13: PRACTICE (2)

1.6K 69 17
                                    


Okay? So anong gagawin ko? Gusto kong itanong sa kanya 'yan pero alam kong babarahin lang niya ako. "Kakanta lang ako?"

Tiningnan lang niya ako saka bumalik ang tingin sa keyboard.

"Sabi ko nga." Nag-umpisa na siyang tumipa sa keyboard kaya wala na akong pagpipilian kung hindi ang kantahin ang piyesa.

You'll never enjoy your life,
Living inside the box
You're so afraid of taking chances,
How you gonna reach the top?

Napapikit ako para namnamin ang lyrics ng kanta.

Rules and regulations,
Force you to play it safe
Get rid of all the hesitation,
It's time for you to seize the day

Instead of just sitting around
And looking down on tomorrow
You gotta let your feet off the ground, the time has now, just let it go

Don't wanna have to force you to smile,
I'm here to help you notice the rainbow
'Cause I know,
What's in you is out there

Naka-ilang ulit lang kami bago napagpasyahang huminto at ang banda naman nila ang susunod na sasalang sa pagpapraktis.

Tiniklop ko ang folder at inabot ko kay Carlisle. "Iuwi mo na 'yan." Walang kalatuy latoy niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita pa at agad ko namang nilagay sa bag ang folder.

Bumukas ang pinto at niluwa si Alexander. "Elyon babes kamusta praktis niyo?"

Babes? Masyado na atang nagiging komportable 'tong mahilig sa chikabebot.

May sasabihin pa sana siya pero hinatak na agad 'yung kuwelyo niya ni Akihiro. "Mamaya ka na makipagharutan magpraktis muna tayo."

"Wait, aray dahan dahan naman nasasakal ako!" Reklamo ni Alexander.

Napa-iling na lang ako sa kanila.

Binitbit ko na ang bag ko para sana bumaba pero pinigilan ako ni Francis, sakto namang kakapasok lang niya sa studio. "Noona, aalis ka na agad?"

"O--Oo, sa --- na?" bigla akong nautal sa hindi malamang dahilan.

"Hindi mo ba muna kami pakikinggan ulit?"

"Huh? Ah --- ano, ano kasi hindi puwede eh, may gagawin pa kasi ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. Yumuko muna siya sa'kin saka ako lumabas na ng studio.

Sa baba naabutan ko si Mr. Bill na naglalagay ng pagkain sa isang lamesa. "Oh, Elyon halika muna rito at tikman mo ang experimento ko."

Sinunod ko naman siya at umupo kung saan niya nilagay ang isang plato ng heavy meal. "Mukha pong hindi niyo ito experimento."

Natawa siya ng malakas sa sinabi ko, "Magaling kang kumilatis."

"Eh?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Umiling lang siya at pumunta nang kusina ng may ngiti sa labi. Inantay ko munang mawala siya sa paningin ko bago ko inumpisahang kainin ang inihanda niyang pagkain. Aaminin ko, masarap talagang magluto si Mr. Bill kaya sa tingin ko hindi lang dahil sa mga boys kung bakit laging maraming tao rito, masasabi kong ang luto rin ni Mr. Bill ang binabalik balikan nila.

"I think were too early."

"It's okay bes para makakuha agad tayo ng magandang puwesto."

"There oh, near stage."

Speaking of customers nandito na naman ang tatlong makakapal ang make-up. Napahinto sila ng makita ako.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon