60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)

793 40 4
                                    

"Buwisit! Gusto ko pa naman sanang tapusin na ang laban." Muling ginamit ni Nathaniel ang kanyang technique. Ilang minuto lang at muli na ngang nasa ilalim ng illusion si Akihiro.

"Anong?" 

Nanlaki ang mata ni Nathaniel, maging kami ay hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari. "Ang twin swords at green fireflies."

"Hindi ko akalain na totoo ang kuwento tungkol sa kanila." Muling pag-uumpisa ni Dick. Mukhang may nalalaman na naman siya tungkol sa kakayahan ni Akihiro. Hindi ko akalain na marami pala talaga siyang alam pagdating sa mga ganitong bagay. "Kung hindi ako nagkakamali ang Green fireflies ay galing mismo sa isang mountain shrine sa Japan. Isa itong shrine na nasa loob mismo ng forest or mountain. Maraming nagsasabi na napaka-enchanted ng lugar. Pinaniniwalaan na tirahan ito ng mga Yokai. May mga piling tao ang nakakakita sa mga nagbabantay ng mountain. Malalaman mong nasa paligid sila dahil sa green fireflies. Kapag nagpakita ito sa iyo maiging magbigay ka ng respeto dahil hindi mo alam kung anong dahilan kung bakit sila nagpapakita."

Lumapit at dumikit ang mga insekto sa blade ng twin swords ni Akihiro

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Lumapit at dumikit ang mga insekto sa blade ng twin swords ni Akihiro. Medyo gulat ang reaction niya at tila hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. 

"Ang boses na iyon." Bulong ni Akihiro. "Natatandaan ko na." Muli siyang tumingin sa kalaban niya kaya bahagyang nagulat si Nathaniel subalit nagpatuloy pa rin ito sa kanyang technique. Tahimik lang na nakamasid si Akihiro. Tila inaaral nito ang kakayahan ng kanyang twin swords. 

Sumugod si Nathaniel matapos nitong gamitin ang illusion pero nagulat siya dahil agad itong nakakilos at alam nito kung saan siya aatake. "Ha!!!" 

Iwinasiwas ni Akihiro ang kanan niyang espada kaya nasalo nito ang atake ni Nathaniel. Hindi siya nag-aksaya nang panahon at agad umatake ang kanan niyang sword. Agad na lumayo ang kalaban nito pero tila gulat si Nathaniel dahil nasa harapan na niya si Akihiro.

"Tinutulungan siya ng twin swords niya." Sabi ni Dick. Tumingin ako sa kanya kasi hindi ko siya naintindihan. "Tingnan mo ang expression ni Akihiro." Nakakunot ang noo niya at tila may binubulong siya. "May kinakausap si Akihiro."

Tama siya. Sa sobrang hina nang bulong nito hindi na kaya ng tainga kong masagap iyon at bukod doon parang ibang language ang binibigkas niya. 

Sa kada wasiwas ni Akihiro ng kanyang espada nakaka-amazed ang green light nito. 

Pabilis nang pabilis ang atake na binibigay ni Akihiro hanggang sa...



...nabali ang blade ng karit ni Nathaniel.

Gulat at takot ang rumihistro sa mukha ni Nathaniel. Gaya nang sabi ni Dick, ordinaryong tao lamang ito. Kung wala ang scythe hindi na rin siya makakapagpatuloy sa laban. 

Tila nanghina ang mga kamay ni Nathaniel kaya nabitawan niya ang baling scythe, napaluhod na lamang sa sahig ito at napayuko kaya hindi ko na maaninag ang kanyang mga mata. "Patayin mo na ako." Mahina at tila suko na ang boses nito.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant