70: MATCH (The True Artist 3)

301 25 1
                                    


Isa sa kilala kong mahilig sa sining ay ang tatay ko. Naging negosyo rin niya paggawa ng mga gates na may kaakit-akit na disenyo. At karamihan sa mga kliyente niya ay mayayaman.

"Ang ganda 'Tay!"

"Nagustuhan niyo ba mga anak?"

Mayroon akong paboritong likha ni Tatay na tuwing 'Ber Months lang niya ginagawa at sinisira kapag natapos na ang January upang muling itago ang pinaka katawan nito. Naalala ko kung gaano kami kasaya ni Kuya Joven nu'ng matapos ni tatay ang napakalaking parol. Tuwing sumasapit kasi ang September ay inuumpisahan na ni Tatay na lagyan ang malaking bakal na hugis bitwin na mga palamuti. Mula sa pagiging ordinaryong kalansay na hugis bitwin ang bubong --- nilagyan niya ito ng papel de hapon na kulay blue. Red naman ang katawan, at green ang ilalim na hugis bitwin din. Nagdikit siya sa bubong ng mga ulap at niyebe naman sa haligi na gawa sa bulak. Ang materyal naman ng mga bitwin at buwan ay 'yung palara ng sigarilyo. Dahil malaki ang espasyo sa loob ng parol, naglagay si tatay ng pintuan. Ipinasok niya ang belen, at dim light kaya tuloy nagmukhang mini house ang parol. Pinalibutan din niya ng Christmas lights ang labas ng parol, saka sinasabit sa pinakasentro sa labas ng bahay namin.

Kada taon, iba-iba ang tema na ginagawa ni tatay at ang huling parol na ginawa niya ay White Christmas. Noong bata ako, bukod sa malaking parol ay tinatadtad niya ang bahay ng Christmas lights. Mula sa loob, labas, hangggang sa mga halaman at puno ay mayroong Christmas lights. Samantala, ang Christmas Tree naman namin ay ang sanga ng punong mangga. Dahil White Christmas ang tema ni tatay, kaya pininturahan niya ng kulay puti ang katawan, at dinikitan ng mga bulak upang magsilbing niyebe, nilagyan din niya ng Christmas balls na iba't iba ang kulay, nagsabit din kami ng candies sa paligid ng Christmas Tree.

Noon. September pa lang, dama na ang Pasko sa bahay. At lahat ng kapitbahay namin ay manghang-mangha sa bahay tuwing gabi.

"J-Jumbo!" kahit na hindi ako sigurado kung iyon nga talaga ang pangalan niya'y tinawag ko pa rin siya. "Gawin mo ang lahat ng makakaya mo habang binubuo ko ang vase!"

Hikkk!!!

Nang makalapit ako sa vase ay muli ko itong binuo at habang binubuo ko ito bigla kong naalala ang dahilan kung bakit huminto si tatay sa paggawa ng malaking parol, at kung bakit naging miserable ang buhay namin.

"Anong hinahanap mo, Dar?" tanong ni nanay kay tatay. Halos baliktarin na ni tatay ang buong bahay.

"Nawawala 'yung libro ng mga desinyong gates! Nand'un pa naman 'yung contact ng mga kliyente ko, at 'yung mga pinakamamagandang disenyo na gates."

"Ouch!" nailayo ko ang hintuturong daliri ko dahil nasugatan ito ng bubog.

Hikkk!!!

Napatingin ako sa baboy-ramo at kay Rune na seryoso sa pakikipaglaban. Nang inatake ni Rune ang baboy ay agad naman siyang lumundag upang iwasan ang atakeng iyon, kayalang sa paglundag niya ay nahuli ang paa niya ng latigo ni Rune.

Ngumisi si Rune at hinagis ang baboy-ramo sa...

Sa akin!!!

Wala na akong nagawa kundi ang ilayo muna ang vase na kaunti na lang ay mabubuo ko na, at saktong paglayo ko ng vase ay tumama sa katawan ko ang baboy. Kasama tuloy akong tumalsik sa malayo. Ang masaklap pa du'n, nakadagan sa akin 'yung baboy ni Master Hagiza. "Ang bigat mo! Umalis ka na diyan!" reklamo ko sa kanya.

Hikkk!

Para siyang nagrereklamo sa akin, mabuti na lang talaga hindi ko nakita mukha niya kasi baka nakasimangot na siya. Medyo nahirapan siyang tumayo, ibigsabihin nanghihina siya. May mga galos na rin siya sa iba't ibang parte ng katawan. Masama 'to.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon