32: Ephemeral

19 8 4
                                    


Ephemeral
Juvani's POV.

"I will not," I answered about psychiatric assistant. "I will try to avoid her, as long as I can. No psychiatrist. I feel so sick with that idea," sambit ko habang bahagyang nilalaro si Penguiny.

Nasa sariling kama na ako habang nasa gilid ng kama si Mom.

"Do your best, okay?" said mom. She kissed my forehead before she left my room.

Naiiling na lang ako sa sarili ko.

Iniisip ko si kuya, if na nagabayan ba siya, maaring buhay pa siya?

25% chance that I have such disorder?

"Being with you is a risk, Juvani," I told to myself.

Natatakot na ako sa sarili ko. Nagsisimula na ding mag-iba 'yong tingin ko sa sarili ko. Naiisip ko hanggang saan ako dadalhin nitong utak ko?

Nitong nalaman ko na may possibilidad ako sa Attachment Disorder o sa Obsessive Love Disorder. Pinilit kong umaktong normal. Oo, normal naman ako.

Kayang kong sumagot ng mga mathematical problem, magsaulo ng ilang keys, at magbigay ng ideas.

No faults in me.

Nararamdaman kong walang mali sa akin pero hindi sa tuwing titingin ako sa kan'ya kasi nandoon lahat ng kagustuhan kong kuhanin at angkinin siya. Sa tuwing titingin ako sa kanya parang ayaw ko na alisan pa ang mata ko. Nakakalimutan ko lahat.

Minsan, kapag wala kaming ginagawa sa klase, kung dati ay kinukulit ko siya ngayon ay nakatungo lang ako sa arm chair ko.

Hindi ako pumipikit dahil nakikita ko lamang ang huling imahe niya habang hinahalikan ko. Naririnig ko rin ang katagang, "Forget me, Juvani. I will be happy."

"Masaya ka ba? Masaya ka na ba? Nakakahinga ka na ba? Hindi ka na ba nasasakal sa akin?" banggit ko sa isip.

Humugot ako ng hininga't tumunghay sa nakakainis na presensya sa tabi ko.

"Ano ba?" inis na tugon ko kay Henzo na kanina pa'ng kumukulbit. Hope he's earning from those poke, it's not funny!

Napansin ko ang nanlalaking mata niya sa akin. "Nagtagalog ka? Totoo? Napag-Tagalog kita?" manghang usal niya.

Hindi ko siya sinagot at umupong tamad. Pakiramdam ko ay basa at nilulumot ang utak ko. Minsan ko na ring 'tong inumpog sa pader pero s'yempre kahit ano sigurong libro ang basahin ko ay walang makakapagsabi sa akin na may epekto ang mahihinang umpog na 'yon.

"Alam mo bang nakakapanis ng laway ang hindi magsalita?"

"Did you know, meddling in someone's serenity time will gave you F?"

"Fuck?"

Napasiring naman ako, "Fail. I will not let you sneak on my papers, if you keep bugging me, also poking. It's annoying!"

"So, tuluyan ng lumubog ang bangka ng Presidente at Treasurer?"

Hindi ko siya sinagot at patuloy lang tumulala.

White Wall Where stories live. Discover now