42: STRANGERS (1)

1.1K 50 5
                                    

"Aalis na ako." Pagpapa-alam ko sa bahay. "Eman gagamitin ko na lang ulit 'yung bike ko." Hindi ko na inantay ang sagot niya. Kinuha ko ang bike at nagpidal.

"Young lady madulas ang daan!" lumabas si Jane ng bahay upang pigilan sana ako pero dahil nakalabas na ako ng bakuran kaya wala na rin siyang nagawa. "Mag-iingat po kayo!" pahabol nito kaya naman kinawayan ko na lang siya bilang tugon.

Ilang minuto pa ang nagdaan at nakapasok na rin ako sa Village. Pagdating ng academy, dumiretsyo ako sa parking area at saktong paghinto ko ang pagsulpot rin ni Carlisle.

Sabay kaming bumaba at nag-park ng aming bisekleta pero hindi pa rin siya umiimik na parang hindi niya ako nakikita. Okay na rin naman sa akin iyon kesa naman kausapin niya ako pero puro pang-iinsulto naman ang lalabas sa bibig niya.

Nauna itong maglakad palayo sa akin at mabilis na mawala sa paningin ko dahil sa iba pang mga estudyanteng papasok ng campus.

Sa aking paglalakad muli kong nakita ang karwahe ng mga Dunstan.

Ganoon pa rin naman ang ginagawa ng mga ilang estudyante kapag nakikita nilang pababa ang magkakapatid. Para silang mga artistang pinagkakaguluhan lalo na ang iilang mga estudyante.

Hindi ko tuloy malaman kung talagang mayayaman ang mga ito o talaga lang hinahangaan nila ang mga Dunstan dahil sa background ng mga ito.

Pagbaba ni Nicole, sumunod na rin si Dick, at nang kakambal niya.

Kinawayan ako ni Dick samantalang inirapan naman ako ni Nicole. Wala naman akong inaasahang magandang pakikitungo sa kanya. Baka kilabutan pa ako kapag naging mabait siya sa akin.

Nag-bow ng bahagya ang kakambal Dick bilang paggalang sa akin at ganoon din naman ang aking ginawa. Ano nga ulit ang pangalan niya? Dicko?

Tatalikod na sana ako pero tinawag ako ni Dick. "Elyon!" patakbo itong lumapit sa akin at iniwan ang mga kapatid niya. "Ahnyonghaseyo, sabay na tayo."

Hindi naman ako tumutol. Kumpara sa iba medyo komportable na rin naman ako sa kanya.

"Ely!!!" sigaw ni Rune habang kumakaway sa akin. Mukhang hindi niya kasama ang apat na lalaki ngayon. Patakbo siyang lumapit sa amin ni Dick. "Ohayou Gozaimasau Senpai." Bati niya kay Dick. "Ohayou Ely." medyo nakakapanibago ngayon si Rune dahil hindi naman siya madalas bumati sa akin ng ganito. Siguro dahil kasama ko 'tong isa.

"Good morning Miss--- Rune, right?" ilang minuto bago niya naalala ang pangalan ni Rune at parang hindi pa siya sigurado.

"Huwag mo nang kakalimutan ang name ko senpai... Always remember... Rune Saito."

Natawa naman si Dick sa inasta ni Rune.

"Ayun na pala sila Alexander!" turo ni Rune sa apat na lalaking naglalakad. Halos itago na ang boong mukha nila dahil sa makapal na scarf. Si Francis naman ay may earmuff pa sa tenga. Hindi na ata kinaya nito ang sobrang lamig.  Pero ang talagang ipinagtaka ko ay 'yung kasama pa nilang babae. Si Frigelle.

"Good morning mga babes." Masiglang bati ni Alexander ng makalapit ito sa amin. Napatingin naman siya kay Dick. "Bro, kamusta?" kinamayan nito si Dick na parang close silang dalawa.

"Ayos naman Alexander."

"Hachow!!!" bahing ni Frigelle kaya nasa kanya na ang atensyon naming lahat. Namumula na ang ilong nito dahil siguro kakapunas ng tissue.

"May sakit ka ba?" tanong ni Rune.

"Wala po ito."

"Sabi ko po kasi sa kanya umuwi na lang at magpahinga." Paliwanag ni Francis. "May tinapos po kasi kaming grouping na assignment kahapon at ngayon namin ire-report sana."

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now