11: Deducing

21 8 1
                                    

Deducing
Hallyx's POV


Ano ba 'yong pinasok ko?

Sumali ako sa one-shot writing contest na may temang Kalusugan ay Kayamanan. At sakto na wala akong kayamanan at napapabayaan ko na ang aking kalusugan.

Tinakasan ako ng kapal ng mukha na hiramin pa ang laptop ni Nothing. Inaayos ko na rin 'yong plot ko sa utak. Support daw ako ni Baklit, basta isama ko raw s'ya sa story. 'Yon, may napatay agad ako sa mga karakter ng story...

Kahit na may contest akong sinasalihan ay hindi ko pa rin pinapabayaan ang mga school works ko. Kahit hindi magtanong ang subject teacher namin ay nagtataas pa rin ako ng kamay. Eh, 'yong iba kong kaklase thankful kasi nalilingat daw ang oras. 'Yong iba naman na-e-epalan. Hello! Mas epal si Nothing, siya naman 'yong sumasalungat sa ibang turo ng teacher o kaya nagsu-suggest ng mas madaming way to memorize and to compute.

Minsan nga ay siya na lang 'yong nasa unahan tapos na sa gilid 'yong teacher na taimtim na nakikinig. At syempre, nagbibigay opinion rin... minsan.

Isang linggo kong tinitipid ang baon ko, kahit si Baklit ay nagtataka na kung bakit may baon pa ako sa kabila ng walang raket. Sabi niya baka kung sino-sinong tao ang sinasayawan ko para lang may panustos. (Double dead na siya sa akin, plot pa lang.)

Ubos na rin 'yong supplies namin ng pagkain ....Napkin na lang ang natitira.

Sa Sunday na ulit kami magro-grocery ni Pal. Buti na lang ay umiyak 'yong sanggol sa kabilang bahay. Tinawag ako ng inahin nito at pinag-alaga ng sanggol dahil may costumer siya sa mani-pedi. Doon na din ako kumain ng hapunan. Kawang-gawa; may nangunguya.

Mabuti na lang at Sabado bukas, matatahi ko na ang butas kong bulsa. Kailan kaya 'yon magkakalaman?

At 'yong dakila kong coach na si Nothing ay gusto 'to pa ata pati ang Saturday ko ay kuhanin. Halatang wala s'yang tiwala sa akin sa maipapanalo ko ang writing contest at pursigido siyang i-coach ako.

Alam ko namang konti lang ang pag-asa kong manalo pero susubukan ko pa rin naman maglabas ng creative juices eh!

Dumating ang Sunday. Ang laki ng ngiti ko nang makita si Pal na bagong tasa!

"Papa P., naliligaw ata kayo?" saad ko. Malaki ang ngiti ko sa kanya pero parang siya naman ay nawala sa ulirat at hinigit ng kalungkutan pababa. May nasabi ba akong mali?  "Pal, nabastos ka ba? Ayaw mo kay Piolo?" tanong ko, lumapit pa sa kanya.

"Pal, grocery na tayo. Bilisan natin," aniya na parang bato. Naabo na yata ang emosyon niya?

Natahimik ako at agad pumulot ng mga kailangan. Pal, is a family. He's not others, 'Hindi siya iba.' 'Yan lagi ang sinasabi ni Papa sa akin tungkol kay Pal. Kaya't kahit nahihiya ako sa mga tulong na ibinibigay niya ay tinatanggap ko pa rin. Sa katotohanang... kailangang-kailangan ko at kita ko naman ang kagustuhan niyang tumulong sa amin.

Natahimik ako nang ilang minuto nang biglang nagsalita si Pal. "Kakanta pa kasi ako sa ASAP, pal. Tatagpuin ko pa si Iñigo."

Hindi ko mapigilang matawa at hinampas siya sa braso. Nagpatuloy pa ang asaran namin at kahit konti lang naman ang bibilhin namin ay nagtagal kami ng halos kalahating oras.

"Pal, look," aniya. " That man, classmate mo 'di ba?"

Napatingin ako sa bandang pintuan at naroon si Nothing na siyang papasok pa lang. With his thick spectacles ay hindi niya kami nakita.

"Y-yes, pal."

Napatingin sa akin si Pal, ang mukha niya ay may bakas ng ngisi na tanging ako lang ang nakakabasa. Ako lang.

White Wall Where stories live. Discover now