9: ANGEL OF MUSIC

1.8K 71 3
                                    


Kasalukuyan kaming nasa music room para sa Music subject. Maingay ang boong klase dahil wala pa si Ms. Harmony, ang teacher namin sa subject na ito.

'Yung ibang mga kaklase ko nagpapatugtog ng ibat-ibang instrumento na makikita sa loob ng music room, habang ang iba naman sa kanila ay kumakanta kahit sintunado na.

Sa totoo lang hindi ko pa rin kilala ang mga kaklase ko pagdating sa pangalan at hindi rin talaga ako masyadong matandain sa bagay na 'yun, kaya madalas hindi ko tinatanong. Lalo na kung hindi ko naman masyadong nakakasalamuha kagaya na lang ng mga kaklase ko.

"Sabihin sakin lahat ng lihim mo, iingatan ko."

Kanta ng babae kong kaklase habang naggigitara naman 'yung partner niyang lalaki.

"Ibaling sakin ang problema mo, kakayanin ko."

Maganda ang boses ng babae at magaling namang maggitara ang lalaki. Kung titingnan mo sila para na silang gumawa ng cover.

Lahat ng mga kaklase naming may ibat-ibang ginagawa ay napapatingin na sa kanila. 'Yung mga babae naman parang kinikilig pa.

"Bagay talaga kayong dalawa Phoebe." Sabi ng kaklase kong babae habang kinikilig kilig pa. Kung hindi ako nagkakamali kaibigan din niya itong tinawag niyang Phoebe.

Kanya-kanyang labasan na rin ng phone ang iba at tinututok sa dalawa. "May panibago na naman akong I a-upload sa Fb ko."

Nahinto sila sa ginagawa nang pumasok si Ms. Harmony sa music room. "Tama na 'yan. Pakibalik na ang lahat ng gamit sa dati nitong puwesto."

Maliit lamang si Ms. Harmony at simple pero magaling siya sa halos lahat ng klaseng instrumento.

Umayos na ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang puwesto.

"Okay, chill lang naman ang gagawin natin ngayon. Tatawag ako ng ilang pangalan at pipili kayo ng gusto ninyong instrumento. Ayos ba?"

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Sa totoo lang isa si Ms. Harmony sa pinaka cool na teacher sa academy.

"Okay, tama na 'yan masyado na kayong nasisiyahan. May hawak akong papel dito gusto kong isulat niyo ang codename niyo and then itupi sa apat at ipasa sa akin. Maliwanag ba?"

Nang tumugon ang boong klase ay agad na ring binigay ni Ms. Harmony ang papel sa unahan.

"Get one and pass."

Agad naman akong kumuha ng isa at pinasa sa likuran ko. Hindi naman ako nahirapang mag-isip ng puwedeng maging codename. Pagkatapos kong sulatan ang papel tinupi ko na agad sa apat at pinasa kay Ms. Harmony.

Nang halos lahat ay nakapasa na nilagay niya ito sa isang box at hinalo. "Sino kaya ang mauuna?"

Tinignan niya ang unang papel na nabunot. "Death note?" Tawag niya.

Tumayo naman ang isang lalaking naka eyeliner at nakatayo ang itim na buhok. Mukha siyang rakista pero dahil guwapo siya at maputi kaya nagmukha syang K-pop artist. Kinilig naman ang ibang babae. Ngayon lang ba sila nakakita ng guwapo?

"Full name please?" Tanong ni Ms. Harmony.

"Troy Vergara." Tipid niyang sagot.

"Okay Mr. Vergara bakit Death note ang napili mong maging codename?"

"Kanina bago ka dumating nagbabasa ako ng Death note na manga."

Wala man lang po? Pero kung titingnan mo si Ms. Harmony, mukha pa lamang siyang nasa 20's.

"Okay, pumili ka na ng gusto mong hawakan sa mga 'yan."

Mabilisan naman niyang hinawakan ang base guitar.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now