SOMEONE'S POV
Napaatras pa ako dahil may sumulpot sa harapan ko. At ang ikinagulat ko pa ay ang pag-iiba ng kanilang mga mata. Mula sa nakakatakot na itim ay napalitan ito ng red na animo'y parang mata ng isang Akuma (Demon).
Agad akong inatake ng hawak nitong katana kaya naman sinalag iyon ng kanang espada ko at sinipa ko siya sa tiyan. Sunod na sumugot ang nasa kaliwa kaya lumuhod ako at tinusok ang kanyang tiyan.
Nagulat ako dahil may sumulpot sa kanang bahagi ko at handa nitong tapyasin ang braso ko, pero agad ko rin siyang iniwasan kaya napahiga ako sa lupang may yelo. Muli itong susugod kaya tinadyakan ko siya ng dalawa kong paa at agad na tumayo upang paghandaan ang dalawang kalaban na aatake sa direksyon ko.
Hindi ako sigurado kung ilang minuto na kaming nakikipaglaban pero halos mapagod na ako sa aking ginagawa. Ang masaklap pa nito hindi naman sila nauubos.
Sa kabila ng labanan ay naagaw ang atensyon ko ng estrangherong babae at nang pinuno ng mga ninja.
Nakalupasay na ito sa malamig na lupa. Mapapatay siya kaya pinilit naming makalapit sa kanya subalit hindi namin napaghandaan ang ginawa ng pinuno nila nang pamansin kami.
"Strepito!" Sigaw ng lider ng mga Ninja sabay lahad ng kaliwang kamay nito.
Lumabas mula sa kamay niya ang isang itim na enerhiya at naghugis bilog. Sa bilis ng pangyayari, hindi agad kami naka-iwas at tinamaan ang aking katawan. Namalayan ko na lang ang sarili na nakahiga na sa lupa.
Tumilapon pala ang aking katawan at malayo ang narating ko.
Arggg.
Masakit at nakakapanginig ng katawan. Agad na tumayo si sensei kaya kahit masakit pa rin ang aking katawan ay pinilit ko na ring tumayo. Pinulot ko ang aking mga sandata na nabitawan ko dahil sa paglagapak ko kanina.
"Bill! Anong klase iyon? Parang isang malakas na hangin!"
"Isang mahika!" Mukhang hindi na rin nagawang manahimik ni Carl. "Ang mga nilalang na may pulang mga mata ay ginagamitan ng kung anong mahika!
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari pero kailangan kong kumalma. Ito ang unang pagkakataon na naka-encounter ako ng ganitong klaseng kapangyarihan o mas tamang sabihing mahika gaya ng sinabi ni Carl.
"Alerto kayo!" Wika ni Bill. "Gumagamit ang halimaw na ito ng isang mahikang lingid sa kaalaman ko at kaalaman niyo! Kailangan din nating mailigtas ang dalaga mula sa kamay niya! Ilang minuto na lang ang nalalabi at...mawawalan na siya ng buhay!"
"Mga pakialamero kayong mga mortal! Dapat pala kanina ko pa kayo tinapos! Patayin sila!" Agad sumugod sa amin ang kanyang mga bataan kaya wala kaming nagawa kundi ang muli silang labanan kahit alam kong walang saysay ang ginagawa namin.
Anong bang laban namin sa mga tulad nila?
Nakakapagod at nakaka-ubos ng lakas pero hindi ako pwedeng huminto. Mahirap na. Baka hindi na ako abutan ng bukas.
Isa lang talaga ang naiisip kong solusyon sa bagay na ito.
Kailangan kong mapatay ang pinagmumulan ng mga halimaw, subalit hindi ako makalapit dahil parang nadadagdagan ang mga ito. Hawak na rin ng lider nila estrangherong babae na tila wala nang malay.
Asar... Anong gagawin ko?
Mukhang masyado pa akong mahina sa ganitong klaseng laban.
Nagulat na lamang ako nang biglang lumitaw ang isang lalaki sa kalagitnaan ng aming laban. A-anong klaseng mga nilalang ba ito? Sino ba talaga sila at kung saan sila nanggaling?
YOU ARE READING
The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)
Adventure***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernandez. Nakipagkasundo siya sa dating sisidlan ng apat na elemento kapalit ng masaganang buhay ng kanyang pamilya. Pinatay ang dati nitong buhay...