66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)

495 28 2
                                    

"Isa sa kakayahan ni Carlisle ay makita ang energy ng tao, marahil isa iyon sa kakayanan na binigay ni santelmo sa kanya. Ang bawat energy ay may ibat ibang kulay. Ayon sa mga fortune teller, mga bihasa sa mahika, psychic medium, o kung ano pa man ang tawag sa kanila, nakadipende ang aura ng tao sa pastlife niya at kung gaano na katanda ang soul nito, pero walang pakialam du'n si Carl, ang pakialam niya ay kung gaano kalakas ang energy ng isang nilalang kahit anong klaseng kulay pa nito. Kahit gaano pa katanda ang isang soul, hindi ibigsabihin nito ay malakas na siya. May ibang soul na bata pa lang pero kakaiba na ang tinataglay na lakas. Nakakatulong din kasi ang gene's sa pag-develop ng mataas na energy ng new soul." paliwanag ni Akihiro.

Kung nakikita niya ang energy ng tao, ibigsabihin... "Kaya ba asiwang-asiwa siya sa akin dahil nakikita niya ang energy ko?" tinuro ko ang sarili ko. Nanggaling lang ako sa ordinaryong pamilya, pero hindi ko alam kung old soul or new soul lang ako, kaya siguro hindi ko maitatago sa kanya kung gaano ako kahina. Pambihira! Mabuti na lang hindi siya ang nakalaban ko, kung hindi tapos na ako.

"Kumpara sa mga tao rito isa ka sa pinakamahina ang kinang ng energy. Your pure white energy has no significant than any other colors." Sabi ni Carlisle.

Napahawak na lang ako sa aking mukha. Alam ko na 'yun bago pa niya sabihin pero mas masakit kung galing pa sa kanya.

"Haha... Carl huwag ka namang ganyan kay Elyon." Ikinumpas pa ni Akihiro ang kamay niya para lang mapigilan si Carlisle. "Huwag mo na lang siyang intindihin. Teka, nasabi niyang white? Kung white ang aura mo, maaring new soul ka pa lang, pero nakakamangha na sa kabila ng pagiging new soul mo ay nagawa mo nang makarating dito." Tiningnan niya ako ng makahulugan.

"Ba-bakit?" medyo kinakabahan ako sa tingin na iyon.

"Marami pa pala akong hindi alam sa'yo... Siguro 'yung family mo..."

"Huwag mo nang ituloy. Mali ka sa inaakala mo." Pigil ko kay Akihiro. Kung alam niya lang, baka madismaya siya. Kumbinasyon ng malas at suwerte ang nagdala sa akin dito. Malas dahil sa milyong tao sa metro manila ako pa ang nakilala ni Master Luis at Lady Margareth. Suwerte dahil sa lahat ng paghihirap ko, naka-abot pa ako rito, samantalang wala nga ako kahit anong abilidad eh.

"Ako? Anong kulay at kinang ang energy ko?" biglang sumulpot sa tabi namin si Troy. Letche! Nandito pa nga pala ang isang 'to? Nagniningning ang mga mata niya habang nakaturo sa sarili niya, excited siyang malaman ang sa kanya.

"Black." Tipid kong sagot kahit hindi ko talaga alam ang color ng energy niya, pero kasi tinatanong pa ba 'yun?

"Weh? Paano mo nalaman?"

"EH NASA DUGO MO NGA KASI 'YUNG DUGO NG AKUMA! SAKA 'YUNG TATAY MO..." hindi ko na natapos 'yung sinabi ko kasi tinakpan na ni Akihiro 'yung bibig ko.

"Ha-ha-ha, nag-jo-joke lang si Elyon." Naka-peace sign pa si Akihiro kay Troy. Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Akihiro. "Elyon, kalma ka lang," bulong pa nito.

Sino bang kakalma sa pa-inosenteng 'to?

"Totoo ba sinabi niya?" tanong pa ni Troy kay Carlisle. Mas lalo akong nainis dahil sobra ba naman ang lapit niya sa akin eh. Kaya hinawakan ko ang balikat niyang nakadikit na sa balikat ko, at unti-unti ko siyang nilayo. Ano bang problema niya at dumikit pa talaga siya sa akin? Nang medyo malayo na ang pagitan namin ay muli na naman siyang dumikit. "ANO BA? HINDI TAYO CLOSE!" sigaw ko kaya napatingin siya sa akin. Nakita siguro niya na mainit na ulo ko kaya dahan-dahan na rin siyang lumayo pero parang ang inosente pa rin ng mukha niya. Bwisit!

Ngumisi lang si Carlisle habang nakatingin sa kalaban niya. Hindi niya sinagot si Troy.

Hindi ko man makita ang mga mata ni Carlisle ramdam ko naman kung saan siya nakatingin. "Umpisahan na natin ang totoong laban." Kalmado nitong sabi.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now