis na bibitbitin si Kuya? Puntahan ko kaya si Baklit nang matulungan 'tong pulis?

Ay teka? Ano bang kasalanan ni kuya?

"Gandang umaga po, buti po hindi kayo naka-uniform niyo, susukahan lang kayo ni kuya. May warrant po ba kayo? Pa-inumin niyo po muna ng tubig si Kuya—"

Napatigil ako nang bigyan niya ako ng isang box.

"Po?" tanong ko. Kung kaya lang maging malaking question mark ang mukha ko ay nagawa ko na.

"Wala akong oras. Galing 'yan kay SPO1 Rosario, tawagan mo agad siya."

Siya na mismo ang nagsara ng pinto. Ako naman ay nakatulalang nakatingin sa nakasarang lumang pinto ng aming maliit na bahay.

Ano?

***

"Eleven numbers of yours will send me thousand of bliss," wika ni Nothing. Sa classroom, nasa aking upuan ako at siya naman 'tong umupo na sa trono niya sa gilid ng pintuan ng room.

Maaga akong pumasok dahil sobrang daming dahilan. Una; pagkabukas ko ng box ay may lumabas na mansanas na may kagat, second phone ko! May kasama 'yong dalawang libo (binilang ko) at galing 'yon kay Pal.

Pangalawa; naka-usap ko sa phone si Pal, at naiyak ako. Hindi ko alam kung bakit, nag-jump rope ang dugo ko. Bakit gan'on? Parang may lukso ng dugo? Naiyak ako kasi for a month ngayon ko lang ulit narinig ang boses ni Pal. Pangatlo ay kinuhanan ako ng pera ni kuya, isang daang piso. Pumasok si kuya sa kwarto n'on tapos ilang oras lang ay lumabas siya para 'magpasalamat' at bumalik na ulit sa kwarto dala ang kupit na pera, that is weird! Pangapat; Inutusan ata siya ni Ate Jainriella na magpasalamat sa akin at! At... lampas isang buwan na silang nagsasama. Panglima; may phone na talaga ako.

Na-excite ang mga dugo ko at inagahan ang pagpasok. And now, dindaan-daan ako ni Juvani sa mga salita niya makuha lamang ang phone number ko.

"Ipakita mo muna ang birth certificate mo na nagsasabing ikaw si Marc," tugon ko.

Actually, si Marc talaga parang ulaga. Wala namang sikreto kung paano niya ako napapayag na magpaligawa. Sadyang hari ng kadugasan ang lalaking 'yon. Sabi niya ay liligawan niya raw ako para wala ng mga lalaki ang manligaw sa akin. Nabanggit ko kasi sa kanya na problema ko ang mga lalaki na halos umabot nasa elementary school. Since, pa-cool lang naman ang putik, at wala siyang ginagawa sa buhay—ay pumayag na ako sa gusto niya. Nagkakaintindihan talaga kami sa lenggwahe ng katarantaduhan.

White Wall Where stories live. Discover now