Sa event hall ng kanilang Junior's Ball, may mga antigong kanta na pinatutugtog, sa dagat na kulay ng cocktail dress at fuschia niyang labi ay nakatindig doon si Hallyx. Kakatapos niya lang sumayaw kasama si Marc pero nais niyang matinong lalaki ang maging last dance sa gabing iyon. Saktong nakita niya si Juvani, ang may apat na matang lalaki. Matalino ito kaya't nama-magnet siya pero hindi ata sapat iyon dahil kinaladkad siya nito paalis ng event hall para ma-solo. Nagkasundo ang dalawa na makisagap na lamang ng tugtog at sumayaw malayo sa iba. Ang sayaw na iyon ang nakapagpakonekta sa dalawa. Kapwa sila may natanto sa kaibahan nila sa lahat. Sa minutong sayaw ay nagkausap sila nang malalim. Misteryosong topic ito. Personal na issue? Problema ba kaya? O maaring kagag•han na naman? Silang dalawa lamang ang nakakaalam dahil naputol na lang lahat sa... "Never forget the White Wall." Ano ito? ___ Inspired by The Little Prince of Exupery
44 parts